Chap17- Duo (The Detective and Techgeek III)

58 14 0
                                    

dedicated to Altheory00

“Paano ‘yung klase na’tin bukas?”

10 pm na kasi at may klase pa kami tommorow. Ayoko ng malate o di pumasok ulit dahil baka mahuli ako sa mga lessons and worst... baka bagsak ang attentiveness ko.

“Just don’t mind it,” aniya habang nakahiga sa kama. Pihadong napagod na s’ya kanina habang nagkakalikot ng kung ano-anong mga devices n’ya na hindi ko alam kung parte pa rin ba ‘yon para sa pag-iimbestiga.  “We still have more than 7 hours to investigate well.”

Tumango ako, wala naman akong magagawa eh. Hindi rin ako makatanggi sa kan’ya dahil palagi n’yang binabanggit sa’kin na kabayaran ko raw ‘to sa pamimintang ko sa kaniya. Nakakainis ng konti pero okay na rin ‘yung gan’to, at least nahahasa ‘yung investigating skills ko.

“Uhmm.... Lahat na ba ng crew at staffs dito nainterview na natin?” untag ko.

Nasa kama s’ya, nandito naman ako sa sahig kaharap ang mga gamit n’ya sa inventories, pero hindi ko makita ‘yung relo niya na may design na moon. Gusto ko nga sana na lumabas ulit pero ang sabi n’ya huwag daw dahil pag-uusapan na namin ang tungkol kay Mr. Oblignar.

“I don’t think so... Nabanggit kasi ni Dad kanina na may isa s’yang tauhan na busy kaya h’wag na muna ‘yong istorbohin.” bumangon siya mula sa pagkakahiga at umupo sa dulo ng kama. “But I think that staff is not busy anymore, so... we better find him.”

“Sige. Pero, alam mo ba’ng pangalan?”

He nodded and put his slippers on, “Yeah.”

Lumabas na s’ya ng pinto, tatanungin ko pa sana kung saan naman namin ‘yon makikita nang biglang maalala ko na malamang ay nasa crewspace or stateroom ‘yon. Uh, silly me.

Pagkarating namin sa crewspace ay namamamahinga na karamihan sa mga ito dahil nga wala namang pasahero dito st tanging kami-kami lamang kaya maaga sila ngayong makakapamahinga.

Buti na lamang at gising pa ‘yong hinahanap namin, nakaiwas kami sa pagiging disrespectful dahil kung tulog talaga s’ya ay hindi kami mangingiming gisingin s’ya.

Rudolf Guevarra, 32 years old. Ang purser nitong cruise ship, s’ya ang nagcocostumer service at nagbibigay ng bills sa mga pasahero.

Lumabas kami ng crewspace para makapag-usap na agad naman nitong pinaunlakan.

“Where are you the time this ship stopped here two days ago?” si Franz ang unang nagtanong.

“Nasa imbakan ng mga sirang gamit dahil may iniutos do’n sa’kin ‘yung Daddy mo.” tugon nito.

Yeah, his alibi is valid dahil nga sinabi mismo ng Daddy ni Franz na may iniutos s’ya dito kaya’t huwag munang istorbohin dahil busy it. Pero bakit nakikitaan ko s’ya ng kulay dark pink na aura?

Nagpatuloy lang kami sa pagtatanong sa kan’ya.

“Nung tumigil po itong ship dahil naubusan ng gasolina... nakita n’yo ho ba si Mr. Oblignar?” usisa ko. Biglang nagbago ang ekspresyon n’ya nang mabanggit ang apelyido ng crew na nawawala.

“Bakit n’yo naman natanong? Pa’no ko siya makikita eh nasa imbakan nga ako, walang ibang nagawi doon.” asik nito, bakas ang iritasyon sa boses. Clouded red aura is visible on him, this means that he have a deep-seated anger that he can’t let go.

“Buti na lang hindi ako gan’yan no’ng pinagbintangan mo’ko,” bulong sa’kin ni Franz. Hindi ko na lang siya pinansin, bagkus ay mas nagfocus pa’ko sa pag-oobserba sa mga galaw ni Mr. Guevarra.

“Ano? May itatanong pa ba kayo?” anito. Kung kanina ay chill lang s’ya kung makipag-usap, ngayon hindi na dahil kunot na kunot na ang noo nito habang nakatingin sa’min.

“None.” Franz said. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila, ngunit nang hilahin n’ya ako ay natabig ko si Mr. Guevarra dahilan para mahulog ang uniporme n’yang nakasukbit sa balikat n’ya mula pa kanina.

“Pasensya na po!” agad-agad kong pinulot ang uniporme n’yang mula sa sahig at iniabot ito sa kaniya. Marahas n’ya itong kinuha mula sa’kin at padabog na pumasok muli sa crewspace.

Hinarap ko si Franz na s’yang dahilan kung bakit iyon nagalit sa’kin. “Dapat ikaw ang sinusungitan n’ya eh.”

Nginisihan n’ya lamang ako saka may pinulot sa sahig kung saan eksaktong nahulog ‘yong uniporme ni Mr. Guevarra.

“Gatcha,” mayroon s’yang hawak na kapiraso ng metal na pinulot n’ya mula sa sahig, hindi ko iyon napansin kanina nung pinulot ko ‘yung uniporme dahil na siguro sa pagkataranta.

“Hoy, isoli mo ‘yan kay Mr. Guevarra, baka importante o may sentimental value ‘yan.” pang-uudyok ko sa kaniya.

“Why would I?” lumapit s'ya sa ‘kin at ipinakita ang kapiraso ng metal na iyon. May nakalagay na capital letter O doon at halatang may karugtong pa ngunit putol na iyon, o kumbaga ay nahati na dahil sa manipis lamang iyon kagaya ng mga nameplate nila.

Bigla naman akong inatake ng kaba dahil baka ako ang nakasira no’n. Baka natapakan ko kanina kaya agad kong nilingap ang sahig para hanapin ang karugtong no’n dahil sigurado akong isa iyong nameplate.

“This nameplate doesn’t belong to him,” biglang sabi ni Franz nang mapansing nililingap ko ang sahig kung saan maaring naro’n ang ibang parte no’n.

“Huh?”

“It’s Mr. Oblignar’s nameplate,” he stated. “The letter O here  vividly refers to his surname.”

Oo nga naman, G ang kay Mr. Guevarra at hindi O. Pero paano napunta sa kan’ya ang nameplate na ‘to?

Off the bat, the blot of my brain activated. Things are getting connected in no time.
His behavior, the missing rope, a piece of nameplate... Pero kulang pa rin eh, hindi pa rin ‘yon mapapatunayan at hindi pa namin malalaman kung nasaan na ang crew na nawawala.

“Magkita tayo sa upper deck, pupuntahan ko lang si Daddy,” saad ni Franz. Sumang-ayon na lamang ako at nagpunta sa upper deck kung saan ako nanggaling din kanina. Mas lalong malamig na ang hangin dahil malalim na ang gabi, pero buti’t suot ko pa ‘tong hoodie na ipinahiram ni Franz. Ang problema nga lang ay ‘yung binti ko naman ang nalalamigan dahil nga nakadenim skirt lang ako.

Muli akong dumungaw sa dagat, wala na ‘yong bubbles na nakita ko kanina. Sayang, maganda pa naman tignan dahil naiimagine ko na may sirena do’n at nagcecreate ng bubbles.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang mapansin kong bumubula na naman ang parteng iyon kung saan ko rin nakita kanina ang mga bula. Tuwang-tuwa sana ako nung una dahil nakakaaliw na pagmasdan ang mga bulang tila nanggagaling sa ilalim ng dagat, pero nang mapansin kong tila may kakaiba ay nataranta ako ng konti na siya namang pagdating ni Franz.

Nakita rin n’ya ang bula na pakonti na lang, nagulat na lamang ako nang tumalon s’ya at sumisid sa ilalim. Upper deck pa naman ‘to tapos tumalon siya? Malakas ang impact no’n panigurado. Kaya bilang isang magiting na ka-duo ay humingi ako ng saklolo sa mula sa ibaba at sinilip ang binagsakan ni Franz mula sa upper deck. Agad namang akong dinaluhan ng mga staffs at crew kabilang ‘yong mga nakatoka sa pag-rescue.

Sumisid din sila sa ilalim para sundan si Franz at ang iba naman ay inihanda ang lubid, life jacket at ang salbabida kung sakali mang may masamang mangyari.

Ilang minuto ang lumipas nang lumitaw na sila, kasama si Franz. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nawala na ang pangamba ko na baka sirena ‘yong kaninang bumubula at kinuha na s’ya at dinala sa mundo ng mga sirena sa ilalim ng dagat.

Ngunit hindi lang pala si Franz ang sinagip nila, kundi isang lalaki na ngayon ay hinang-hina at naghahabol ng hininga habang tinatanggalan nila ng tali sa kamay. Maputla din ito at patuloy na naglalabas ng tubig mula sa bibig. Nakauniporme pa ito at napansin kong wala na itong nameplate.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now