K A B A N A T A 12 //

440 12 9
                                    

Breakfast

 

Nagising ako ng alas tres ng hapon sa isang hindi pamilyar na kwarto. Naguluhan ako noong una, hanggang sa maalala ko na uminom nga pala kami kagabi at sa bahay nina Kriessa kami umuwi. Sobrang sakit ng ulo ko at hindi mawala ang antok. Buti na lang at hindi ako ‘yung tipo ng tao na nagsusuka, inaantok lang.

Pangdalawahan ang kama sa kwartong tinulugan ko at mukhang kanina pang nagising ang taong nakahati ko sa pagtulog dito. Ako ba kaya ang huling nagising?

“Oh ayan, gising ka na finally.” Nakangiting bati ni Jules na kakapasok lang sa kwarto. “Ano ba kasing ginawa mo kagabi? Bigla ka na lang nawala tapos nakita ka na lang namin na tulog sa isang kwarto.”

“Hindi ko rin alam eh.” At totoo naman ‘yung sinagot ko. Wala talaga akong masyadong maalala.

“Umakyat ka daw kasama si Aeron? May ginawa ba kayo?” Patuloy niyang tanong.

“Ha?” Halos mapasigaw ako. “Bakit ko naman siya kasama?”

“Aba malay ko sa ‘yo.” Natatawang sabi niya. “Pero kung si Aeron ang kasama mo sa isang kwarto…” Binigyan niya ako ng nakakalokong ngisi.

“Kadiri ka, Jules!”

Tumawa na lang siya at hinila ako pababa para magbreakfast. Well, breakfast para sa ‘kin tapos meryenda para sa kanila. Nakakahiya dahil gulo-gulo pa ang buhok habang mukhang maayos na silang lahat. Umupo si Jules sa tabi ng boyfriend niyang si James at hinalikan ito sa pisngi. Umismid lang si Liz at Bea habang si Kriessa ay naghahanda ng pagkain.

“Did you sleep well?” Isang malamig na boses ang pumukaw sa atensyon ko.

Lumingon ako at nakita ang isang mukhang bagong ligo na Aeron, shirtless and all. Nakabalandra ang magandang hubog ng abs nito at ang buhok niya ay gulo-gulo pa rin. Grabe, umagang umaga mukhang masusuka na agad ako.Sa pagsasalita niya ay natahimik ang lahat ng nasa table at itinuon nila ang atensyon sa amin.

“Anong ginagawa mo dito?” Galit kong tanong.

“You’re so rude. Matapos kitang ihatid at alagaan kagabi. I even slept beside you the whole time, you know?” Umupo pa ang gago sa bakanteng upuan sa tabi ko.

“Bakit? May sinabi ba akong alagaan mo ako?” I rolled my eyes.

“Oh, ang taray. Period mo? Want me to buy you tampons too?” Sarkastikong sabi niya. “Maybe you should just be thankful for what I did last night.”

“Maybe dapat hindi ka nangingielam sa buhay ng iba.”

“Oooh that burn.” Pabulong na sabi ni Bea pero dahil tahimik ay narinig naming lahat. Humagikhik sina Jules at James habang si Kriessa ay tahimik lang na nanonood.

Ano bang nangyayari? Bakit nandito ang kumag na 'yan at bakit parang normal lang 'to para kayna Kriessa? Hindi ba magkakagalit sila? Eh parang wala lang ito sa kanila. Normal silang nagkukwentuhan at nagtatawanan na para bang walang demonyong nakikikain sa amin.

Hindi ko na pinansin si Aeron at nakinig na lamang ako sa usap-usapan ng mga kaibigan ko. Dito rin natulog si Gab pero sabi ni Kriessa, umuwi daw muna ito para makapagpalit ng damit. Tumawag si Gab sa kalagitnaan ng pagkain ko pero bago ko pa ito masagot, aksidenteng nasagi ni Aeron ang braso ko kaya nahulog ang phone ko sa ilalim ng mesa.

Cold as IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon