Challenge
Kung sino man ang guardian angel ko, sana naman ginagawa niya ng maayos ang trabaho niya. Bakit hinayaan niyang lapitan ako ng demonyong Aeron de la Fuente na ito? Oh, you think I'm exagerrating? Hindi! Everyday, pagkagising ko pa lang, nasa bahay na si Aeron. Parang siya na nga ang may-ari ng bahay eh. Alam na ng maids kung ano ang favorite food niya dahil dito siya nagbe-breakfast. Araw-araw na lang kaming nakabacon and eggs at pancakes plus orange juice.
And you know what's worse? Friends na sila ng driver ko kasi siya na ang naghahatid sa akin sa school. Pachill chill na lang si Manong dahil sa kanya. Minsan naabutan ko silang nagkekwentuhan tungkol sa akin. Tinatawanan niya pa 'yung description sa akin ni manong pag natutulog daw ako.
At ito ang pinakamalala. Akala mo ka-course na rin namin siya dahil parati siyang nakatambay sa building. It seems like everytime na lalabas ako, nandun agad siya sa may entrance. Sobrang close na nga nila nina Liz, Bea at Jules. Parang okay na rin sila nina Kriessa. Ano 'to? Best friends na sila ng mga best friends ko?
"Saan ka papunta? Tapos na ang classes mo ah?" He asked habang nakasunod sa akin.
"Pwede ba, Aeron. Leave me alone." I sighed. "Nakakapagod na ah."
"Hayaan mo na lang kasi ako na samahan ka. I promise I won't bother you. I just want to be near you. What's wrong with that?" He asked.
"You're always there. Pagkagising ko hanggang bago ako matulog. Mababaliw na ako!" I shouted.
"Edi magaling! That's what I really want anyway. I want you crazy for me." He winked at tumawa pa ng malakas.
Pasalamat talaga siya at gwapo siya kung hindi, kanina ko pa kinalmot ang mukha niya. But really, he looks nice today. Hindi na masyadong gulo ang buhok nya. He's wearing a plain black shirt and it really suits him. Lalo siyang mukhang maputi. Wait, wait. Lumalambot na ba ako? Curse this. It's really very hard to resist him lalo na dahil sa ngiti niya.
Lately, he's been smiling a lot more.
"Where are you going?" Tanong niya ulit. "Susunduin ka ba ni Manong? If you want, ako na lang ang maghahatid sa 'yo."
"Wala ka bang klase?" I asked. "It seems like you're always here. Nagsiskip ka ba, de la Fuente?"
"Concerned ka?" He grinned. Mukhang tuwang-tuwa siya. "I matched my schedule to yours. Nag-irreg ako. That's not important. Hindi ko naman pinapabayaan ang studies ko. Syempre, I have to get good grades for our future."
"Our future? Hindi pa kita sinasagot. Huwag kang mayabang." Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako. What's with him? Sobrang good mood niya ah.
"Hindi pa daw. So may balak." He whispered.
"Ewan ko sa 'yo, Aeron! Ang kulit mo." Naglakad ako ng mabilis papunta sa sakayan ng jeep. Buti na lang at mayroon doong malapit na mapuno. Agad akong sumakay.
Nagulat ako ng sumakay din naman si Aeron. Halata na hindi siya sanay at medyo masikip pa naman ang jeep na iyon. Napansin ko rin na pinagtitinginan siya ng mga babae na katabi niya. Parang inamoy pa siya nung isang babae. Oo na, siya na ang pogi at mabango.
"Bakit kailangan mo pa mag-jeep? May kotse naman ako ah." He said. "I really don't get you sometimes. You're really weird."
"Edi sana hindi mo ako sinundan. Ang lapit lapit lang ng pupuntahan, bakit kailangan mag-kotse? Sayang ang gasolina. Palibhasa, mayaman ka kaya parang wala lang 'yun sa 'yo."
"Bakit ba galit na galit ka? Okay, I'll get a part-time job kung 'yun ang gusto mo. Basta hayaan mo na ihatid-sundo kita." He said. "Atsaka, you should let me pay for your food at isama mo rin ako 'pag nagshopping ka."
BINABASA MO ANG
Cold as Ice
Fiksi RemajaUnang tingin pa lang ni Erin sa kanya ay alam niya nang may kakaiba dito. Yes, he was handsome and Erin was very, very attracted him. But she knew there was something wrong about him. He may be a walking sign of perfection but his heart is as dead a...