Chap43- Sharp

57 4 0
                                    

Pinanonood ng mga ito ang nangyayari sa rooftop. Mixed fear and astonishment are visible on their facial expression.

Nakita niya ang isang uri ng baril na hawak ng isang tauhan. Ang klase ng baril na hindi lamang bala ang p’wedeng ikarga. Pwede rin ang syringe.

Lumapit siya at kinuha iyon sa lalaki. Hindi naman ito umangal, abala sa panonood kung pa’no makipag-hand-to-hand combat ang drugged— chemicaled rather, na si Liessandra.

Panay ang igik ng mga kalaban nito.

He needs to hurry up before she break their bones to death.

Binuksan niya anh metal box. Tinapik ni Amberlie ang kamay ng dalawang guard at inirapan ang mga iyon Tinulungan siya nitong mag-assemble.

Mula sa botilya, isinalin niya ang kulay asul na likido sa syringe sa pamamagitan ng pagtusok nito sa nakaselyong takip ng botilya.

Si Amberlie naman ang nagbukas ng lalagyan ng bala. Inilagay nito ang ibinigay niyang syringe. Inayos, pagkatapos ay ikinasa.

“Ako na,” anito.

Tumango siya rito. Kung siya kasi ang gagawa, walang kasiguraduhang matatamaan niya ang target. He has no background of doing such.

Si Amberlie, miyembro ng Xanexene at alam niyang inensayo ito. Kahit papaano’y tiwala siya. He has no choice at all.

Itinatapat nito ang dulo ng baril sa target. He’s doubting. Masyadong magalaw si Liessandra, matatamaan kaya nito?

Liessandra flipped in the air, then kicked the neck of the attacking man.

‘Di bale, kung pumalya man, may inihanda naman siyang isa pang syringe na may laman ding antidote.

From his peripheral vision, Amberlie positioned her forefinger on the trigger. He focused his gaze on Liessandra as if he’s the one who’ll bang the target.

Napatakip siya ng tainga nang kalabitin na nito ang gatilyo.

Napurnada ang pagsuntok sana ng baabe sa kalaban. Natigil din sa ere ang paa ng isa pang lalaki na sapol-sipa sana sa likod ni Liessandra.

Her body wobbled. She drastically pulled the syringe from her right shoulder.

Succesful!

Nagawa ni Amberlie.

Sharpshooted!

Nawalan ng malay si Liessandra. Pero buti na lamang at nasalo ito ng isa sa mga lalaking naro’n.

Agd nila itong dinaluhan.

“Magiging okay na ba siya?” tanong ng lalaking kandong si Liessandra.

Hinawi niya ito, nasa kaniya na ngayn nakakandong ang walang malay na katawan ng babae.

“Boss, grabe talaga ‘yung alkane. Akala ko ba wala na ang kemikal sa katawan niya...” Dumaing at napangiwi ang lalaking ma-tattoo at may sugat na hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin sa sahig.

“Hindi pa natin alam kung epektibo ba ang antidote na ‘yan. ‘Yung antidote na gawa ng kapatid ko, epektibo at walang naging after effect,” anang pinuno.

“My antidote is effective. I’m sure she’ll be okay, soon.”

“Kuya!” bulalas ni Amberlie. Tumakbo ito palapit sa dalawang lalaki.

Ang isa sa dalawa ay kilala niya, ‘yung paika-ikang maglakad. Samantalang ang isa naman ay hindi niya kilala. Puno ng tribal tattoo ang braso hanggang leeg nito. Pero kung hindi siya nagkakamali, ito malamang ay si Axel.

Lumapit ang dalawa sa kinaroroonan nila. Si Amberlie ay nakakapit sa braso ng kapatid.

Binatukan ni Stern ang isa sa mga tauhan. “Ikaw ‘yung bumaril sa’kin diba? Hayop ka, akin na ‘yang baril mo, babarilin din kita.”

Ngumuso lang ang lalaki. Itinago sa loob ng brief ang baril.

“Ikaw naman kasing bata ka. Alam mo namang wala kaming gagawin sa tito at kapatid niya eh, pero niligtas mo kuno,” sabi ng pinuno na hanggang ngayon ‘di pa niya alam ang pangalan.  Maybe Xene? Or Xan?

“Hindi na ’ko bata, stepdad,” ngumiwi ito. “And what? Walang ginawang masama? They injected alkane on his Uncle!”

“Maayos na ngayon si Mr. Cy. Tagumpay at epektibo ang ipinagawa kong antidote. Ginamit lang namin siya bilang human tester.”

“See? That’s still bad, dinamay mo pa si Steptito.” Humalukipkip si Stern.

Binalingan niya si Axel. “Would she be okay?”

Tumango ang huli. “Yeah.”

Dahil malapit ito sa kaniya, nakita niya kung ano ang nakatago sa likod ng mga tattoo nito.

Burnt scars.

Naramdaman niyang gumalaw si Liessandra. Her eyes twitched. Sign that she regain her consciousness.




I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now