Namamaga ngayon ang leeg ni Franz ngunit nalapatan na rin naman ito ng paunang lunas kanina.
“Bakit kasi nagpasakal ka?”
“Is it my fault?”
Umiling ako, “Hindi ko sinabing kasalanan mo. Wala akong sinabi, tinanong lang kita kung bakit ka nagpasakal.”
Umungos siya pero agad ding napangiwi nang maramdamang nanakit ang kaniyang leeg kaya hinawakan niya ito at marahang hinimas.
“Ang akala ko, yun lang na nameplate with tracking device ang secret security dito sa ship,” I said referring to his so-called secret CCTVs.
“Naah, there’s more. It’s all just secret tho.”
“Uh, just hope that it won’t invade someone’s privacy.”
“Of course it won’t— ouch.” napahawak ulit siya sa leeg niya.
I chuckled, that’s my plan. Ang inisin siya ng kaunti para kumirot ‘yong leeg niya, ganti ko na rin naman para sa pagdala niya sa’kin dito, puyat na puyat na’ko dahil 2am na. Am I being childish and immature? I think I’m not, taking revenge is the sweetest.
Buti na lamang at nakadaong na sa port nila itong barko, at regarding naman kay Mr. Rudolf Guevarra... nakuha na siya ng mga pulis kanina at balak na sampahan ng attempted murder. Sinapak pa nga ‘yon ng Mommy ni Franz kanina eh.
Pero naawa rin naman ako kay Mr. Guevarra eh, namatay ang bagong silang niyang anak dahil kulang ‘yung perang pambayad para sa ibang necessities nung sanggol kaya’t sinisisi niya si Kapitan. But Captain Schrödinger doesn’t know about what happened dahil hindi naman ito ipinaalam ni Mr. Guevarra, ngayon lang.
“Anak!” the woman with long straight silky hair rushed from the door towards here kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo mula sa gilid ng kama at lumipat sa monoblock chair.
“Mom, where’s Dad?” namamaos na tanong ni Franz sa mommy niya.
Hinaplos nito ang buhok ni Franz, “Okay na s’ya anak, nagamot na ‘yung sugat niya at nagpapahinga siya ngayon sa stateroom.”
I somehow felt a sudden heartache, namiss ko si Mom. I envy Franz for having a sweet and caring mother, ang swerte niya dahil buo pa ang pamilya niya. While me? I’m alone but still thankful na nand’yan si Uncle for me.
“Ikaw si Liessandrs hindi ba?” napukaw ang atensyon ko ng magsalita ang mommy niya.
Dahan-dahan akong tumango at ngumiti. “Ako nga ho, nice meeting you Mrs. Schrödinger.”
“Nice meeting you too. Feel free to call me tita,” she genuinely smiled. Maganda siya, matangos ang ilong, tamang-tama lang ang pangangatawan, at kapansin-pansing pareho sila ng kulay ng mata ni Franz. All in all, hindi talaga malabong nagustuhan siya ng isang Amerikano dahil sa taglay niyang gandang Pilipina.
“Anak ka ba no’ng may-ari ng nagpoproduce ng papel? Yung Writ Company?” tanong niya na ikinailing ko.
“Pamangkin niya lang ho ako.”
“Oh, I see,” lumapit ito at humila ng isang monoblock chair at tumabi sa akin. “Manunulat ako, at nagagandahan ako sa kalidad ng papel ng kompanyang ‘yon. Kung maaari sana ay sila na lang ang maging publishing company ko.” humagikhik pa ito.
“Mom.” maawtoridad na wika ni Franz ngunit inignora lamang ng kaniyang ina na nakangiti sa’kin at pinipisil-pisil ang kamay ko.
Bukod kasi sa pagpoproduce ng papel ay naglilimbag rin ng mga libro ang kompanya ni Uncle. Marami na ang mga sikat na manunulat ang nakapaglimbag ng kanilang mga akda sa pamamagitan ng Writ Company at lahat sila’y may mga positive feedbacks patungkol sa quality ng papel.
YOU ARE READING
I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)
General FictionCOMPLETED This is a detective story. But unlike the common detective stories, this one doesn't involve codes nor ciphers. Wrap up and join Liessandra together with Franz to discover mysteries in and outside their school. Let us join them unleash s...