"Liessandra okay ka lang?" tanong ni Rose. Pinukol ko siya ng masamang tingin. Pati na rin si Kyla at si... Thelma.
"Sorry na, Liessandra." saad ni Kyla. Really? Kahit pa medyo sanay na'ko sa horror, nakakaimbyerna parin sila!
"Oo nga. Pasensya na, biro-biro lang 'yon," si Rose habang nagpapuppy eyes. "Hindi totoong multo si Thelma, Thea 'yung pangalan nung unang namatay." dagdag pa nito.
Oo, opo. Pinagkaisahan na naman nila 'ko, abot-abot na yung kaba ko kanina dahil ang buong akala ko ay may third eye na talaga ako at nakakita ng mga kaluluwa. Pag nagkataon, hindi na'ko matatahimik dahil kagaya ng mga kwento ng mga taong may third eye, hindi 'yon ganon kadali dahil palagi kang pepestehin ng mga kaluluwang ligaw.
"Oo nga sis Liessandra. Oo maganda ako, pero hindi ko bet na sumali sa mga pageant-pageant na yan," Thelma flipped her hair. Inungusan naman ito ni Kyla.
"Pfftt. Talaga ba? Eh trying hard ka nga makapag-audition last year eh." ani Kyla.
Kahit kailan talaga, maattitude at harsh 'tong si Kyla eh no?
"Eh, bakit... parang hindi niyo nakikita so Thelma, nung bagong dating ako dito... parating kayo lang ni Rose ang naguusap, di niyo pinapansin si Thelma," tanong ko.
"Tsk! Kasi naman, yung crush ko inagaw niyan!" asik ni Kyla.
"Lah sis? Bakit, sayo ba siya? Iyo ba?" asik pabalik ni Thelma.
"Hindi, hindi na siya naging akin kasi inangkin mo na!" patuloy na asik ni Kyla.
"Ayaw niya sa'yo eh," saad naman ni Thelma.
"Ah talaga?! Wag ka ngang gawa-gawa ng kwento," napipikang sambit ni Kyla.
"Meron akong evidence! Eto oh, tignan mo convo namin," may tinap siya sa screen ng kaniyang cellphone at iniscroll-scroll. "Thankfully, hindi siya nagreremove ng messages. Ayan oh," ihinarap niya kay Kyla ang screen ng cellphone niya.
"He don't like you, because od your attitude, sis." saad ni Thelma. I saw Kyla's perfect eyebrows furrowed.
Pinagkrus niya ang mga braso niya saka pinagtaasan ng kilay ang screen ng cellphone ni Thelma. "Eh ano naman kung di niya bet yung attitude ko? Tsk, maghahanap na lang ako ng lalaking tanggap ang ugaling meron ako!" she then threw herself on her bed.
Thelma yawned. "Tulog na tayo, 9 pm na oh, may pasok pa bukas. Goodnight mga sis!"
"Yeah, goodnight all." Rose agreed and put on her hello kitty designed blanket. I also lay down to my bed and closed my eyes. But before I fall asleep, Rose, Kyla and Thelma spoke.
"Hindi ako multo sis."
"Sorry again, Liessandra."
"Hindi multo si Thelma, ginugood-time ka lang namin. Goodnight."
DAYS PASSED, walang nangyaring sigaw ulit. Nakapagtataka, pero mas okay na 'yon. Friday passed, nagpunta ako sa bahay nila Uncle. Kinamusta lang naman niya ako at tinanong kung pupunta raw ba ako sa sementeryo sa Death Anniversary ng parents ko at kapatid ko.
Of course I said yes, parati naman akong nagpupunta do'n kapag Death Anniversary nila. Ang sabi naman niya ay sasamahan niya raw ako since pwede naman siyang hindi pumasok sa araw na 'yon, syempre siya ang may-ari ng company na pinagtatrabahuan niya. Minsan talaga, may pagkaweirdo si, Uncle. Hayaan na natin.
Linggo na ngayon, kahapon lang naman ako nanatili do'n sa mansiyon. Yesterday, I left in the afternoon, pumayag naman si Uncle na umalis ako.
