K A B A N A T A 10 //

424 10 3
                                    

Hangin Lang

Umupo si Aeron sa kama at humarap sa akin. Kumuha siya ng isang piso mula sa bulsa niya at pinapili ako ng side. Nag-toss coin kami at nanalo siya. Pero seryoso, pakiramdam ko may daya 'yun eh.

"Okay, ako ang unang magtatanong!" Masayang sabi niya. "Nagka-boyfriend ka na ba?"

"Ha? Anong klaseng tanong 'yan?" I asked. Pero nahihiya lang talaga akong sumagot. "Akala ko mga simpleng tanong lang like favourite color ko o kaya favourite food."

"Anong tingin mo sa 'kin? Slambook? Syempre mga ganito ang tanong. And you should really answer the question or else, hindi ko rin sasagutin 'yung sa 'yo." Nang-aasar ang ngiti niya at parang alam niya na ang sagot.

Hindi naman sa ganun pero akala ko kasi mas deep 'yung mga magiging tanong niya. Hindi pa ako nakakapaglaro ng twenty questions pero alam ko na sa parties ito madalas nilalaro. Siguro kaya mababaw lang ang mga tanong at puro tungkol sa kalandian.

"Fine, fine. Never pa akong nagka-boyfriend. Masaya ka na?" I asked at pinandilatan ko siya. For some reason, simula noong fourth year, lumayo ang mga nanliligaw sa 'kin. "Alright, ako naman!"

"Go ahead." He rolls his eyes.

"Bakit ka pumayag na maging kaibigan ko?"

"Ayaw mo?" Mataray na sabi niya.

"No, not really. It's just... noong una, you seemed to really hate me. Noong una pa lang nating pagkikita, sinigawan mo ako, remember?" I asked.

Hindi ko makakalimutan 'yun kahit na intoxicated na ako. That time, I really understood kung bakit parating usap-usapan si Aeron de la Fuente. He really does look out of this world. A lot of girls will kill para lang mapunta sa pwesto ko ngayon, kahit bilang kaibigan lang niya.

"Lasing na 'ko noon. Hindi ko na matandaan." He shrugged.

"So... bakit ka pumayag na maging friends tayo?" I ask.

"Ang kulit mo." Sabi niya. "Gusto kita, okay? Kapag kinukwento ka sa barkada ni Gab, it's like you're a really amusing person. Atsaka, sabi niya sa amin noon bawal kang lapitan. Protective siya sa 'yo, parang ewan lang. Kaya ayun, para mainis siya, kinaibigan kita. That's why."

"Ano? Kinukwento ako ni Gab?" Pakiramdam ko nanlaki ang mata ko pero tumawa lang si Aeron. "At gago ka talaga. Kaya pala ang sama ng lagay ni Gab nung nasa mall tayo."

Ah, si Gabriel. Hanggang ngayong college ba naman ay pinepeste pa rin ako. Simula ata fourth year ay nakabuntot na sa 'kin kaya pakiramdam ko siya ang dahilan kung bakit ako hindi pa nagkakaboyfriend. I think guys automatically assume na I'm in a relationship with him kaya walang nagtatangkang manligaw.

"Dami mong tanong. Bahala si Gab. PMS lang 'yun. It's my turn now." Sabi niya. "Since you've never had a boyfriend that means... you're a virgin, right?"

"What the?" Halos lumuwa ang mata ko at ramdam ko na agad nag-init ang pisngi ko. "Anong klaseng tanong yan!"

"What?" Nakibit balikat siya ngunit may pilyong ngiti. "It was an honest question. Kailangan mo sagutin or else I'm gonna think na hindi ka na ganun."

"Oo na!" Kinuha ko ang mga unan at isa-isang binato sa kanya. Tumatawang naiwasan niya naman ang mga ito. Oo nga pala, athlete din siya. "Ang bastos mo!"

"Ano namang bastos dun?" Pa-inosente niyang tanong. "Gagawin mo rin naman 'yun someday, 'di ba? Gusto mo pa nga nagyon na? I volunteer as tribute!"

Ginaya niya pa ang acting ni Katniss doon sa movie na Hunger Games at tinulak ako pahiga sa kama pero sinipa ko lang siya at tinulak. Tumawa lang siya ng tumawa na para bang amused talaga siya sa reaction ko. Ramdam ko talagang namumula ako.

Cold as IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon