K A B A N A T A 5 //

508 16 2
                                    

Cold Hands, Warm Heart

Tapos na ang exams at nagdiriwang sina Kriessa dahil dito. Medyo nahirapan sila dahil hindi naman sila ganoon kaseryoso sa pagrereview samantalang ako naman ay medyo kampante sa mga naging sagot ko. Being studious really pays sometimes. Oo, ang dami kong na-miss na chismis gaya ng pagkakabalikan ni Jules at James pati na rin ang mga party na pinuntahan nila.

"OMG Kriessa, finally nagbalik na rin ang prodigal friend natin!" tuwang-tuwang sabi ni Bea. Nagtatatalon pa siya na parang isang bata.

"Alam mo ba akala talaga naming nag-madre ka na at pumasok sa isang kumbento sa bundok. Ganun ka kagaling magtago, Erin!" Ani Jules.

"Sorry, guys. MIA ako ng konti kasi finals week na eh." Sabi ko. Ngumiti lang sila at tumango kasi alam naman nila na grade conscious talaga akong tao.

"Anyway, that's in the past na, girls." Sabi ni Kriessa na malaki ang ngisi. "Dahil sa wakas ay lumabas na sa lungga niya si Erin, pwede na siyang sumama sa lakad mamaya."

"Anong meron?" I ask.

"Color party!" Liz screamed.

"Ano?"

"Hay, I'm starting to think na taga-bundok ka talaga, Erin." Sabi ni Kriessa na natatawa sa kainosentehan ko. "Basta, masaya 'to. Tapos white isuot mo para mas mag-enjoy tayo."

And so at half past six, sinundo nila ako sa labas ng condo ko. Since hindi ko naman alam kung ano ang pinasok ko, nag-white sleeveless shirt na lang din ako gaya ng sabi ni Kriessa. Pagpasok ko ng kotse natanaw kong lahat din sila ay either naka-white or naka-cream.

"Hey, Erin!" bati ni Jules. "Let's go?"

Tumango na lang ako at sumakay na sa likod. It seems like hyped na hyped sila para ditto dahil mas exciting daw para sa kanila ang mga ganitong klase ng party. Hindi naman nila sinasabi sa akin ang mangyayari dahil surprise na daw 'yun. Surprise? Ano namang kagulat-gulat na pangyayari ang magaganap dito?

One hour din halos ang naging byahe namin. Nalaman ko na iba't-ibang school pala ang magpaparticipate sa event na ito pero ang school namin ang main host so malamang daw ay marami kaming kakilala na makikita doon. Pero Kriessa still advised us to remain careful dahil delikado daw ang ugali nung ibang school doon. Baka daw may bastos kaya dapat I should stick close to people I know.

"We're here!" Kriessa announced. Nagcheer naman silang lahat. Kahit pati ako tuloy ay naeexcite para dito.

Nasa malaking open space kami kung saan madaming tao ang nandoon na. Lahat sila ay tumatalon-talon sa beat ng DJ sa may stage. At nakakapagtaka dahil lahat sila ay naka-white.

"C'mon, guys." Hinila ni Jules ang kamay ko.

"I'm sure you'll love this, Erin." Bea winked at me.

As usual, marami nanamang bumabati kay Kriessa at sa mga kaibigan niya. Meron ding iba na nginingitian ako o kaya tinatanong sa 'kin kung kasama ko ba si Gab. Ganun? Mukha na ba akong babysitter ni Gab ngayon?

"Hey, it's you!" May isang pamilyar na tao ang lumapit sa akin at hinila ako papalapit sa kanya. "Kamusta ka na?"

Uhh... wait, sino nga ulit 'to?

"You've got to be kidding me! Hindi mo nanaman ako maalala no?" He asked. Umiling na lang ako at ngumisi. "I'm Casper, remember? Nagkita tayo nina Gab sa library."

"Oh yeah, that's why you seemed so familiar!"

"You really like hurting my ego, Erin. Ang dali para sa 'yo na kalimutan ako pero ikaw hindi ko maalis sa utak ko." He said with a devilishly handsome grin.

Cold as IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon