Already Mine
Hindi ako sanay na may kasama sa iisang tirahan. I've never really lived with anyone kaya naninibago ako sa nagyayari. Is it normal na hyperaware ako sa lahat ng kilos ni Aeron? 'Yung mismong sa casual na pag-akbay niya sa akin habang nanonood kami ng TV ay napapasinghap ako? Hala, what is happening to me? Namamanyak na ba ako?
Syempre hindi. Nakakainis lang siya. Dikit ng dikit.
"Ui, umipod ka nga ng konti. Nasa sulok na ako ng sofa eh." Sabi ko at kinuha ang remote para lakasan ang volume.
"Don't wanna." At mas lalo niya pang isiniksik ang sarili niya sa 'kin. What the hell is his problem? Gusto kong peacefully na manuod ng Spongebob.
"Wag ka ngang makulit. Mamaya bumalik 'yang lagnat mo."
Umipod ako sa pinakadulo tapos tumabi siya sa kin at siniksik ako. Hay, kulit. Gusto lang akong bwisitin nito eh. Palibhasa magaling na siya kagabi at nakarecover na. Back to being a jerk again.
"Aalis ka na ba?"
"Oo, mamaya pagkatapos lang nito." Sagot ko.
"Eh marathon 'yan ah." He said.
"Bakit? Pinapalayas mo na talaga ako matapos kitang alagaan?" Inirapan ko siya.
"No, actually, I wouldn't mind it if you stayed."
Tinitigan ko siya ng matagal pero nagkibit-balikat lang siya na parang wala lang sa kanya iyong sinabi niya. Pero ako? Ang bilis ng pulso ko. Hindi ko nga alam kung bakit eh. There was something about the way he said it...
"Ang bait mo naman ata ngayon?" Sabi ko. Hindi ko napigilang ngumiti.
"Good vibes eh because the storm is gone." He shrugged.
"Yun lang?" I asked.
"Oo. Kulit."
I frowned. 'Yan kasi, Erin, expect ka ng expect. But seriously, ito na ata ang pinakamatagal na panahon na hindi kami seryosong nag-aaway. Sana parati na lang siyang ganito. I want this side of him. I want the cute way he bothers me. I want the playful banters. I want this.
"You won't leave me?" Tanong niya.
"Oo na. Hindi na." I said.
"Promise me." Nahuhulog na ang mata niya, parang antok na antok na.
"Yes, promise."
Matapos niyang marinig kong sabihin 'yon ay humiga siya sa lap ko at tumulog na. Ha? Ano ba 'tong mahal na prinsipe na 'to? Napaka-ewan. May pangiti-ngiti pa habang natutulog. Parang shunga. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang gusto niya. One minute, mabait. The next minute, nagtataray. He's a walking collection of random contradictions.
Naramdaman ko na nagvibrate ang phone ko kaya dahan-dahan koi tong kinuha mula sa bulsa ko at sinilip. Mabuti at hindi nagising ang prinsipe.
Gab: Are you home yet?
Me: I'm at Aeron's. Nagkasakit siya. Di ko maiwan.
Gab: You spent the night at his condo?!
Me: Hoy. Walang nangyari sa 'min. Green minded nito. I owed him one.
Aeron stirred. Nadisturb ata ng vibration ng phone ko. Kumunot ang noo niya saglit tapos bumalik ulit sa pagiging relaxed. Damn, he looks so defenseless. At grabe ah, ang pula ng labi niya for a guy. It's really annoying.
Gab: Nasa labas na ako. You need to go now.
Labas? Nasa labas na siya agad ng condo ni Aeron? Syempre naman, Erin. Alangang labas ng banyo, di ba? God, I really need to get out of here because I'm slowly starting to go crazy.

BINABASA MO ANG
Cold as Ice
Teen FictionUnang tingin pa lang ni Erin sa kanya ay alam niya nang may kakaiba dito. Yes, he was handsome and Erin was very, very attracted him. But she knew there was something wrong about him. He may be a walking sign of perfection but his heart is as dead a...