Nilapatan na ng paunang lunas ng rescue at medical team ang lalaking nasagip nila Franz, si Mr. Carlos Oblignar. Kataka-takang sa dalawang araw nitong pamamalagi sa ilalim ng dagat ay buhay pa ito, pero iwinaglit ko na muna ang pagtatakang iyon dahil kailangan naming magfocus sa kung sino ang may gawa no’n.
Galit na galit sa amin si Mr. Guevarra dahil sa ipinaparatang namin sa kan’ya.
“Bakit ako?! Wala akong dahilan para gawin yon!!” singhal nito. Itinuro nito ang cadet na si Alberto Pascua, “Siya! Siya ang pagbintangan n’yo dahil may dahilan s’ya para pagtangkaan ang buhay ni Carlos! Matagal na s’yang may utang do’n at palagi na siyang sinisingil kaya siguradong galit ‘yang si Alberto sa kaniya!!"
Mabilis ang naging pag-iling ni Alberto, “H-hindi ko po magagawa ‘yon.”
“Sinungaling! Huwag mo ng itanggi!” asik nito.
Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang ay kanina pa kami nakabulagta dito. Halos lahat kasing nakatingin sa kaniya ay tinatapunan niya ng matatalim na tingin na para bang naiimagine n’ya na susugurin namin siya.
“Calm down, Guevarra.” pag-aalo ni Captain Schrödinger dito. Kahit malamig ang hangin ay pinagpapawisan pa rin si Mr. Guevarra, nanginginig rin ang mga kamay nitong nakakuyom.
“Can you show me the other parts of this piece?” ipinakita ni Franz ang kapirasong bahagi ng metal na galing sa nameplate.
“If you’re not going to show me, we have the power to force you.” ipinalibot niya ang tingin sa mga crew na narito rin at nanonood.Nagdadalawang-isip man ay sumunod s’ya sa sinabi ni Franz, “Pero nasa loob ‘yon ng crewspace, nasa laundry.” ani Mr. Guevarra kaya’t may inutusan upang hanapin ‘yon.
Maya-maya pa ay nakabalik na ang inutusan.
“Sir! Nandito nga po, mga pira-pirasong namplate ni.... li-g-nar... Oblignar?” gagad ng crew na inutusan. Agad naman itong kinuha ni Franz mula sa crew na iyon.
Suminghap si Mr. Guevarra sabay pameywang, “Yan ang basehan n’yo sa pamimintang sa’kin? Napulot ko lang ‘yan do’n sa upper deck!”
“Kelan ka ho pumunta sa upper deck? At paki-specify nga po nung iniutos sa’yo ni Mr. Schrö— ... ni Tito doon sa imbakan.” usisa ko.
“What?” nagtatakang napatingin ang Kapitan kay Mr. Guevarra na ngayon ay mas lalo pang namimilog ang mga mata at pinagpapawisan. “I didn’t rendered you to the storage room, did I?”
“No. You didn’t Dad, dahil ang iniutos mo sa kaniya ay icompute ang kita ngayong month,” Franz’s dad nodded. Franz gazed at me, “He lied to us when we asked him.”
Mr. Guevarra is speechless from a sudden out of burst. He’s sweating all of his sweats out. He’s gulping every seconds that makes his adam’s apple to move up and down vigorously. I can see all the negative aura on him.
I mentally smirked, “Narecover din ang lubid na ginamit at ang sako na naglalaman ng mga bakal at iba pang pampabigat na pihadong galing sa storage room.” kaso nga lang ay malabo ng matrace ang fingerprints do’n dahil na-wipe out na nung tubig.
He snorted, “Wala kayong sapat na ebidensya. Kapitan, pagsabihan n’yo naman ho sila.” naiiling-iling niyang wika habang nakapameywang.
Mula sa aking peripheral vision ay nakita ko ang kadarating lamang na staff at iniabot nito ang isang laptop kay Franz. Iyon ang kaniyang laptop na ginagamit niya kanina.
“Look at this footage,” aniya. Agad naman kaming lumapit at tinignan ang nagpe-play na isang video sa screen. “I installed secret close circuit television in every corner of this ship.”
Bakas ang gulat sa lahat dahil kitang-kita ang mismong pagsagawa ni Mr. Guevarra sa pagtatangka sa buhay ni Mr. Oblignar. May napasinghap pa sa parte kung saan kinaladkad at itinulak nito ang walang kalaban-laban na si Mr. Oblignar mula sa upper deck pabagsak sa dagat. Ilang minuto mula ng ihulog siya ay umusad na ang barko.
Dahil mataas ang pinagmulan at may sako pa na pampabigat ay malakas ang naging impact ng pagkakahulog ni Mr. Oblignar, ngunit hindi pa rin iyon napansin ng ibang mga nasa ship dahil lahat ay abala sa kani-kanilang mga gawain, idagdag mo pa ang naging pangambang dulot dahil nga tumigil ang barko.
“How could you do that, Guevarra?” may pagkadismayang tanong ng Kapitan sa lalaking halos maubusan na ng tubig sa katawan dahil sa labis na pamamawis.
“T-tama lang naman ‘yon sa kaniya!” singhal nito habang paatras nang paatras. “Masyado siyang pabida! Hindi dapat siya ang mapromote! Ako dapat! At nalaman ko rin na ikaw ang sasagot sa mga bayarin sa ospital ng anak niya. Pero ako... noong mangangak ang asawa ko ay hindi mo man lang nagawang tulungan!”
“I-i didn’t know... You n-never told me about your wife’s pregnancy,” tugon ng Kapitan.
“Dahil alam kong hindi mo naman ako tutulungan!”
“Stop shouting at my Dad!”
“Why didn’t you tried?! I’d be more than willing to help if you just told me about it!”
“Oh shut up, Dad.” Franz hissed. “He judged you easily, that man is a scumbag. Just admit what you did Mr. Rudolf Guevarra and don’t divert the topic.” inilapag niya ang laptop sa isang malapit na maliit na mesa.
Mas lalong naging malamig at mabigat ang atmosphere na sinabayan pa ng mabibigat na paghinga ni Mr. Guevarra. Bigla siyang pumihit patalikod at umambang tatalon sa tubig ngunit nahila siya ng isang crew ‘saka pinagtulungan ng iba pa. Palibhasa’y kasalukuyan kaming nandito sa lower deck kaya naman hindi siya nagdalawang isip na tumalon sa dagat, malas nga lang niya dahil marami ang nandito.
Ngunit sa kasamaang palad ay nanlaban ito kaya’t ang ibang staffs ang nahulog sa dagat at ang iba nama’y bagsak sa sahig. May isa pang duguan, si Alberto na isa rin sa mga tumulong na pigilan si Guevarra, ngunit nakahandusay na ito sa sahig at duguan.
May patalim pala si Mr. Guevarra na s’yang ginamit niya kay Alberto. Naging alerto kami nang umamba ito sa direksyon ni Mr. Schrödinger, nanlilisik ang mga mata.
“Kung hindi lang din naman tataas ang ranngo ko dito sa barkong ‘to, mas mabuting patayin na kita!” humigpit ang hawak nito sa kutsilyong may bahid na ng dugo.
Ngunit bago pa man makasugod ay agad na itong nahawakan ni Franz sa braso sabay pilipit dahilan para mapaigik ito sa sakit at mabitawan ang kutsilyo. Tinuhod din ito ni Franz sa likod upang mapadapa sa sahig. Dinaganan niya ito at ini-hook ang parehong kamay nito sa likod.
Agad kong kinuha ang kutsilyo na nahulog saka itinago sa ilalim ng isang tarpaulin na nakalapag para hindi na magamit ni Mr. Guevarra kung sakaling manlaban pa ulit ito.
Ang akala namin ay magiging maayos na ngunit nagulat na lamang kami nang mapagpalit nito ang posisyon nila ni Franz. Siya na ngayon ang dumadagan at sinasakal pa nito si Franz. Subukan mang pigilan ng mga naro’n ay hindi nila magawa dahil sa bawat lumalapit ay iwinawasiwas nito ang hawak niyang cutter. Maging ang Daddy ni Franz ay walang magawa dahil nang subukan nitong lumapit ay nadaplisan siya ng cutter sa braso at hita.
“Ano’ng inga— Nako! Franz, anak! Frank!” isang babae ang pababa mula sa upper deck ang nagulantang sa nakikita. Napatakip pa ito ng bibig habang nakatingin kay Franz na sinasakal ni Mr. Guevarra. Sa tingin ko ay ito ang nanay ni Franz.
Agad akong lumapit sa likuran ni Mr. Guevarra na panay pa rin ang sakal kay Franz, kitang-kita ko na nahihirapan na siyang makahinga kaya naman hinawakan ko anf batok ni Mr. Guevarra at diniinan ang carotid vein n’ya dahilan para mawalan ito ng malay. Sapat lamang ang pwersa na ginamit ko sa pagdiin dahil baka mamatay siya kapag nilakasan.
“Anak, nako ayos ka lang ba?” agad na dinaluhan ng Mommy niya si Franz na umuubo-ubo ngayon. “Frank, may sugat ka. Nasa’n ba ‘yung medic team?!”
Agad naman kumilos ang mga staffs na naroon, ang iba’y nakaahon na mula sa pagkakahulog nila sa dagat. Dumating naman ang medics na hinuha ko ay galing sa kwarto kung nasaan si Mr. Oblignar at nagpapagaling, agad nilang dinaluhan ang sugatang Kapitan pati na rin ang cadet na si Alberto.
YOU ARE READING
I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)
General FictionCOMPLETED This is a detective story. But unlike the common detective stories, this one doesn't involve codes nor ciphers. Wrap up and join Liessandra together with Franz to discover mysteries in and outside their school. Let us join them unleash s...