Chap4- Hatred

115 23 3
                                    

That Franz has something on his sleeves, and Karl as well.

He's so confident and sophisticated, why'd he? Bakit naman niya sisirain ang gawa ni Karl nang walang dahilan? I know that it was not about the auction, he's good enough with his inventories. Besides it's an auction not a competition.

"Cyst? Tara na. Break time na oh, hindi na tayo naka pasok sa Science at Filipino sub," Justine groaned in annoyance. Hindi ko alam kung dahil hindi siya nakapasok sa dalawang subject na 'yon o baka dahil sa naiinis na siya sa pagiging mausisa ko. Well, hindi naman ako ang nagsuggest na magpunta dito. Hays.

"Sige, tara na. Hindi ko alam ang canteen dito, pero ikaw siguradong alam mo." anyaya ko.

His face brightened, "Libre mo! Bagong salta ka dito and na-stress beauty ko dahil kanina, need ko na ngang maglipbalm ulit oh" sinundan pa niya iyon ng malanding tawa.

We headed towards the door, pero bago pa man kami makalabas, tinignan ko ulit ang apparatus na ginawa ni Karl. I couldn't confirm if my assumption is correct, well there's only one person who could verify it. The one who destroyed, Franz.

The canteen is filled with students buying their own snacks. Naiwan ako sa table dahil si Justine ang nakikipagsiksikan doon, syempre ako ang magbabayad kaya siya dapat ang makipagsagupaan do'n. Panay pa ang tabig niya sa mga dstudyanteng sumisingit sa kanya. Dinig na dinig ko mula rito ang sigaw niya at mga rants. He's a fun guy- gay to be with. Kahit na puro siya rants, I know that he's a trusted and good person.

"Hay! Jusko, napakachaka ng mga Grade 7, parang mg kabuteng basta nalang lumilitaw sa harap mo!" si Justine habang may dala-dalang dalawang tray ng snacks. Tinulungan ko siya sa paglalagay no'n sa mesa namin habang siya ay panay pa rin sa pagtatalak tungkol sa mga lower Grade levels na nakasagupa niya kanina.

"Alam mo, first day mo dito pero nagcut ka," aniya habang kumagat ng pizza at ang isang kamay naman ay nakahawak sa cellphone niya.

"Okay lang. Dalawang subject lang naman." well, sa tingin ko ay makakahabol pa naman ako, if I'm not mistaken, second grading palang ngayon.

We continued eating our snacks, panay ang kwento ni Justine tungkol sa kung ano-anong bagay, majority is about the Thai BL series at hindi ako makarelate do'n dahil Kdrama fan ako. Makailang-ulit din akong napapatingin sa katabi naming table dahil sa dalawang babaeng seryosong nag-uusap.

"I-try mo rin kasing panoorin yung TharnType. Pero walang agawan ng asawa ha! Sakin si Gulf!" napangiwi na lamang ako dahil sa sinabi niyang iyon, hindi dahil sa homophobic ako kundi dahil si Bright ang asawa ko. And I'm loyal!

"Aaaaaahhhh!" I flinched when I heard Justine's shriek. Nakatingin siya sa katabi naming table habang namimilog ang mga mata.

"My gosh! My gosh! 911!" he shouted again, halos lahat din ng mga estudyanteng naroon ay napapasigaw na rin. Nilingon ko ang katabi naming table at muntikan na rin akong mapasigaw nang makita ang isang estudyanteng babae na wala ng malay habang nakasandal sa kaniyang upuan, tunaw ang kanyang dibdib pababa sa tiyan. Nangingitim ito at animo'y plastik na sinunog.

"So gross," one student commented. They all stopped eating. Nakakawalang-gana nga naman kung ganito ang makikita mo. Justine kept on acting like he's vomiting and even dropped his pizza.

May mga estudyanteng tumawag sa guidance councelor at ang iba naman ay umalis na dahil hindi kaya pang makita ang kahindik-hindik na itsura ng babae. Pati ang labi at lalamunan nito ay natunaw na gayundin ang mga lamang loob nito.

I and Justine pull up from our chair, nandoon pa ang babaeng kausap ng biktima kanina.

"What happened kaya kay Miss? Kumakain pa naman ako errr," si Justine habang nakatakip ang kamay sa bibig. Nilapitan niya ang katawan at hahawakan na sana nang biglang may sumigaw mula sa pintuan ng canteen.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now