Break The Ice
Shocking things happened that night.
Aeron seemed genuinely worried about me kaya sinama niya ako sa parking lot, pinasakay sa kotse niya at idinaan sa ice cream shop. Siguro akala niya na-trauma ako dahil sa medyo nakakatakot na experience na 'yun? Hindi naman. Somehow, having him close made everything slightly better.
Pero okay na rin ako kasi bumait na siya sa kin.
Yes, andun pa rin 'yung titig niya na walang emosyon. Pero at least hindi na siya mukhang bampira na mangangain. At ngayon, sigurado na ako na hindi siya masamang tao. He really cares. Akalain nyo yun? Nag-aalala ang isang demonyo para sa 'kin. Nakakakilig naman.
Inihatid niya ako sa bahay ng walang imik.
"Thank you so much." Sabi ko. "Seriously, bakit mo ba ipinagpipilitan na psychopath ka kung mabait ka naman talagang tao?"
"Eh ikaw?" He retorted. "Bakit ba simula pa lang pinagpipilitan mo nang mabait akong tao when the truth is, psychopath naman talaga ako?"
"Ewan ko sa 'yo, de la Fuente." Umiling ako. "Ang gulo mo parati kausap."
"Oo. Sobrang gulo ko, Erin. Sobrang gulo ko kaya dapat iwasan mo na ako simula ngayon." He said. Nakatingin lang siya sa labas, sa bahay namin.
"Hindi." Madiin kong sabi kaya napalingon siya sa akin. "Hindi na ako lalayo. Simula ngayon, Aeron, magkaibigan na tayo. At babasagin ko 'yang yelo mong pagkatao."
"Bahala ka, hindi kita ituturing na kaibigan." He grumpily said.
"Ows, talaga?" I taunted him. "Baka nga isang araw, magmamakaawa ka pang tanggapin kita."
"Baliw." He snickered.
Lumabas na ako sa Range Rover niya at kumaway-kaway habang mabilis siyang umalis. Siguro babalik siya sa party. I sighed. Kahit kalian talaga, magnet ako ng kapahamakan.
That night, I couldn't fall asleep. Humarap ako sa kanan tapos tumitig sa kulay red kong pader. Yep, red ang walls ko at hindi pink kasi ayoko ng masyadong pa-girly. But what am I thinking? Pagod naman ako pero bakit ang ingay ng utak ko? Paulit-ulit na nagpeplay 'yung scene kanina.
'Yung paghila niyasa kin palayo. 'Yung pagyakap ko sa kanya.And most of all, the way he looked habang hinahatid niya ako pauwi. Oo na, inaamin ko na. Habang nagdadrive siya, I stared at his pretty face. Ang dami ko palang hindi napansin noon una. Like the way na kahit sobrang puti niya, medyo pinkish pa rin yung cheeks niya. Pati yung tip ng nose niya, pink. Cute.
"Aaagh!" I bit my pillow. Bakit ko nanaman siya iniisip?
Humarap naman ako sa kaliwang side ng kama ko. Tapos dumapa ako. Tapos nagchange position ulit. Nothing is working! Hindi ako dinadalaw ng antok! Pero bakit? Bakit ang ingay ng utak ko ngayong gabi?
Damn you Aeron. I should be hating him right now. Just because he saved me doesn't mean na nagbago na siya. Pero I do admit na parang may nag-iba. Parang, I don't know, bumait siya ng kaunti. Pero kaunting kaunti lang 'yon. Mga 1 percent lang. Masungit pa rin siya at antipatiko.
Teka, bakit nga ba siya ang iniisip ko. Crush ko ba si Aeron de la Fuente?
Psh, hindi naman. Naaawa lang talaga ako dahil feeling niya sinakluban na siya ng langit, lupa at impyerno. Pero ang totoo, siya lang ang nagpapahirap sa sarili niya. If I can only make him see that he's not so bad.
Yeah, naaawa lang ako.
---x---
BINABASA MO ANG
Cold as Ice
Fiksi RemajaUnang tingin pa lang ni Erin sa kanya ay alam niya nang may kakaiba dito. Yes, he was handsome and Erin was very, very attracted him. But she knew there was something wrong about him. He may be a walking sign of perfection but his heart is as dead a...