Chap40- Key

42 3 0
                                    

“Kapatid ko, ang may-ari ng pulseras na ‘yan.”

Napatingin ako sa palapulsuhan, pagkatapos ay muling tumingin sa babae.

“Si Axel?” paninigurado ko.

“Oo. Amberlie ang pangalan ko,” she introduced. “Hali kayo, sumunod ulit kayo sa’kin.” Muling aya niya.

“I think we shouldn't trust her. I guess she’s just fooling around,” bulong ni Franz sa tainga ko na pihadong narinig naman ni Amberlie dahil sa apat na pulgada lamang na layo.

She grabbed her locket necklace and raised it. Binuksan niya iyon at ibinalandra sa amin ang picture sa loob nun. “Childhood photo namin ng kuya ko.” She gazed at me. “Sigurado namang kilala mo siya dahil nabanggit niya sa akin na minsan na kayong nagkita.”

“B-buhay siya?”

Tahimik itong tumango. Muling isinara ang locket. “Pasikreto ang pagkikita namin, iniingatang hindi ako mahuli ng Xanexenes. Pero isang linggo’t dalawang araw na ang nakakalipas nang huli kaming magkita.”

“We— I rather, still don't trust you,” si Franz.

“Kung gano’n, alam mo kung ano ang ibig sabihin ng nakalagay dito?” Kumalas ako mula sa pagkakasiklop at tinanggal ang silver na bracelet mula sa pulsuhan.

“One thousand three hundred thirty nine. Ang numero ng safety box ni Kuya Axel,” aniya.

Binalingan ko si Franz, na mukhang hindi pa rin kumbinsido dahil nakahalukipkip at nakapoker face sa kaharap naming babae.

Inalis ko ang tingin sa kaniya. Muling bumaling kay Amberlie. “Tutulungan mo ka—”

“Oo,” agap niya. “Pwede bang, magholding hands ulit kayo... Para hindi tayo pagsuspetsahan.”

Kinuha ni Franz ang kamay ko, pinagsiklop muli ng kaniya. Isinuot kong muli ang bracelet.

Ngayo’y naglalakad kami at ang nasa unahan ay si Amberlie, tuwid na naglalakad. Nang marating namin ang paanan ng hagdan ay huminto si Franz kaya’t napahinto rin ako. Mukhang napansin ni Amberlie kaya napahinto rin siya at humarap sa amin. Pareho kaming takhang nakatingin sa lalaking ‘to.

“Can’t we use the elevator?” He extended his free arm, pointing at the elevator on the right side of us.

Umiling ang babae. “May fingerprint scanner ‘yan para umandar. Hindi na ako authentic, kaya magha-hagdan tayo.”

Ibinaba ni Franz ang kamay na nakaturo. Nagsimula kaming umakyat ng hagdan.

“Bakit ‘di ka na authenticated?” tanong ko, binibilang sa isip ang bawat baitang naapakan. Twenty-three.

“Kapatid ako daw ako kasi ng traydor,” tugon niya.

“Pero bakit hindi ka kini-kick out sa grupo— ay teka, miyembro ka rin ba ng Xanexene?” Nabanggit rin niya kanina ang xanexene eh.

“Oo, miyembro din ako, pareho kami ng kuya ko. Hindi nila ako pinapaalis sa grupo dahil marami na akong nalalaman tungkol sa kanila, threat sa kanila ‘yon.” Tumigil siya sa pagsasalita nang may nakasalubong kaming lalaki na pababa ng hagdan. May kausap sa cellphone.

“Ngayon, pinahihirapan nila ako sa pamamagitan ng pagtapon sa’kin dito sa Bangko, teller ako 24/7,” pagpapatuloy niya.

“Bakit hindi ka na lang nila i-assasinate?” wala sa sariling tanong ko at sana’y huwag naman niyang ika-offend.

“Hindi sila pumapatay,” simpleng aniya. “Nagbebenta lang sila ng mga kontrabando at iba pa, hindi sila pumapatay... intentionally.”

Hindi na ako makapagsalita ulit. Hindi sila pumapatay...?

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now