Raphael
Hinila ako palapit ni Raph at niyakap ng mahigpit. Naestatwa ako. What now? I know I should be hugging him back. I know I should do that pero hindi ko ata kaya. My mind is a mess, my emotions even more so. Buti na lang at walang nahalata si Raphael. Instead, he cheerfully entered my condo and sat on the couch.
"You seem so surprised," He said with an adorable wink. "Did you really think that I would let you go alone in this country, love?"
"No, not really." I managed to grin. "I know you. Ikaw ang may hindi kaya na wala ako."
He just laughed at me. Tumayo siya at nilibot ang condo, making comments here and there. But despite his constant chatter, I can't help but zone out. Bumabalik ang isip ko kay Aeron, sa pag-uusap namin, sa lahat ng inamin niya. Am I a horrible person for being so mad at him all those years kahit na he was just doing it for me? Do I have a right to be angry at all? Ano ba ang dapat kong maging reaksyon sa lahat ng iyon?
"You're distracted." Puna ni Raphael.
"I'm sorry, Raph." I guiltily met his expressive eyes. "I'm so tired. Ni hindi ko pa nabibisita sa hospital sina Kuya Zeke."
"Mmkay." He murmurred. "Tell you what, dapat mag-rest ka muna. Then later, we'll come see them, okay?"
"Okay." I smiled.
Hinila ako ni Raphael papasok ng bedroom at pinahiga sa kama. After turning the lights off, he jumped on my bed na tinawanan ko lang. I felt him pull me close, into a warm hug. And as always, I felt what I usually felt around him--- safe.
Nakilala ko si Raphael noong third year ko sa MSU. Nasa bagong dormitory ako sa loob ng campus at wala akong kakilala. Ang room mate ko naman ay parating wala dahil mas prefer niya raw na sa library mag-aral. It worked in my favor dahil syempre mas gusto ko na sa room lang at kumain ng chips habang nagre-review or nagbabasa. Ayaw na ayaw ko ng lumalabas sa kwarto kahit para bumili ng pagkain. Ganoon ako ka-antisocial.
"Leche naman oh!"
Napintig ang tenga ko sa murang narinig ko. Weird, naghahallucinate na ba ako dahil sa sobrang gutom o sadyang may nagmura ng Tagalog mula sa katabi kong room? Sa sobrang nipis kasi ng mga pader dito ay hindi malabong magkarinigan ang magkakatabi. Or siguro sa hallway lang 'yun. Noon ko lang napansin na naiwan kong medyo bukas ang pinto kaya mas naririnig ko ang ingay.
Lumabas ako at ang agad na bumungad sa akin ay abs. Yes, I'm not joking---abs talaga. Isang shirtless na lalaki ang nakikipagwater-gun fight sa isa pang lalaki na hindi ko makita masyado dahil nasa other end siya ng hall. Nakakatuwa sila. Ang intense nung laban. Ginamit ni Abs Guy na shield ang isa niyang libro at mabilis na binato ng water balloon ang kalaban niya.

BINABASA MO ANG
Cold as Ice
Teen FictionUnang tingin pa lang ni Erin sa kanya ay alam niya nang may kakaiba dito. Yes, he was handsome and Erin was very, very attracted him. But she knew there was something wrong about him. He may be a walking sign of perfection but his heart is as dead a...