K A B A N A T A 3 //

539 15 2
                                    

Cold, Damned and Heartless

Siguro ang isa sa mga pinakagusto kong event sa school ay ang fair. Libre kasi umabsent. Joke. Hindi ako pwedeng lumiban kasi pinlano na nina Jules at Bea lahat ng 'adventures' kuno na gagawin naming sa fair.

Ano pa ba kundi party.

"Ah basta guys, this year, we're gonna have fun! Last year na natin 'to kaya dapat we enjoy every moment of it!" sabi ni Kriessa na sinang-ayunan naman ng lahat. "Erin! Alam kong mahilig ka mag-absent pag fair pero please wag this year ah?"

"Yes, Erin. Enjoy naman kaming kasama eh. Please come with us ah?" sabi ni Liz. "Maraming magagandang booth this year. Promise!"

"Guys, oo na." Natatawa kong sabi. "Hindi na ako mag-aabsent."

Lahat naman sila ay natuwa sa sagot ko at nilibre pa ako ng ice cream sa DQ ni Bea. Sa lahat sa amin, si Bea ang pinakamayaman. May-ari sila ng isang real estate company. Si Kriessa naman ang sunod sa hierarchy dahil may clothing line sila. Si Liz at Jules naman ay parehong doctor at abogado ang mga magulang. Ako lang ata ang may normal na pamilya. Engineer si daddy at isang simpleng architect ang mommy ko. Kaya siguro nakakapanliit minsan kasama itong mga kaibigan ko.

"Aish, si James may kasama nanamang ibang girl." Sabi ni Jules na naiiyak. "Kaka-break lang naming 'nung makalawa. Bakit may iba na agad siya? Hayop talaga oh!"

"Girl, huwag mong iiyakan 'yang lalaking 'yan. 'Di ba sabi ko naman sa 'yo? Lahat sila pare-pareho. Pero pinatulan mo pa rin." Sabi ni Kriessa.

"Mga bitter! Tara na lang at magbar-hop mamaya. Magpakalasing ka na lang, Jules para makalimutan mo na 'yang ex mong di naman pogi." Bea suggests.

Kaya naman 'nung nadismiss kami nung hapon ay wala akong choice kundi sumama sa kanila upang magready. Hindi ko naman kasi pwedeng iwan sa ere ang malungkot na si Jules. Anyway, pumupunta sila sa bahay nina Kriessa upang magmake-up at pumili sa walk-in closet ng mga damit na pang-party. Okay, di ako maka-relate. Sabi ko naman noon pa, hindi ako party girl. Naninibago pa rin ako hanggang ngayon sa lifestyle nila.

"Okay, Erin, anong lipstick ang gusto mo?" Kriessa asked. "Pink or red?"

"Yung pink na lang."

"Hmph. Always the good girl. Mag-red ka naman! I have a feeling na babagay sa 'yo 'to." Then she proceeded to apply red lipstick on me. "By the way, Erin. Kinuha ni Gab ang number ko kahapon. Thank you ah."

"No problem." Sabi ko. Natutuwa ako dahil may progress na ang panliligaw ni Kriessa kay Gab kahit papaano.

Yes, you read it right. Si Kriessa na ang nanliligaw kay Gab. Sabi niya 21st century na daw, open na ang society sa pagffirst move ng babae. Mamumuti daw ang mata niya kung hihintayin niya pa daw si Gab. Oh well, nandito lang ako para tumulong. Hindi ko na papakeelaman ang diskarte niya. Basta nasabi ko na kay Kriessa kung gaano ka-taray si Gab sa mga babaeng may gusto sa kanya.

Umalis kami ng bandang 8:30 para daw medyo buhay na ang mga bar. Ang dami talagang alam nitong si Bea. Buti na lang at may sasakyan si Kriessa kaya madali lang para sa amin magbar hop.

"I don't understand! Sabi niya cool off lang daw pero may iba na agad siya? What the hell is that?" Patuloy na naglalabas si Jules ng hinanakit niya. "Tingin mo, Erin, mas maganda ba 'yung babae sa akin ha?"

"U-uhm. Hindi. Siguro ang problema talaga ay 'yung ugali ng ex mo, Jules." Sagot ko. Naiilang ako dahil kahit kailang ay hindi pa ako nakakapagbigay ng relationship advice. "At kung hindi niya makita kung ano ang sinayang niya, kawalan niya 'yon."

Cold as IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon