K A B A N A T A 20 //

247 11 12
                                    

Just Say Yes



Hindi ko magawang tawagan si Aeron. I don't want to. Natatakot ako na baka tama si Gab. But then, paano kung hindi? Paano kung kailangan ko nga talaga siyang iwan dahil sa kagustuhan ng magulang ko? I don't know anymore. I kept thinking and thinking until hindi ko na kinaya at pati and isip ko ay napagod na.


I woke up the next day at sobrang bigat ng pakiramdam ko. I felt like I was dying. Pinipiga ang puso ko and I can't stop it. Hindi ko alam na ganito pala ang magiging epekto ni Aeron sa akin. He could make me feel so damn happy and then turn me into a miserable little girl again. And I'm done with it.


Noong una pa lang, siguro ay alam ko na. Walang patutunguhan ang relasyon na 'to. That's why it took me a long time para pagkatiwalaan siya lalo na para sagutin siya. I always doubted him dahil sa sinasabi ng lahat. He's manipulative, evil and ruthless. I knew that. And I thought I could change him.


Well, hindi ko pala kaya.


Despite the heaviness I felt, I got up from bed and showered. Kailangan ko siyang harapin. I need to hear it from him dahil alam ko na I cannot move past this without hearing the reason. Bakit ako? Bakit hindi niya sinabi agad? Bakit ang sama niya sa 'kin?


Kung hindi ko maririnig and rason sa mga pinaggagawa niya, hindi ko siya makakalimutan. And I can't have that. I deserve the truth.


I've done nothing but give him chances at sinayang niya lang lahat ng ito. Ang dami niyang oras para aminin sa akin ang katotohanan pero hindi niya nagawa. Bakit?


"Are you going somewhere?" Tanong ni Mommy noong makita niya akong pababa ng hagdan.


"Kakausapin ko po si Aeron, Ma." Mahinang tugon ko. Nakita ko ang pagtikhim ni Dad at ang matalim ng titig ni Kuya Zeke.


"That man hurt you yesterday, Rin." Paalala ni Daddy na hindi pa rin ako tinitingnan. "He better make sure that he won't do it again."


"Dad, it was a misunderstanding. Gusto ko lang po na klaro ang lahat bago tayo umalis para walang gulo." I said.


"Mas mabuti pa," Mom began. "Makipagbreak ka na lang doon, Erin. This relationship isn't going anywhere."


"You don't know that, Ma." Giit ko. Umiling si Kuya Zeke at nanatiling tahimik. Hindi na rin sumumbat si Daddy.


"Well then, ihahatid ka ng Kuya mo. And he'll come fetch you later too. Kailangan mo nang mag-impake."



Umiling ako sa pagmamatigas ni Mommy at umupo na lamang sa dining table. Nakita ko ang pagpapalitan ng tingin ni Mommy at Daddy at ang nag-aalalang tingin sa akin ni Kuya. Hindi ko na alam kung paano sila mapapasaya kung ang tanging gusto lang nilang gawin ko ay iwan ang taong pinakamahalaga para sa akin.


Noong matapos akong kumain ay agad akong tumayo. Walang imik na sumunod naman sa akin si Kuya Zeke. Matapos naming makalabas ay agad niyang pinatunog ang kotse at hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Nanantiling tahimik si Kuya hanggang makarating kami sa highway.

Cold as IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon