Prologue

361 39 11
                                    

"Breaking news! A family was found brutally killed and burned at Kalumping Street, Sitio Onse. Kinilala ang mga biktima na sina Florencio at Kristina Gomez, dalawang anak nila na edad lima (5yrs.old), at isang taong gulang (1yr.old) ang kasamang pinaslang. Samantalang ang kanilang panganay na edad dose (12 yrs.old) ay nakaligtas sapagkat wala raw ito roon nang mangyari ang nasabing pagpatay. Sa ngayon, hindi pa tukoy kung ano ang dahilan at kung sino... "

Bakit ba kung sino ang inosente at walang kaalam-alam, sila pa ‘yung naghihirap at nararanasan ang pait ng mundo? This isn't fair, wala silang konsidersyon!

"Bata, p'wede ka ba naming makausap?" untag ng isang Police Officer sa batang tulala habang namimilisibis ang luha at tahimik na umiiyak. Siya si Liessandra Gomez, ang panganay ng anak at kapatid ng mga pinatay. Tinawag ulit nito ang bata ngunit hindi pa rin siya nito nilingon.

"Gusto lang sana naming malaman kung nasa'n ka sa mga oras na iyon, according to our investigation, there are traces of your fingerprints on the crime scene," ani isang batang lalaki na nasa labingtatlo ang edad.

Bakit ba sila nangingialam? Mga hamak na bata lamang sila na dapat ay nanatili lamang sa bahay nila at nanonood ng cartoons at iba pang animè.

"And we also saw you on the CCTV footage heading towards your house around 9pm, and the crime happened as the time after you entered your house..." dagdag pa ng isang batang lalaki na katabi ng naunang nagsalita.

Iyon lang ba ang basehan nila?! Hindi sila rethorical kung mag-isip huh!

"Edison, Clark, mas mabuti pang hayaan nyo na kami, malamang ay traumatized siya dahil sa nangyari, 'wag niyo na munang biglain." Ani Detective Bert, nagtinginan sila Edison at Clark at tumango, ngunit bago pa man sila makahakbang paalis ay nilingon sila ng batang babae.

"I'm innocent, I did nothing..."

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now