K A B A N A T A 13 //
Obsessed
Minsan may mga bagay na hindi ko talaga maintindihan sa buhay ko. Katulad na lang nitong si Aeron de la Fuente. Noong una kaming nagkita, ang sama ng tingin nya sa 'kin. 'Yung tipo na if looks could kill.And then, somehow, ginusto ko na maging kaibigan siya at ngayon naman ay gusto niya akong ligawan? What in the world, right?
Minsan talaga, ang funny ng tadhana.
Gusto kong isipin na seryoso sa akin si Aeron. Pero kahit anong pilit ko, parang hindi naman kasi talaga. Pakiramdam ko ay isang malaking joke nanaman ito sa kanya. Doon naman siya mahilig eh. Sa pananakit ng tao. Pero sana maisip niya na tumigil na. Dahil ayoko na.
Pagdating sa kanya, nasasaktan ako. Sobra.
"What are you thinking about? Ang lalim ng iniisip mo. Kanina pa." Sabi ni Aeron. Gaya ng kagabi, siya ang nagmamaneho at nagpresenta pa siya na ihatid kaming lahat pauwi. At syempre, ako ang hinuli ng loko para maasar niya pa ako.
"Mind your own business, de la Fuente." Inirapan ko siya.
"Well, you're my business now, Mendoza." Nakangising sabi niya. I can't help but slap his arm, buti na lang at malakas ang kapit niya sa manibela. "Ano ba? Ang init ng dugo mo sa akin."
"Ugh, I can't stand you. Sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko." Inis na sabi ko.
Natahimik siya kaya hindi ko maiwasang silipin ang expression niya. He didn't look pissed, just sad. Pero bakit naman siya malulungkot? He never wanted to be with me anyway, right?
"Did you really mean that?" Tahimik niyang tanong. "Kasi ako, I'm very thankful na dumating ka sa buhay ko, Erin."
"Talaga? At bakit naman? Dahil may bago kang napaglaruan?" I sarcastically asked.
Umiling siya, "You're the best thing that has happened to me and I'm sorry kung sinaktan kita. I was just so scared because this is the first time someone has ever been this close to me. And I tend to push people away."
"Ang tanga mo." Sabi ko.
"Alam ko." Tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng bahay ko. "But you know what? I'm trying to get my shit together. Hindi ko maipapangako na titigil na lahat ng kagaguhan ko, pero I promise you that I am serious about this, Erin. I really like you and I know you care about me. The truth is, kahit hindi ka pumayag na ligawan kita, I'll still be here. I'll take what I can get. Kahit pagiging kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa akin, I'll take that. I'll beg for crumbs of your affection. Anything, really."
"I find this hard to believe." I said. "Napaka-bipolar mo, alam mo ba 'yun? You confuse me. Hindi ko alam kung paniniwalaan pa rin kita after everything you said to me. If you really like me, bakit mo ako pinagsalitaan ng ganoon nung nakita mo kami ni Lance sa party? Bakit ang rude mo?"
"Damn it, you know na ayokong magkasama kayo ng pangit na 'yon!" Giit niya. "Sobrang slow mo talaga. I'm jealous, okay? Ayoko ng tingin niya sa 'yo. Ayoko ng paghawak niya sa 'yo. And I realized how stupid I was dahil kung hindi kita inaway, I would be the one taking care of you. Pero hindi, nasapawan ako ng pangit na 'yun. Gah."
Ginulo niya ang buhok niya out of frustration but it only made him look hotter. I swear, siya lang ang lalaking gusto ko na magulo ang buhok. And the way he frowned like a little kid when he's jealous, it melts my heart. Parang ang sarap pag si Aeron de la Fuente ang nagseselos dahil sa 'yo.
"He's just my friend." Mahinahong sabi ko pero hindi ko mapigilang mapangiti.
"Just your friend, my ass. And why are you smiling? Tuwang-tuwa ka na nagsusuffer ako?" He narrowed his eyes.

BINABASA MO ANG
Cold as Ice
Teen FictionUnang tingin pa lang ni Erin sa kanya ay alam niya nang may kakaiba dito. Yes, he was handsome and Erin was very, very attracted him. But she knew there was something wrong about him. He may be a walking sign of perfection but his heart is as dead a...