Jealous
Isang malaking misteryo para sa lahat ang unti-unting pagbabago sa pag-uugali ni Aeron de la Fuente. Ang malamig niyang mga mata ay naging masiyahin na ulit. Hindi na siya snob sa mga babaeng humahanga sa kanya. At naging mas mabait na siya sa mga taong tinuturing siyang kaibigan. Ang pinakamalaking pagbabago, ayon sa kanila, ay ako.
"She's the one, right? 'Yung girl ni Aeron." Bulong ng isang babae habang dumadaan ako sa hallway. "Di naman ganoon ka-pretty. Bakit kaya siya?"
"Ay nako, girl. Shut up ka na lang. Kapag nalaman ni Aeron na may nagspread ng nasty rumors tungkol sa girl na 'yan, baka makapatay na 'yun. Overprotective 'yun. Kaloka." Sagot ng baklang friend niya.
"Oh, talaga? So totoo 'yung balita na isa-isa niyang pinagbantaan lahat ng nagcomment ng masama sa picture nila sa facebook?" Hindi makapaniwalang tanong ng babae.
"Oo at hindi lang 'yun! Lahat ng mga nangbabash 'dun sa girl, pinasuspend ni Aeron! 'Yung mga naglagay ng mean words 'dun sa locker ng girl na 'yan, nagpatransfer na ng school. Grabe kung makapaghiganti ang lalaking 'yun, sis! Katakot! Buti na lang at hot siya kaya crush ko pa rin."
"Grabe, dedicated." Comment ng isa. "Ilang buwan na rin siyang nanliligaw ah. Eh sanay pa naman yun na agad nakukuha ang mga gusto niya. He must really like this girl, huh?"
Bago pa ako magmukhang nakikinig sa usapan nila ay binilisan ko na ang lakad ko. Noong una, marami nga ang nang-away sa akin matapos nilang malaman na nililigawan nga ako ni Aeron. Nagtaka nga ako dahil isang araw ay bigla na lang silang naubos. Enjoy na enjoy pa naman sina Kriessa sa pakikipagtarayan sa kanila. Totoo kaya na inubos sila ni Aeron? Gosh, nababaliw na ba ang lalaking 'yun? At pano niya nagawa ang lahat ng ito?
Hindi siya marunong magluto pero kaya niyang ipasuspend ang mga kaaway ko? Anong klaseng lalaki ba siya? Jusko po.
Maaga kaming dinismiss ng prof na ikinatuwa ng block namin. Busy kasi ang lahat sa thesis at lahat halos ay sleep-deprived. Pati sina Kriessa ay nasestress na sa sobrang dami ng gawain at hindi na rin nila magawang makapag-party. Nagpaalam sila sa akin na maglalibrary na daw muna sila.
Ako naman ay naglakad papunta sa isang coffee shop na malapit lang sa school. Minsan kasi, kapag ganitong oras ay masyadong maraming estudyante sa library at hindi na ito gaanong katahimik. Mas gusto ko ang secluded na coffee shop para walang makakaistorbo sa akin. Besides, the caffeine should help keep me awake.
It was a nice day. It's a shame that I was in a bad mood. Dahil sa stress ay hindi ko na maappreciate ang magagandang bagay sa buhay ko. College does that to you. The only thing I was looking forward to was the coffee shop at buti na lang madali akong nakarating dito.
Umupo ako sa may dulo, sa tabi ng isang bintana at binuksan ang laptop ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa wallpaper ko. Selfie ko 'to kasama ang natutulog na si Aeron. Tulog mantika ang lalaking iyon kaya kahit na ilang beses akong nagpicture kahit may flash, hindi siya nagigising. Kumukunot lang ang noo niya.
"Ooh ang pogi ko naman diyan."
Lumingon ako at nakita ko si Aeron na naka-uniform ng waiter at nakasilip sa laptop ko. Wait, what?
BINABASA MO ANG
Cold as Ice
Teen FictionUnang tingin pa lang ni Erin sa kanya ay alam niya nang may kakaiba dito. Yes, he was handsome and Erin was very, very attracted him. But she knew there was something wrong about him. He may be a walking sign of perfection but his heart is as dead a...