“S-sino ka ho?” nangangatal kong tanong sa lalaking hindi ko makita nag mukha habang nakatutok ang baril niya sa’kin. Naaaninagan ko ang malademonyo niyang ngisi na mas lalong nakapagpanindig ng balahibo ko at nakapadagdag sa kaba ko.
“Twin brother ni Kamatayan,” humalkhak pa siya. Napakabrusko ng kaniyang boses gano’n din ang kaniyang katawan. Sa tingin ko’y 21 years old siya. Kung hindi ko lang iniisip na siya ang maygawa nito sa pamilya ko, malamang ay kanina ko pa siya pinuri dahil sa paraan niya ng paghawak ng baril.
“P-pakiusap, tulungan mo kami. Tulungan mo ang kapatid ko.”
Nakita ko ang paggalaw ng ng kaniyang hintuturo na nakatapat sa gatilyo ng baril. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maaninagan kong muli ang nakakapangilabot niyang ngisi at tuluyang kinalabit ang gatilyo.
Sobrang sakit ng tenga ko dahil sa lakas ng putok ng baril, naninigas ako habang nakatingin sa baril na umuusok pa ang bunganga. Nang makabawi ko ng kaunting lakas ay nilingon ko ang glass door. Wasak na ang kandado nito!
“Bilisan mo, iligtas mo na’ng kapatid mo habang hindi pa ulit umeepekto ang gamot na itinurok nila sa’yo.” tila nagmamadaling saad ng lalaki. Lumapit siya sa’kin kaya’t kitang-kita ko na ang mukha niya.
“Bilisan mo na, Liessandra!”
I flinched with his sudden tattling. Tila natataranta siya’t palinga-linga sa paligid, nakaposisyon ang baril. Agad kong binuksan ang glass door at pumasok sa loob, sobrang mausok at mainit. Lalapitan ko na sana si Ali nang may marinig akong putok ng baril.
“Traydor ka!” ani isang boses ng lalaki.
Nagtago ako sa lamesa kung saan kita pa rin ang nangyayari sa labas. Nakahandusay na ang lalaki na tumulong sa’kin kanina, hawak-hawak ang kaniyang dumudugong tagiliran.
“Anong ginawa mong g:go ka ha?! Bakit bukas to Axel?!” asik ng lalaking nakaitim, kasingtangkad niya ang lalaking tumulong sa’kin kanina na si Axel at sa tingin ko ay magkaedad lang sila.
“Binaril ko ‘yung kandado? Bobo ka ba Stern?” dumuro pa si Axel ng dugo ‘saka ngumisi sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan niya, si Stern.
“G:go ka ha. Sabi ko na nga ba’t plano mo pang itakas ‘yang batang ‘yan.” tumingin ito sa gawi ni Ali. Dalawa ang hawak niyang baril, ang isa ay kay Axel na ekspertong pinapaikot-ikot niya sa kaniyang kamay. “Hindi ka sasantuhin ni Boss sa oras na malaman n’ya ‘to.”
Tatayo na sana si Axel pero tinadyakan siya ni Stern, dahilan para mapaigik siya at nakapanatiling lugmok sa sahig at iniinda ang tagiliran.
Nagumpisa ng maglakad si Stern patungo sa kinaroroonan ng kapatid ko nang bigla na lamang siyang bumagsak din sa sahig. Nakatayo na pala si Axel at may hawak na kahoy na hinuha ko ay nahulog galing sa kisame.
“Napakatraydor mo talaga, Axel! Bakit mo ginagawa ‘to?!”
“Kailangan ba ng rason?” muli niyang hinampas si Stern ngunit nasalag ito. Hinila siya ni Stern at sinipa kaya naman ngayon ay pareho na silang nakasalampak sa sahig.
Sinulyapan ko si Ali, kinakapos na talaga siya ng hininga at hindi magtatagal ay matutupok na rin ‘tong buong bahay.
“Liessandra! Tumakas ka na!” biglang sigaw ni Axel habang dinadaganan si Stern.
Gulat na napatingin sa’kin si Stern, hindi niya yata inakalang may iba pang tao dito.
“S-siya... hindi p-pa siya napapatay!” nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa’kin. Nagpupumiglas siya mula kay Axel at pilit na inaabot ang baril na nasa sahig kaya naman inilayo iyon ni Axel.
“Umalis ka na, Liessandra!” muling udyok ni Axel.
“P-pano si Ali?!”