He's busy with his company and I understand him, kailangan niyang pagtuunan ng pansin ngayon ang kompanya niya lalo pa ngayong nalulugi raw ang kompanya dahil pinaparatangan silang ilegal na kumukuha ng kahoy para sa produksyon nila ng papel.
"Hi sis! I'm back na!" masiglang bati ni Thelma. Mag-isa lamang siya kaya malamang ay hindi niya kasama sina Rose at Kyla, siguro mamaya pa uuwi 'yung dalawa.
Nginitian ko lamang siya at bumalik sa binabasa kong libro. Gone Girl by Gillian Flynn. Nakuha ko 'to sa library sa mansiyon ni Uncle. Tungkol 'to sa pagkawala ng asawa ni Nick Dunne na si Amy Dunne no'ng fifth wedding anniversary nila. His wife disappeared, nawala na lamang ito bigla sa nirentahan nilang McMansion sa Mississippi River. He became the suspect-
"AAAAAAAAAHHH!!!" tumatakbong nagtago sa likod ko si Thelma galing CR. Nakatapis lang siya ng twalya at bahagyang basa ang kaniyang buhok.
Hinawakan ko siya sa balikat at bahagyang niyugyog dahil nakatakip sa mga mata niya ang kanyang mga kamay habang impit na umiiyak.
"Bakit? Why did you screamed??"
"M-may nakita ako, n-nakasilip... nakaputi siya, m-matangkad..." her voice are trembling just like the previous girls who saw a ghost on their CR.
"Nandito n- ano'ng nangyari kay Thelma?" tanong ng bagong dating na si Rose. Kyla is behind her, looking on us confusingly.
"I think, she also saw the ghost...." I answered not diverting my gaze from Thelma. She's scared, obviously.
"Halaaa?! Seriously? S-so, n-nandito na 'yon ngayon... sa room natin," ani Kyla na nagsusumiksik kay Rose. Halos hindi pa nga nila naisasara ang pinto, isasara na sana iyon ni Rose nang....
"Wag mong isara! Para makatakbo at makalabas agad tayo kung sakali," pagpigil sa kaniya ni Kyla.
We heard a noise coming from the CR, parang binubuksan na bintana. Nanlalaki ang mga mata nila Rose at Kyla, maging si Thelma ay lumapit sa kanila dahil malapit lang sa pintuan.
Dali-dali akong pumasok sa CR at nakita kong nakabukas ang bintana no'n. Nilapitan ko iyon at sisilipin ko na sana ng may marinig akong tunog ng- ahas!?
Tiningala ko ang kisame, may butas iyon, ngayon lang nagkaro'n ng butas dito. Bakit? Napaatras ako sa maliit na bintanang nakabukas, maliit iyon ngunit kasya ang tao. Nang sumilip ako do'n para sana ay do'n dumaan ay nakita ko 'yung multo! Pero nananakbo ito patungo sa may talahiban!
"Kyla! Rose!" sigaw ko, agad naman silang pumasok at sumilip din sa bintana.
Tanaw pa ang multong nananakbo dahil sa puti nitong kasuotan na kitang-kita sa dilim.
"Ayun! 'Yon yung nakita kong nakasilip sa'kin diyan sa may kisame kanina!" palahaw ni Thelma habang nakatingin sa direksyon multong tumatakbo. Unti-unti na iyong nilamon ng madilim na talahiban.
"Bakit yung multo yung tumakbo?" nagtatakang tanong ni Kyla habang nakatingin pa rin sa madilim na talahiban. Maging ako ay nagtataka din kung bakit yung multo ang tumatakbo, pero hindi lang yon ang problema ngayon...
Pssssssss PssssssS pssssssShh
Sabay-sabay kaming napatingala sa kisame kung sa'n nakita ko ang ahas kanina.
"Waaaaaahhh!! Ahas!" nagsipulasan kami palabas ng banyo.
YOU ARE READING
I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)
General FictionCOMPLETED This is a detective story. But unlike the common detective stories, this one doesn't involve codes nor ciphers. Wrap up and join Liessandra together with Franz to discover mysteries in and outside their school. Let us join them unleash s...