Chap25- Test

52 4 0
                                    

Gabi na, pasado alas syete pero nandito pa rin ako sa bahay nila Franz. Dito na rin ako nananghalian kanina at masayang  nakipag-usap kina Ate Luz at Judith. Hindi pa umuuwi ang mga magulang ni Franz dahil may inaasikaso pa raw ang mga ito sa kanilang cruise ship kasama si Mr. Oblignar, asawa pala siya ni Ate Luz. Ang swerte nila dahil para ring kamag-anak ang turing sa kanila ni Franz, bibihira lang ang ganitong amo na pinapasabay ang mga katulong tuwing kakain.

Ikinwento nila ang tungkol kay Ali at sa kakulitan nito. Hindi ko nga napigilang matawa nang sabihin nila na nabubutas ang bulsa nila kapag kasama nila si Ali sa palengke, panay daw kasi ang pabili ng avocado. Ganoon talaga si Ali simula pagkabata, mahilig na sa avocado at ang masaklap pa ay hindi niya pinaparesan ng asukal, gatas ang gusto niya.

Wala akong number nila Thelma, Kyla at Rose kaya hinanap ko na lang ang facebook account nila at chinat sila para hindi sila magtaka o mag-alala, kung sakali man. Pati na rin si Justine ay chinat ko na rin tungkol sa kalagayan ko, mas madaldal pala siya sa chat at emoji warrior pa. Sinabihan niya rin ako na papahiramin na lang daw niya ako ng notes niya.

“Woah,” I muttered. Hindi ko mapigilang mamangha sa bahagi ng kwarto nitong si Franz. Ang akala ko kasi ay ordinaryong cabinet lang ito, pero nang hawiin niya ang mga damit na nakahanger at may pinindot na passcode ay pumasok siya at tumagos sa pader.

Sinubukan ko rin, nakapikit lamang ako habang humahakbang. Pagkamulat ng mata ko ay tumambad sa akin ang kwartong puno ng mga kung ano-anong kagamitan. Lumingon ako at nakita ko ang pader kung saan kami tumagos, mula dito ay kitang-kita ang kwarto ni Franz.

“We're going to chem test this liquid,” ipinakita niya sa’kin ang syringe. Isinalin niya sa isang testing tube ang laman nitong dilaw na likido.
“Usually, this takes a day or two before we unleash this liquid,” inilagay niya ang testing tube sa isang makina. May pinindot siya doon kaya umusok iyon. “But, I can make it in just 5 hours.”

“Anong tawag doon sa makina?” usisa ko. Parang kagaya lang kasi ng mga ginagamit ng mga scientist, pero kapansin-pansin na kakaiba ang isang ‘to.

“It’s my Quandeluneom. It can identify different chemicals or any other liquids and can work by itself,” aniya. “I invented that when I was 13 years old. My teacher wasn’t believing me that the chemical he given to us was toxic. So, I made it to prove then.... Finally, he believed me and dispatched the toxic chemicals he bought.”

Amazing, indeed. A 13 years old made this? Well, hindi naman nakapagtatakang may kakayahan nga siya plus mayaman sila kaya may pambili siya ng mga kagamitan.

Habang hinihintay ang resulta ng test, ipinalibot ko muna ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Kasing laki rin ito ng kwarto niya, puno ng mga nakakamanghang bagay. Mayroong isang robot na kasing laki ng tao.

“That one’s my assistant, but as of now, he’s not functional. I’m still in progress to fix him.” ani Franz.

Napatango-tango na lamang ako. Bakit kaya nasira ‘yang robot niya? Uh, siguro ay dahil sa system.

Hindi ko na napigilang maglibot-libot, mas gusto ko kasing nakikita ng malapitan ang mga ito. Parang bookshelf ang lalagyan ng mga imbensyon niya. May nakita rin akong drone, tatlo iyon at magkakaiba ang design. May mga iba't ibang devices din na hula ko ay ginagamit niya sa school, at may nakita rin akong ballpen. Isang ordinaryo lang naman, siguro ay naligaw lang dito.

“Wanna know how this ballpen work?” ani Franz mula sa likuran, hinarap ko siya at sangdangkal lamang ang layo namin sa isa’t-isa. Matangkad siya kaya naman tumingala ako, nakatingin siya sa’kin.

“B-bakit? Is that thing special?” I stuttered. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako ng konti.

“No. There’s someone who’s special to me, not something.”

At dahil nasa likuran ko ‘yung ballpen, nang abutin niya iyon ay halos magkadikit na ang mga katawan namin. Parang na siyang nakayakap sakin dahil ang isa niyang kamay ay nakatukod sa may bandang gilid ko habang ang isa naman ay sa gilid kung saan naro’n ang ballpen. 

“This has camera,” aniya nang makuha iyon. Umayos ulit siya ng tayo habang hawak ang magkabilang dulo ng ballpen. I thought that ballpen was just ordinary, but it has camera?!

“Ano’ng purpose?” nagtataka kong tanong. I have an idea na, pero kailangan pa rin ng confirmation sa kaniya.

“Do you ever experienced losing your pen?” aniya.

Tumango ako. Oo naman ‘no, marami sa mundo ang kawatan at magnanakaw ng ballpen at ang iba ay naging kaklase ko. Kahit nga lapis noong elementary ako, hindi pinalagpas.

“This camera is to capture who held this. My fingerprint is the only authenticated, so if someone use this, it won’t function and the camera will activate.” pagpapaliwanag niya.

Ohh... Ibig sabihin, hindi ka makakapagsulat gamit ang ballpen na ‘to dahil si Franz lang ang pwede.

“Walang lalabas na tinta kapag hindi authenticated ang may hawak?” I asked.

“Precisely. I’m witty, isn’t it?”

Pinigilan kong mapairap lalo pa’t kaharap ko siya, baka mamaya may weapon siya dito tapos gamitin sa’kin.

“This also produce electricity, I mean, like a stunpen,” he added.

Sabi ko na nga ba, “Ohhh. For self defense.”

He nodded.

Marami pa siyang mga ipinaliwanag na inventions niya sa akin. Lahat ng iyon ay kamangha-mangha talaga, ang iba raw niyang inventions ay nanalo sa mga contest, nandito rin nakadisplay ‘yong mg trophy at certificates.

Ngunit mas nagagandahan ako doon sa wristwatch na gawa niya, ‘yung nando’n sa Inventory Room, ‘yung may design na moon. Kaso walang gano’n dito, mukhang isa lang ang gano’n na ginawa niya at sa IR ng campus nakadisplay. Bet ko ‘yon kaya gusto kong bilhin, eh kaso baka hindi naman ipinagbibili.

Nang mapagod sa paglilibot-libot ay naupo na kami sa sofa na naro’n at hinintay na matapos ang pagtetest no’ng Quandeluneom.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa, siguro ay dahil sa hindi ako nakatulog sa gabi gawa no’ng pangyayari sa cruise ship. Naalimpungatan lamang ako nang makaamoy ako ng tila kakaiba, parang... Nasusunog??

Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga sa sofa nang maramdaman kong mainit ang paligid.

“F-franz?” napaubo ako dahil ang kapal ng usok, nasusunog nga ang kwartong ito!

Tumayo ako pero wala akong ibang makita, tanging makapal na usok lang. Nasaan na kayo ‘yung mga gamit ni Franz dito? At nasa’n siya?

Nahihirapan mang huminga ay pinilit ko pa ring humakbang, masakit din ang mga mata ko dahil sa usok. Nangangapa na lamang ako habang umuubo, shyt! Muntikan pa’kong matumba sa dahil hindi na talaga kaya ng katawan ko, parang nanghihina ako. Hindi ko magawang makapagsalita dahil puro ubo na lang ang lumalabas sa bibig ko. Pesteng usok, bakit ba nasusunog ‘to?!

Pamilyar na pakiramdam, bumabalik sa’kin ang ala-ala ng nangyari dati. Bigla akong kinabahan, ayoko ng maulit ang nangyari dati... na mayroong nawala sa’kin. Bumilis ang sikdo ng puso ko dahil sa kaba. May naaninagan kasi akong nakahandusay sa sahig at tila hirap na hirap sa paghinga.

“F-franz.....”

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now