“Ako na’ng bahala sa kanya! Bilisan mo na!” napatingin ako sa tagiliran niyang patuloy sa pagdurugo.
Hindi ko kaya si Ali mag-isa, kahit pa one year old siya, mataba kasi siya at maliit lang ang katawan ko. Isa pa ay maraming nagbabagsakan na mga kahoy pababa, kaya napakadelikado. Pero kung si Axel ay pihadong kayang-kaya niya dahil kita ko na malakas pa rin siya kahit sugatan.
Hindi ko alam kung tama ba na nagtiwala ako sa taong ngayon ko pa lang naman nakilala, tanging pangalan lang niya ang tanging alam ko. Walang humpay ako sa pagtatakbo palayo sa bahay namin, hinihingal na’ko pero kailangan ko pa ring magpatuloy dahil may nakakita sa’kin kanina at alam kong hinahabol na nila ako.
Nang mapagod ako ay napahinto na lamang ako, tanaw ko pa rin ang bahay namin na unti-unti ng natutupok ng apoy. Nag-aalala ako kung ginawa ba ni Axel ang sinabi niya... na siya na ang bahala sa kapatid ko.
May narinig akong sirena ng mga bombero, police mobile at ambulansya. Hindi ko na rin nakita ‘yung mga humahabol sa’kin kanina. Paniguradong nagreport na ang mga kapitbahay namin dahil pihadong naalarma sila sa nangyayari sa bahay namin plus yung mg putok pa ng mga baril kanina.
“Liessandra!” nilapitan ako ni tita Mercedes, ang pinsan ni Daddy na kapitbahay lang din namin.
“Buti naman at nakaligtas ka!” dagdag pa nito. Lumapit rin ang iba at tinanong kung ayos lang ako. Hindi ko sila magawang sagutin dahil nananatili akong nakatitig sa bahay naming nilalamon na ng apoy. May mga bombero at pulis na ang naroon.
May naaninagan akong tao na nagtungo sa may gilid ng bahay namin kung saan may damuhan. Hindi ko masyadong makita pero kita ko na may karga siya...
Ang damuhan sa may gilid ng bahay namin ay mayroong sikretong daanan na hindi ko alam kung saan patungo, sinabi ni Dad ang tungkol do’n at nasubukan ko nh gamitin ang sikretong daan na ‘yon.
Mayroong butas doon na kasyang-kasya ang isang tao, at pagkababa sa butas na iyon ay may isang tunnel na hindi ko alam kung saan patungo dahil hindi ko naman diniretso noong time na sinubukan ko. Sobrang haba ng tunnel na iyon at madilim din kaya naman kailangan talagang gumamit ng flashlight.
Kung doon nga si Axel dumaan.... sa'n siya posibleng dalhin ng tunnel na ‘yon? Wala akong ideya... pero sana’y sa ligtas na lugar.
“T-tita?” nangangatal kong tawag sa kaniya. Nag-aalala naman siyang napatingin sa’kin.
“Bakit Liessandra?” tugon nito habang hinahawakan ang kamay ko.
“A-alam mo ho ba ‘y-yung sa may damuhan.... ng bahay namin?”
Sandaling nangunot ang kilay niya, parang may inaalala.
“Yung butas ba do’n?”
Tumango ako.
“Lolo mo pa ang gumawa no’n, matagal na ‘yon eh. Iyon ang daanan namin ng Dad mo at iba pa naming mga pinsan kapag pupunta ng dagat," pagkukuwento niya.
“D-dagat ho?” tanong ko.
“Oo, sa dulo ng tunnel mayroong hagdan pataas, at kapag inakyat ‘yon ay buhanginan na, tapos dagat.” pagpapatuloy niya. “Bakit? Ayos ka lang ba? Ang mga kapatid mo?”
Biglang may lumapit na mga pulis sa’min, “Ma’am? Kamag-anak ho ba kayo ng mga biktima?”
“Bakit ho?” si Tita Mercedes ang sumagot.
“Ikinalulungkot ho namin ngunit walang niisang nakaligtas mula sa bahay na iyon, may bangkay ho ng batang sunog doon sa may likurang bahagi ng bahay. Nahulog po yata,” salaysay ng pulis.
Napatakip ng bibig si Tita at napatingin sa’kin... Sino ‘yung batang ‘yon?
YOU ARE READING
I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)
General FictionCOMPLETED This is a detective story. But unlike the common detective stories, this one doesn't involve codes nor ciphers. Wrap up and join Liessandra together with Franz to discover mysteries in and outside their school. Let us join them unleash s...