K A B A N A T A 7 //

488 13 3
                                    

The Master of the Game

Napansin ko na tahimik pinapanood ni Aeron bawat kilos ko. Para bang hindi siya sanay na may nag-aalaga sa kanya. Medyo nakakalungkot isipin. Hindi ba siya inaalagaan ng nanay niya noong bata siya tuwing nagkakasakit siya? O baka naman ayaw niya lang na may taong nakakakita na mahina siya? Hay, napakakomplikado ni Aeron de la Fuente.

Pero hindi ko siya magawang iwan.

"Akala ko ba gusto mo akong maging kaibigan?" Binasag niya ang katahimikan.

"Oo nga. Akala ko ba sabi mo magkaibigan na tayo?"

Kumunot nanaman ang kanyang noo pero pumikit din naman ang kanyang mga mata ng punasan ko ang mukha niya gamit ang isang medyo basang bimpo. Weird. Sanay kasi ako na malamig si Aeron kaya nakakailang na nag-aapoy siya ng lagnat.

"Hindi mo man lang ako hinanap sa fair para kamustahin. Hindi mo man lang tinanong kung nakauwi ba ako ng ayos kagabi. Hindi mo man lang ako sinabihan ng good luck bago ang game." Muli ay nagmulat siya ng mata at tinitigan ako ng matalim. "Pero nagawa mong kausapin si Gabriel. Nagawa mong makipagkwentuhan sa pangit na 'yun habang naglalaro ako. Hindi ka man lang nagcheer. Hindi din ikaw ang unang nagrespond nung na-injure ako."

"Teka nga!" Pinutol ko ang kanyang mga akusasyon. "Hoy, Aeron. Ako ba ay girlfriend mo? Hindi naman 'di ba? Kung makapagbintang ka diyan ay parang ang dami kong responsibilidad at kasalanan sa 'yo."

Inirapan niya ako. God! Pasalamat ito at gwapo siya at may sakit kung hindi ay nako. Papatulan ko na talaga 'to. Ang arte arte.

"Di ba nakita naman kita noong hapon? Nung pumasok ka sa court? Edi malamang ibig sabihin noon nakauwi ka ng ayos. Buhay ka pa eh." Sabi ko.

"Kahit na." Malamig niyang sabi. "Dapat mag-alala ka pa rin, di ba?"

"Eh 'yung pag-goodluck ko kay Gab, nagawa ko lang 'yun dahil lumapit siya at kinausap niya ako. Ikaw, hindi ko nga alam na maglalaro ka eh." Patuloy ko pa ring dinedepensahan ang sarili ko habang siya ay parang bata na nagtatantrum.

"Bakit hindi mo ako nilapitan noong time out? Bakit si Gab lang ang may 'good luck'?" Masama pa rin ang tingin niya.

"Ugh, lahat na lang may palusot ka. Paano kita iistorbohin eh ang daming sinasabi sa 'yo ng team captain ninyo?" I asked.

"Eh 'yung pangit?"

"'Di ba we already established the fact na hindi pangit ang pangalan ni Lance. Syanga pala, tinatarayan ko siya. Hindi ako nakikipagtawanan." I rolled my eyes at him.

"From my point of view, it looked like he was flirting."

"Well. I certainly wasn't." Giit ko. "So, mahal kong prinsipe, natahimik na baa ng kaluluwa niyo?"

"Bakit hindi ka nag-cheer para sa akin?" He insisted. Ang kulit ah.

"Bakit? Madami na namang nagchicheer para sa 'yo. Hindi ko na kailangan pang dagdagan. At kung ang sunod na itatanong mo ay 'yung tungkol sa late kuno na pagrespond ko sa injury mo... well, bakit kasi hindi mo hinayaang gamutin ka agad nung ibang first aiders? Choosy ka pa kasi."

Hinawakan niya ang kamay ko na pinupunasan ang leeg niya at ginabayan ito pababa. Sa tapat ng dibdib niya kung saan naramdaman ko ang mabilis na pagpintig ng puso niya. Galit ba 'to?

"Ginusto mo ba talaga akong maging kaibigan, Erin?" Malamig niyang tanong. His eyes were piercing and my breath was knocked right out of me.

"Yes." I sincerely said, meeting his gaze.

"Then why do I feel like I'm nothing to you?"

Ilang segundo akong hindi nakagalaw. I felt like my jaw locked. I could not think straight. My mind became an infinite tangle of jumbled thoughts. Pero I was sure of one thing, Aeron de la Fuente was deemed worthless by somebody.

Cold as IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon