K A B A N A T A 2 //

707 15 2
                                    

The King and The Flea

Hindi ko na nahanap si Kriessa kahit na nagmadali akong sundan siya. Hindi ko rin naman alam ang number niya kaya hindi ko siya ma-text. Nag-aalala tuloy ako. Baka mapahamak siya.

"Kasalanan 'to lahat ni Aeron!" pagmamaktol ko. "Bakit niya ba sinabihan ng ganun si Kriessa? Wala namang ginawang masama sa kanya."

"Erin, wag ka maingay!" sabi ni Gab habang hinihila ako palabas ng 71 G. "Naririnig ka pa ng mga bisita ni Aeron."

"Eh ano naman ngayon? Wala din naman siyang respeto!" sabi ko. "At hindi mo ba narinig 'yung mga salitang binitawan niya kay Kriessa?"

Pero bago ko pa mapagpatuloy ang rant ko ay tinakpan na ni Gab ang bibig kong madaldal at hinila ako papunta sa kotse niya. Napansin ko rin na matalim akong tiningnan ng mga tao na nasa labas. Oops.

"Listen, Erin." Sabi ni Gab na inistart na ang kotse. "Wag mong pagsasalitaan ng masama si Aeron in public, okay? Naalala mo ba 'yung sinabi ko sa 'yo kanina? Maraming babae siyang nilalandi at lahat sila handang pumatay para sa kanya."

"What? OA naman!" sabi ko dahil hindi naman talaga kapanipaniwala.

"Seryoso, Erin. I'm not saying na tama 'yung ginawa niya kanina. Pero... ako na bahala kay Aeron okay? Ikaw, kung pwede lang... huwag mo na siyang awayin. Steer clear of his girls too. Tell Kriessa I'm sorry dahil hindi ko naman alam na may something pala sila ni Aeron dati."

Wala na akong nagawa pa. Mukhang seryoso nga si Gab sa sinasabi niya na delikadong lapitan ko pa si Aeron matapos ang ginawa ko ngayong gabi. A womanizer like him... siya pa ang may kapal ng mukha na tawagin si Kriessa na 'whore'. Just wow. Hindi ko na talaga maintindihan ang mundong ginagalawan ko.

"We're here." Sabi ni Gab. Hindi ko namalayan na nakapark na kami sa harap ng condo ko. "Anyways, I'm sorry. I hope na you'll still hang out with me next time, Erin."

"Hindi mo naman kasalanan." Sabi ko kay Gab. "Pero sa susunod, ako na ang pipili ng gagawin natin ha?"

"Sige ba!" Isang malaking ngiti ang binitawan sa akin ni Gab bago siya nagdrive palayo.

Kinabukasan, isang normal na araw ulit ang sumalubong sa akin. Parang walang nangyari kahapon at wala ring masyadong kakaiba ngayong araw na 'to. Maliban na lang sa late dumating si Kriessa at binigyan nya lang ako ng isang maliit na ngiti.Gusto ko sana siyang kausapin kaso parati siyang napapalibutan ng mga tao. Ayoko namang makaabala sa kanya dahil mukhang siya ang center of attention ng grupo.

Umalis na ako sa room para bumili ng pagkain ng may kamay na humawak sa aking braso. Lumingon ako dahil sa gulat pero si Kriessa lang pala ito at ang mga kaibigan niya.

"Erin, lalabas ka na ba? Sama kami sa 'yo ah!" sabi ni Bea, isang bestfriend ni Kriessa. Ang iba naming mga kaklase ay nakatingin lang na parang naguguluhan.

"Tara na, Erin?" tanong nila kaya tumango na lang ako.

Nagpunta kami sa Bon Chon at umorder sila lahat. Nakigaya na lang ako ng order at nagtry na hindi mailang sa usapan nila pero nahihiya talaga ako dahil ang lapit na ng loob nila sa isa't-isa.

"Syanga pala, I'm really sorry about yesterday." Sabi ni Kriessa at agad namang natahimik ang mga kaibigan niya. "Hindi na ako nakapagpaalam sa 'yo."

"A-ah. Wala 'yun." Awkward kong sabi. "Ako pa nga ang dapat humingi ng tawad di ba? Ako ang dahilan kung bakit ka naimbitahan ni Gab. Kasalanan ko."

"Ano ka ba, Erin!" sabi ni Liz. "Sobrang saya kaya ni Kriessa dahil dun sa invite ni Gab. Sa wakas, after so many years ng pagpapapansin, nakausap niya na rin."

Cold as IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon