K A B A N A T A 4 //

431 13 1
                                    

Everything About You

Exams week na ngayon at sobrang busy ko. Hindi na muna ako sumasama kayna Kriessa dahil puro sila party at gala. Well, hindi naman kasi sila conscious sa grade nila eh. Basta pasa, ayos na. Pero hindi ako ganoon. Sabi ko nga, galing lang ako sa normal na pamilya kaya kailangan kong pagbutihan ang pag-aaral ko para may mapala ako sa buhay. Hindi kagaya nina Bea na may kompanyang ipapamana sa kanila.

Naglalakad na ako ngayon papuntang library para naman matapos ko na ang research ko para sa isang certain subject at mag-aaral para sa upcoming finals. Then, after this... fair na. Hay. Kailangan ko na lang alalahanin na malapit nang matapos ang paghihirap ko.

"Erin!" tawag ni Gab sa akin. "Long time no see. Pa-library ka?"

"Hi. Oo eh. Ikaw, saan ka papunta?" tanong ko.

"Hmm. Sa building niyo sana."

"Para kay Kriessa? Yiieee." Tukso ko sa kanya habang tinutusok tusok ang tagiliran nya. Humalakhak lang si Gab at umiling.

"Kelan ba exams nyo? This week na? I missed you last Thursday. Nasa Sherwood sina Kriessa 'nun pero hindi ka pala sumama." He said.

"I have to study well, Gab. Para hindi mawala 'yung scholarship ko. Tsaka, ikaw ah. Puro ka na party diyan. Mag-aral ka rin kaya minsan ano?" Pabiro kong sabi.

"Eh, saka na ako magseseryoso pag mga tatlong araw na lang bago mag-exam." Sabi nya. "Alam mo naman ako eh."

Well, it's true. Medyo genius kasi itong si Gab. Hindi naman siya parang si Einstein pero aware kami lahat sa klase na angat ang talino niya sa amin. Kung hindi lang siya tamad magpasa ng requirements, baka naging valedictorian pa itong lalaking 'to. Sadly, isa siyang kupal kaya hanggang third honourable mention lang siya.

I can't help but be jelous sometimes. Kung sana ay ganoon na lang kadali sa akin ang pag-aaral, sana ay nakapasok ako sa mas mataas na unibersidad. Minsan, nagtataka ako kung bakit ito ang pinili ni Gab na pasukan. Pumasa kasi siya sa Ateneo at UP pero dito siya tumuloy.

"Tulungan na lang kita magreview." Masayang offer niya. Hindi pa man ako nakakatanggi ay kinuha niya na ang kamay ko at hinila ako papuntang library. "Wala naman akong gagawing importante eh."

"Huy, Gab!" Nagtatakang tanong ko. "'di ba pupuntahan mo si Kriessa?"

"Huh?" Distracted na ito. "May sinabi ba akong ganun?"

What's up with him? Bahala siya. Basta mag-aaral ako ngayon. Hanggang sa library ay hinila niya ako. Siya rin ang naghanap ng bakanteng upuan at kumuha ng mga librong kailangan ko.

"So... saan ka ba nahihirapan?" tanong niya.

"Dito sa calculation ng dosages at solutions." Tinuro ko 'yung problems na mali ako. "Hindi ko makuha ang tamang sagot kapag ganito ang formula."

"Sige, wait lang."

Wow. Para namang maiintindihan niya eh iba naman ang course niya, di ba? Niloloko talaga ako nitong si Gab. Habang nagbabasa siya, kinuha ko na lang ang laptop sa bag ko at naghanap ng research na pwede kong i-critique.

"Erin, eto 'yung tamang solution at sagot." Inilahad ni Gab sa akin ang isang piraso ng scratch paper na may magulong sulat.

"Huh? Naintindihan mo?" Tanong ko.

"Hindi naman kasi ganun kahirap eh."

"Yabang!"

"Hindi!" Humalakhak siya. "Ito naman. Medyo may hawig kasi siya sa isang lesson naming sa Engg. kaya madali kong naintindihan."

Cold as IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon