K A B A N A T A 1 //

950 19 2
                                    

From The Start

"Erin, sige na. Sumama ka na mamaya, please?" pagmamakaawa ng isang kaibigan kong lalaki. "Nandun naman 'yung iba sa mga classmates natin nung high school."

"Gab, ayoko. Di naman ako kakilala nung magbibirthday. Bakit ako makikisama, di ba?" sagot ko. "Siguro next time na lang."

Pagkatapos ko iyong sabihin ay agad kong isinara ang locker ko at naglakad papunta sa susunod 'kong classroom. Pero dahil mapilit si Gab ay sinundan niya ako hanggang sa pintuan at hinarangan pa ang daanan ko.

"Gab, ano ba?" natatawa kong tanong. "Ayoko nga sabi."

"Please, Erin.. andun din yung friends natin nung  high school na parati tayong magkasama." Sabi niya.

"Nahihiya kasi ako sa may birthday. Baka isipin niyang epal ako. At isa pa, wala akong ibang kakilala doon maliban sa 'yo."

"Wala naming kaso kay Aeron 'yun eh. Mabait 'yun, promise." Pagpupumilit niya.

"May magagawa pa ba ko?" tanong ko at tumango na lang.

"Yes!" sabi niya at mabilis akong niyakap. "Susunduin kita mamaya ha? Wala nang bawian!"

Malaki ang ngiti niya matapos kong pumayag at agad na tumalikod at tumakbo palayo. Para siguro hindi na ako makaurong pa. Baliw talaga.

"Erin, was that Gabriel Severino?" tanong ng kaklase kong mataray.

"Ah, oo." Tipid ko namang sagot. Ayokong sabihin sa kanya na close kami dahil baka gumawa pa siya ng issue. Chismosa pa naman 'to.

"Friends kayo?" tanong niya ulit ngunit ngayon ay medyo malambing na.

"Oo." Sagot ko ulit. Nakakapagtaka ang biglang pagbabago niya.

"Could you... maybe introduce me to him? Please?" sabi niya. "Since first year pa lang ay crush na crush ko na 'yon kaso ay hindi naman ako pinapansin. Mukhang close kayo. Baka mapansin niya ako kapag pinakilala mo ako. Please, Erin?"

"Erin, payagan mo na si Kriessa. Baliw 'yan para kay Severino." Singit ng kaibigan niya.

"Ah, sige. Ayos lang. Magkikita ulit kami mamaya. Kung gusto mo ay sumama ka." Matipid ko ulit na sagot.

"Talaga, Erin?" kuminang ang mata niya. "Thank you!"

Madali naman kasi akong kausap at hindi rin naman ako madamot. Kung may magagawa ako para makatulong, gagawin ko. Si Gabriel ay mabait na kaibigan pero hindi siya mahilig pumansin ng mga babae. Hindi ko nga lubos maisip kung paano kami nagging close noong high school. Siguro dahil kaibigan ko rin ang iba niyang kabarkada at naging seatmate ko siya noong second quarter.

Dumating na ang professor kaya agad akong umupo at inalis ang isip ko sa party na pupuntahan ko mamaya. Noong matapos ang dalawa't kalahating oras na klase, chineck ko ang phone ko at nakitang may text na si Gab doon.

Gab: Nasa labas na ako ng classroom niyo.

Ako: Sige. Sandali lang.

Kinulbit ko si Kriessa at sinabi sa kanyang nandiyan na si Gab sa labas. Sandali silang nagtilian ng mga kaibigan niya bago tumayo si Kriessa at nag-ayos ng sarili. Dahan dahan niya akong nilapitan at tumango ako sa kanya.

"Erin, ayos lang ba ang itsura ko?" tanong niya.

"Oo. Maganda ka." Sabi ko. Totoo naman kasi. Siya ay maputi at chinita. Hindi kagaya ko na masyadong simple ang itsura.

"Alam mo, tama nga ang sabi nila. Masyado kang mabait." Sabi niya na may malaking ngiti. Lalo siyang naningkit. Cute. "Di ba wala ka naming ka-close sa block natin? Kung okay lang sa 'yo, kami na lang ang magiging barkada mo."

Cold as IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon