Chap15- Duo (The Detective and Techgeek II)

57 14 0
                                    

Ngayon ko lang narealize na pag-aari pala nila Franz ang cruise ship na'to at Daddy niya mismo 'yong may-ari.

I'm just wondering kung bakit brown ang eye color ni Franz, hindi niya nakuha ang eye color ng Daddy niya. Pihadong namana niya ang mga mata niya sa Pilipina n'yang nanay.

His dad is a former member of US Marine Corps, but he decided to quit for the reason that Franz's mom doesn't want to migrate on US and Franz's Dad doesn't want to be afar from his wife and only son either.

Actually, he said that his Mom is here in the ship also, pero hindi ko pa siya nakikita.

"I can't detect it! Damn!" Franz hissed. Kaharap niya ngayon ang isang laptop at panay ang pindot niya dito.

Siguradong hindi niya matrace 'yong sinasabi niyang tracking device na nakalagay sa nameplate ng crewman na nawawala. Lahat ng nandito sa ship ay may mga nameplate, but not that ordinary nameplate dahil may secret tracking device ito na ang nakakaalam lang ay kokonti dahil baka magreklamo ang iba na naiinvade ang privacy nila.

Minabuti ng Dad ni Franz na h'wag ipaalam sa lahat ang tungkol sa nameplate na'to dahil wala rin naman silang masamang intensyon pero alam n'yo naman na iba-iba ang mindset ng bawat tao. Ang tanging purpose lang kung bakit sila nagkabit sa bawat nameplate ng tracking device ay para hindi sila mahirapang maghanap kung sakali man na may mawala sa mga pasahero at crewman o kaya naman kung magkaro'n ng problema at lumubog itong barko.

But as of now, walang pasahero, tanging mga tauhan lang ang nandito.

"Kung sakali mang nalunod 'yung crewman niyo, matetrace mo pa naman 'yon kasi waterproof 'yung tracking device na 'yon diba?" komento ko.

Naikwento na n'ya sa'kin ang nangyari kung saan ay nawala ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ng Daddy niya two days ago. His Dad was so worried dahil tiyak nito na maaapektuhan ng sobra ang pamilya ng nawawalang crewman dahil ito pa naman ang breadwinner.

Naging malapit ito sa Daddy ni Franz that's why they're doing their best to retrieve that crewman.

"Yeah, all of my inventories are waterproof." tugon nito nang hindi inaalis ang mga mata sa screen at patuloy na nagtitipa sa keyboard.

"Unless... nasira 'yon o may sumira no'n..." I muttered. We have to consider all the possibilities, hindi lang dapat sa iisang bagay nakatuon ang pansin namin. What if umalis siya ng kusa?

"By the way, bakit pala dito tayo nakatengga?" usisa ko.

"The same position where they stopped and the crewman lost," he replied.

Ah, dito rin pala nawala 'yong crewman. Pihadong marunong naman 'yon lumangoy kasi nga seafarer at tsaka hindi naman gaanong malalim itong parteng 'to. Mga 9 feet siguro.

"Hindi ko talaga matrace sh:t!" tumayo ito mula sa kinauupuan at tsaka humarap sa'kin. "We better do our investigation first."

Kung sino man ang may alam sa pagkawala ni Mr. Oblignar, malamang ay isa s’ya sa mga nakakaalam patungkol sa tracking device ng nameplates.

Pagkasabi no'n ay nagtungo siya sa pintuan at lumabas, gano'n din ako. Nagpunta kami sa isang parte ng cruise ship at sa tingin ko ito ay ang crewspace. Nandito pa lahat ng gamit ni Mr. Carlos Oblignar(30 years old), ang nawawalang crewman. Isinet-aside ko ang posibilidad na umalis siya ng kusa dahil halos lahat ng gamit n'ya ay narito pa rin.

Next thing we did is interviewing, we interviewed some staffs that are close to Mr. Oblignar or those who possibly seen him. The Maitre d' (Alma Perez, 31 years old) said that she last saw him on the upper deck, talking with someone on his phone.

"Pagkatapos ko kasing asikasuhin 'yung mga pagkain para sa mga pasahero ng upper deck, bumaba na'ko kaya 'di ko na alam kung sa'n pa siya nagpunta," the maitre d' added.

We both nodded, nagpasalamat na kami at nagpaalam sa kaniya 'saka sunod na pinuntahan ang Cabin steward(Romel Pacheco, 28 years old) na incharge maglinis noong araw na 'yon sa crewspace.

"Hindi ko alam eh," napakamot pa 'to sa batok. "Hindi ko s'ya nakita nung pumasok ako do'n sa staterooms at crewspace. ‘Yung mga kasamahan n’ya lang ‘yung nando’n. Duda ko, kausap siya ni Captain no’ng mga oras na ‘yon.”

“Ano’ng oras ka ho ba nagpupunta sa crewspace para maglinis?” gagad ko.

“Mga alas syete ng umaga, tapos alas otso naman kung gabi,” tugon niya.

“Ah... Sige, salamat po.” wika ko sa kaniya dahil halata naman na nagmamadali siya. Kita ko sa aura niya ang pagkaaligaga, hindi ko nga lang alam kung bakit. Hindi ko rin nakita sa aura niya ang kulay light blue na tanda ng sinseridad sa kaniyang mga sinabi kung kaya’t nagduda na kaagad ako sa kaniya.

Sunod naming pinuntahan ay ang Chef ng cruise ship para tanungin kung nagawi ba sa Galley si Mr. Oblignar. Ngunit nadismaya kami nang sabihin niyang hindi raw, napatunayan naman ito ng awra niyang kulay light blue na tanda ng sinseridad at katotohanan.

Marami pa kaming kinuhanan ng pahayag ngunit isa lang ang mas nakatawag ng atensyon namin, iyon ay ang isa sa mga tauhan na may galit daw kay Mr. Oblignar.
Natanong namin siya ngunit konti lamang ang naibigay niyang impormasyon kaya’t sa iba kami nagtanong kung ano ang naging alitan ng dalawa.

Ayon sa isang staff, si Mr. Oblignar at Mr. Pascua (Alberto Pascua, 24 years old)  ay matagal ng may alitan dahil sa utang. Si Mr. Pascua ay ang cadet nitong cruise ship at may utang na higit 10,000 kay Mr. Oblignar (ayon sa salaysay ng isang staff) na pinatunayan naman ng Daddy ni Franz. Ang sabi ni Mr. Schrödinger ay matagal na talaga raw ‘yong magkaalitan dahil sa pera.

9:30 pm

Nakatambay lamang ako sa upper deck, kung saan din huling nakita si Mr. Oblignar ng maitre d’.  Pagdungaw mo ay kitang-kita pala ang dagat dito, maganda kahit madilim, sinabayan pa ng mga ilaw na nanggagaling sa mga gusali.

Si Franz naman ay nasa cabin at ginagawa ang ritwal niya, marami s’yang kinakalikot sa laptop at mga iilang bagay doon sa cabin na hindi ko magets kaya umalis na lang ako— ay hindi, pinaalis pala n’ya ‘ko at sinabing dito na muna daw at magrelax.

Napapikit ako nang madama ang banayad na haplos ng malamig na hangin. Pagbukas ng mga mata ko ay dumungaw ulit ako sa dagat na kulay itim ngayon, may mga bubbles akong nakita. Siguro mga isda lang ‘yon, para kasing mga bula na sunod-sunod na tumataas galing sa ilalim  ng dagat.

Maya-maya pa ay nawala na ito kaya’t ipinagsawalang bahala ko na lamang. Wala sa sariling napatingin ako sa gilid kung saan nakalagay ang mga salbabida, lubid at iba pang mga gamit for emergency. Nakaset na ‘yon at arranged kumbaga dahil isang salbabida, isang life jacket, isang floating board, at isang lubid. Gano’n ang pagkakatumpok at pagkakahilera, ngunit ang nakapagtataka ay ang isa sa mga tumpok ay tanging salbabida, life jacket at floating board lang, walang lubid. Siguro ay ginamit na nila kung saan.

Napagdesisyunan ko na bumalik na lamang sa cabin namin at samahan si Franz kahit pa nakakasakit sa ulo intindihin ‘yung mga kung ano-ano do’n.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now