Chap41- The content

42 3 0
                                    

“There!”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang putol na iyon.

“Oh, it’s looks like a key harp.” Franz gaped a little.

Pinulot ko iyon.

“Iyan na siguro ang susi ro’n,” galak na wika ni Amberlie.

“Bakit kayo nandito sabay-sabay sa loob?” A woman wearing a knee-length dress and a coat barged in. Her thick red neon lipstick almost damaged by sense of sight.

Agad kong ibinulsa ang hati na pulseras.

“Sinamahan ko lang ang girlfriend ko, nag-CR.”

“Gina-guide ko sila. Bago kasi kaya ‘di pa pamilyar.”

Palusot ng dalawa. Halatang nakumbinsi naman ang babae.

“Ah okay. Tapos na ba? Excuse me na ha, sasabog na kasi pantog ko,” she smiled, awkwardly.

Lumabas na kami ng CR. Abala ang lahat sa kaniya-kaniyang cubicles kaya pihadong walang makakapansin sa amin. Unless may nag-alert na sa kanila tungkol sa tatlong pinaghahanap. Pero sa lagay nila, mukhang clueless sila at normal na nagtatrabaho lamang.

“Kailangan nating makabalik sa hallway ng fifth floor,” I muttered, sapat para marinig ni Amberlie na nasa unahan namin.

“Nag-iisip pa ako ng paraan,” she muttered, too.

Binalingan ko si Franz, hinaplos ng marahan ang kaniyang braso para ipahiwatig na nagtatanong ako kung may plano rin ba siya.

Pero inirapan lang niya ako. “Psh.” Namumula pa.

Isang glass door ang nilabasan namin. Agad kaming natago sa isang malaki’t malapad na posteng nakadikit sa pader. Pero pagtingala ni Franz, may CCTV pala sa kisame, hindi nakatapat sa amin pero konting galaw lang ay tiyak na hagip kami.

‘Di kalayuan, mayroong malapad na hagdan pataas. Sa ilalim no’n ay pwedeng pagtaguan.

“Do’n tayo.”

Maingat kaming nagtungo ro’n. May nakita akong isang pintuan na hindi ko alam kung ano’ng tatambad. May elevator din sa tabi ng hagdan.

We hid ourselves on in the under-back of the wide stair. Medyo mababa kaya kinailangang yumuko nitong dalawang kasama ko. Madilim ang bahaging ‘to kaya’t hindi kami kita kung sakaling may dumaan man.

Kinuha ko mula sa bulsa ng pantalon na suot ang pulseras na nahati sa dalawa, perpektong pagkahati na para bang hindi sinadya. They’re now looks like a crescent moon, ang isang dulo ay kasing hulma ng dulo ng isang susi.

“Hagdan ito papunta sa ikalimang palapag, pero hindi agad hallway ng safety boxes ang bubungad sa’tin...” si Amberlie. “Hinatayin na muna nating bumaba ‘yung mga humahabol sa atin.”

Ilang segundo lang matapos niyang sambitin iyon, may narinig kaming mga yabag na nagmamadali pababa nitong hagdan. Maingay sila at kabi-kabilaan ang sisihan at pagsasabi ng, “Hanapin niyo sila.” “Hindi pa nakakalayo ang mga ‘yon.” “Traydor talaga ang mga Crimson.”

Naaninagan kong ngumisi si Amberlie.

“Wala na sila,” bulong ko. Ang dalawa, mukhang pinapakiramdaman pa ang paligid, pero ako ay sigurado na. Hindi ko na nararamdaman ang aura ng mga ‘yon.

Sa pagkakataong ‘to, hindi na kami magkahawak-kamay ni Franz. Kaniya-kaniya kaming tatlo sa pagtakbo pataas ng hagdan. Ako ang nangunguna.

Marami-rami rin ang baitang ng hagdan bago namin narating ang isa nanamang kwarto na kagaya kanina. May mga cubicles din.

Gano’n karami ang accountants na nagtatrabaho dito? Kung sabagay, dapat nga naman na marami ang accountant sa ganito kalaking Bangko.

Alam kaya nila na isang Mafia Organization ang may-ari ng pinagtatrabahuan nila?

Wala kaming sinayang na oras, kahit pa tiyak na magiging kahina-hinala ang aming galaw, dumiretso kami sa banda na sinabi ni Amberlie, ang direksyon patungo sa hallway.

“Dito na lang ako. Tiyak na sa mga oras na ‘to, alam na nila na narito kayo.” Biglang sabi ni Amberlie kaya’t napahinto kami pareho ni Franz. “Aabangan ko sila. Ako na’ng bahala.”

Nagkatinginan muna kami ni Franz. Kapagkuwa’y tunango.

Ngumiti naman si Amberlie at tumango rin. “Mag-iingat kayo.”

“You too.”

Mabilis akong napatingin kay Franz.
You too. Psh! Inalis ko na lamang ang tingin ko mula sa kaniya. Nagsimula nang maglakad-takbo.

Hindi kami nahirapan at naligaw. Agad naming nahanap ang ika-1339 na sdb.

Huminga ako ng malalim. Hinigpitan ang hawak sa key bracelet.

“Hurry up, Liessandra. I’m guessing here that both of us don’t want to die young.”

Binato ko siya ng masamang tingin. Umirap lamang ang huli.

Ipinasok ko sa keyhole ang tip ng bracelet. Inikot ko ng isang beses.
.

.

.

Pero walang nangyari.

Sinubukan ko ulit.

“B-bakit hindi gumagana?” kinakabahan kong ani. Ramdam ko na kasi ang mga negatibong aura na papalapit.

“Psh. Let me.” Kinuha niya mula sa nanginginig kong kamay ang susi. Tumabi ako para bigyan siya ng kalayaang gawin ang pagbukas no’n.

Isang ikot.
.

.

.

Pagkatapos ng dalawang segundo. Tatlong magkakasunod na ikot.

.

.

Tatlong magkakasunod na ikot ulit.

Iikutin pa sana ni Franz nang tumunog na ‘yon.

Thanks God. Ihinanda ko ang sarili para sa kung ano mang maaaring tumambad mula sa loob no’n.…

“Ano ‘yan?” tanong ko.

Hawak-hawak na ngayon niya ang isang portable metal box na siyang laman ng sdp ni Axel.

May keyhole sa takip no’n kaya’t ginamit niya ulit ang key bracelet. Nabuksan.

Lumapit ako sa kaniya at bahagyang tumingkayad para makita rin ang laman no’n. Pero...

“Hey, you okay?” tanong ni Franz. Mabuti’t nasalo niya ako bago pa man tumama bumagsak sa matigas na sahig. Sinusuportahan ng malaya niyang kamay ang katawan ko.

Mas tumindi ang pananakit ng ulo ko, pati na rin ng dibdib.

“Liessandra...” Inilapag niya sa sahig ang metal box na hawak. Isinara niya ang takip. Ngayo’y ang isang kamay niya ang bahagyang tumatapik sa pisngi ko.

Napadaing ako. Hindi dahil sa pagtapik niya, kundi dahil sa sakit ng buong katawan ko na tila kinakain ng kung ano. Ni hindi ako makapagsalita. Namimingi rin at hindi na maintindihan pa ang mga sinasabi ng lalaking kandong ako.

“Aaaargghh!”










I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now