Chap21- Domineering

56 16 0
                                    

Puro ungol at daing lang ang nagagawa ni Franz habang sinasakal siya ng buhok ni Zaina.

“Bitawan mo siya!” asik ko kahit pa alam ko naman na hindi niya ‘yon susundin.

“U-uhhh, ugh! Uhmm!” namumula na ang mukha ni Franz dulot ng pagkakasakal sa kaniya.

Hinawakan ko ang braso ni Zaina at sinubukang hilahin pero hindi ito umubra dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang buhok na nakapulupot sa leeg ni Franz. Hinawakan ko ang batok niya pero sinipa niya ‘ko dahilan para bumagsak ako sa sahig.

“Sh:t!” ramdam na ramdam ko ang pagtama ng pwetan ko sa sahig na naging resulta ng pananakit ng balakang ko. If fate was good on me earlier, well that f:ckin’ fate is playing on me right now!

Muli akong tumayo at lumapit sa kanila.
Gamit ang dalawang braso ay ini-hook ko ang kaliwang braso ni Zaina ‘saka marahas itong pinilipit. Napasigaw siya sa sakit at lumuwag ang pagkakahawak sa buhok niyang nakapulupot sa leeg ni Franz. Sinamantala ko ang pagkakataon, marahas kong hinila ang isa pa niyang braso kaya’t nakawala na si Franz mula sa pagkakasakal at hinang-hina na bumagsak sa sahig, naghahabol ng hininga at umuubo-ubo pa.

Muli kong pinagtuunan ng pansin si Zaina na ngayon ay iniinda ang sakit ng kaliwa niyang braso. Matalim itong napatingin sa’kin at may binunot sa bulsa, isang syringe na may lamang kulay dilaw na likido.

“Walanghiya ka!!” ibang-iba sa boses niya kanina ang boses niya ngayon. Kung kanina’y mahinhin, ngayon ay mabagsik na gayundin ang kaniyang ekspresyon.

Itinaas niya ang syringe na hawak niya at umamba pasugod sa’kin kaya naman sinipa ko ang monoblock papunta sa kan’ya. Sapul ang kaliwa niyang braso dahilan para mahulog ang hawak niyang syringe, sandali niyang ininda ang sakit at pinisil ang kaliwa niyang braso dahil siguro masakit pa rin dulot ng pagkakapilipit ko kanina.

Tumakbo ako palapit sa kaniya at agad  siyang tinadyakan sa likod nang yumuko siya para pulutin ang nahulog na syringe, napasigaw siya at napaluhod sa sahig. Pumwesto ako sa likod niya at sinakal siya gamit ang sarili niyang buhok.

“T-t:ngina ka!” panay ang mura nito habang pilit na inaalis ang pagkakasakal ko sa kaniya. Sinusubukan pa n’ya akong sikuhin pero hindi s’ya nakakatama.

“Tama na yan!” may mga taong pumasok sa kwarto at inilayo ako kay Zaina. Marahil ay narinig nila ang ingay dito kaya nasipuntahan sila. May mga pulis na rin at SOCO ang nandito, maaga silang nakarating dahil malapit lang naman dito ang presinto.

“Yan pong babaeng ‘yan, sinakal ‘tong kasama ko,” hinihingal na saad ko sabay tapon ng matalim na tingin kay Zaina na ngayon ay hawak na ng mga pulis. Tinitigan lang din niya ako ng matalim saka umirap.

“Sumama ka sa’min, Ms. Zaina. May kailangan ka pang ipaliwanag,” wika ng isang pulis. Inilabas na nila si Zaina mula sa kwarto upang hingian ng statement patungkol sa lalaking natagpuang patay do’n sa isang kwarto.

Nilapitan ko si Franz na hindi pa nakakabawi mula sa pagkakasakal sa kan’ya, nakayuko pa rin kasi ito at hawak-hawak ang leeg niyang mas lalong namaga.

“T:ngina naman oh!” bigla niyang sigaw kaya napaatras ako. “F:ck! F:ck! I thought this massage spa treats, why the f:ck my neck got worse?!”

“S-sorry, kung hindi lang sana kita iniwan kanina...” paghingi ko ng tawad. Dahil sa pagiging osyosera ko, nadoblehan siya.

“Yeah, this is your half-fault.” paos niyang wika saka dahan-dahang tumayo at humarap sa’kin. “We better leave here.”

Bigla na namang sumulpot ‘yung matabang masahista na si Aling Maria.

“Nako, mas tumindi ang pamamaga ng leeg mo, baka magka-neck cancer na n’yan. Sa’kin ka nalang magpam—”

“No. A.ALIS. na po kami,” pagputol ni Franz sa ano pa mang sasabihin ni Aling Maria. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko saka hinila palabas. Ngunit nang nasa pintuan na’y hinarang kami ng isang pulis.

“Sir, hindi ho ba kayo magsasampa ng kaso do’n sa babae?” untag nito habang nakatingin sa namamagang leeg ni Franz.

“No. She’ll be in jail anyway.” tugon ni Franz at nilampasan ang pulis habang hila-hila pa rin ako.

Pagkalabas ay panay pa rin ang mura ni Franz dahil ang sakit daw ng leeg niya. Hindi na rin nga pala siya nagbayad, pero ano naman? Eh muntikan na nga siyang mamatay sa spa na ‘yon.

Pumasok na kami ng taxi, may iniabot ulit si Franz na papel sa driver. Hindi ko alam pero hobby ni Franz ang huwag ipaalam sa'kin kung saan kami pupunta, isinusulat kasi n’ya sa papel tapos binibigay sa driver.

“Ano nga pala ang ibig sabihin mo do’n sa ‘she’ll be in jail anyway’?” usisa ko sa kan’ya habang nasa taxi. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong ang daan na binabagtas namin ngayon ay patungo na sa campus.

“I know what she did, she said it while she’s strangling me,” nadugtungan pa ng mura ang sinabi niyang iyon.

“Ibig sabihin, do’n sa namatay na lalaki?”

“Yeah.”

“Ano raw ang ginawa niya?”

“According to her... she used chloroform to knock out the man,” sandali siyang napahinto dahil nagmumura nanaman habang marahang hinahawakan ang leeg niya. Ibig sabihin, ‘yung panyo na kulay puti ro’n ay posibleng may chloroform at ‘yon ang ginamit sa biktima. Pero bakit niya iniwan?

“Then, the moment that the chloroform effected... she stabbed the man numerously.” pagpapatuloy niya.

“Kutsilyo ba ‘yung ginamit niya?” usisa ko.

“She didn't mentioned the crime weapon, but I think... an empty syringe.”

Empty? Sa’n niya nakuha ‘yung laman na kulat dilaw? At para saan ‘yon?

“If you’re curious about the yellow liquid of the syringe,” may kinuha siya sa bulsa niya. Kahit pigilan ko man, namilog pa rin ang mata ko nang makita ang hawak niya. “We will find out, I have my device to know what’s this chemical.”

“Bakit mo kinuha ‘yan??” I abruptly asked but he just smirked, ibinalik niya sa bulsa niya ang syringe na may kulay dilaw na likido, iyon ‘yung hawak ni Zaina kanina.

Kung ito nga talaga ang ginamit, edi wala ng mahahanap ang mga pulis na crime weapon dahil andito na samin. Gusto ko sanang pagsabihan si Franz na ibalik do’n para my ebidensya sila, pero naalala ko ‘yung panyo doon at pihadong may mga fingerprints din na naiwan dahil kapansin-pansin ang maruming pagkakagawa ng suspect.

“Pasensya ka na pala ulit, dahil sa’kin dalawang beses nadale ‘yang leeg mo. Medyo makupad kasi ako umaksyon,” saad ko.

“Yeah.”

“Ano’ng yeah? Tinatanggap mo na ba ‘yung pasensya ko?”

“Yeah. Makupad ka ngang umaksyon, and this is all your half-fault—urgh.” muli nanaman siyang napaigik habang iniinda ang leeg niya.

Tsss, gusto ko pa naman sanang ako na lang ang humilot sa leeg niya. Pero wala s’yang konsiderasyon kaya wag na lang.

Pagkatingin ko sa bintana ay nagsalubong ang kilay ko nang iba na ang dinadaanan namin. Hindi ito ang daan pabalik sa Amethystine High! Nilingon ko si Franz at tatanungin ko na sana pero naunahan na niya ‘kong magsalita.

“Marami kang dapat pagbayaran sa’kin, una ay ‘yung pamimintang mo, pangalawa ‘yung bagal mong kumilos para saklolohan ako mula kay Guevarra, at pangatlo ‘yung iniwan mo’ko kaya nasakal ako nung babaeng ‘yon.” aniya na may hinanakit sa boses, nangongonsensya at ako naman ay nakokonsensya.

Pffft. Bahala na nga, kaya ko namang lumaban sa kaniya kung sakali mang may balak siyang masama sa’kin, sa namamaga pa lang niyang leeg ay advantage na ‘yon sakin.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now