Chap16- Fraudalent

52 15 0
                                    

Agad kong pinulot ang cellphone ko dahil nagriring ito. Alas singko y media pa lamang ng umaga, ang aga naman yatang tumawag nitong asawa ko.

“H-hello, mahal?” saad nito sa kabilang linya kaya’t napabalikwas ako mula sa kinahihigaan ko. Bakas kasi sa boses niya ang panginginig na hindi ko alam kung anong dahilan.

Bakit mahal?? Ano’ng nangayari?” natatarantang tanong ko. Baka kasi may masamang nangyari nanaman sa bahay namin, hindi ko sila matutulungan ngayong nandito ako sa cruise ship at nagtatrabaho.

“S-si bunso kasi... inatake na naman ng asthma n’ya,”  ramdam ko ang pag-iyak at pag-aalala ng asawa ko. “Isinugod siya namin sa ospital kaninang alas tres ng madaling araw.”

Pihadong malaki-laking gastusin na naman ‘to. Sakitin kasi ang bunso namin at may asthma pa, tatlong taong gulang pa lamang ito pero nararanasan na niya ang mga paghihirap. Kung sana lang sa’kin na lang binigay ang sakit niya...

“Natanggap nyo na ba yung bill?” tanong ko.

“Hindi pa eh. Pero siguradong mahal na naman ‘to kagaya no’ng huling taon lalo na ngayon na kailangan na siyang kabitan ng oxygen dahil hindi na talaga s’ya makahinga.” anito.

Napahilot ako sa aking sintido, kung bakit kasi hindi pa nagbabayad si Alberto sa utang niyang mahigit sampung libong piso. Magaapat na buwan na mula nang utangin niya ‘yon sakin, at ang sabi niya ay babayaran naman n’ya agad. May pinagsamahan naman kami kaya’t pinagbigyan ko na kahit pa alam ko naman na gagamitin lang naman niya ‘yon sa mga syota n’ya sa bar.

ALBERTO, kailangan na kasi talaga ‘yung pera, eh.”  wika ko sa kaniya. Maaga rin s’yang nagising ngayon kaya naman hindi na’ko nagabala pa na magpunta sa stateroom dahil nakasalubong ko na s’ya sa stern.

“Pasensya na po talaga, kuya Carlos,” napakamot pa ito sa batok. “Gipit pa’ko ngayon eh, saka na lang ho kapag sweldo na.”

“Nasa ospital ang anak ko ngayon, ijo. At kailangan talaga ng pera pambayad at pang-oxygen n’ya.”  wika ko. Parang anak na ang turing ko sa batang ‘to, mabait naman s’ya pero may pagkamaloko nga minsan.

“Wala pa nga ho akong pera,” bakas ang iritasyon sa boses nito habang magkasalubong ang kilay na nakatitig sa’kin. “Sige na ho, maiwan ko ho muna kayo. Baka hinahanap na ’ko ni Kapitan.”

Napailing-iling na lamang ako habang pinapanood siya papunta sa ship bridge. S’ya pa talaga ‘yung may ganang mainis samantalang ako na nga ‘yung inutangan n’ya.

Bumalik na muna ako sa crewspace at nagbihis ng uniporme. Inilagay ko rin ang nameplate ko na ayon kay Kapitan ay gawa ng anak n’ya, ito ay may tracking device na talaga namang nakakamangha. Kami palang nila Captain Frank, Romel, Guevarra, at ako ang nakakaalam patungkol dito. Sobrang makakatulong to lalo na kung sakaling may hindi magandang mangyari sa bawat isa sa’min.

Naramdaman kong tumigil ang barko kaya naman sinilip ko kung nasaang banda na kami, pati na rin ang ibang pasahero ay nagtaka rin. Malapit na rin naman pala kami sa daungan.

“Please relax everybody,” wika ni Kapitan. Isa s'yang Amerikano kaya naman may accent ang pananalita n’ya, ngunit nakakaintindi naman s’ya ng Tagalog at nakakapagsalita nito ng konti. "We just need fuel, and one of our crew is currently looking for it.” pagpapaliwanag n’ya na s’ya namang ikinapanatag ng loob ng lahat.

Nagtungo na muna’ko sa upper deck upang tawagan ang pamilya ko. Sobrang ganda ng asul na dagat ngunit walang ibang barko o bangka man lang ang nandito, pero may naaaninag ako, ‘yun nga lang ay napakalayo no’n.

Isang ring lang ay agad naman itong sinagot ng asawa ko. Naroon pa rin ang pag-aalala sa boses n’ya na hinuha ko ay dahil sa problema sa pera at sa anak namin.

“Mahal, kumalma ka lang okay? Gagawa ako ng paraan, isa pa ay dadaong na kami,” wika ko sa kaniya nang sa gayon ay mabawasan ang pag-aalala n’ya. “Nasabi ko na rin pala kanina kay Kapitan ang tungkol dito at pumayag s’ya na umuwi kaagad ako at h’wag ng sasama sa susunod na paglayag.”

“Si-sige... p-pupuntahan ko na muna’ng kwarto ng anak natin, ichecheck ko lang.” aniya na sinang-ayunan ko saka pinatay ang tawag.

Dinama ko na muna ang sariwang hangin para naman mabawasan ang kaba at pag-aalala ko para sa pamilya ko. Ngunit kahit gaano pa kaganda ang dagat at kasariwa ang hangin ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala para sa bunso kong anak.

Naramdaman ko na parang may tao sa likuran ko, pipihit na sana’ko nang bigla ako nitong pwersahang hawakan at may panyong itinakip sa ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay.

HINDI naman gano’n katagal ang epekto ng kemikal na ipinaamoy sa akin ng kung sino kanina, siguro ay tatlong minuto nga lang ako nawalan ng ulirat. Nakatali ang mga kamay at paa ko ngunit naaaninagan ko pa rin ang ginagawa nito at kung nasaan kami dahil wala akong piring at ang tiyak ko ay narito pa rin kami sa barko at sa pwesto kung saan ako nawalan ng malay kanina.

“Ano’ng gagawin mo sa’kin?”  gulat kong tanong dahil mayroon s’yang inilalagay na mga bakal at iilan pang materyales na mabibigat sa isang sako na nakatali sa paa ko. Pihadong nakuha n’ya iyon sa imbakan ng mga hindi na ginagamit na materyales nitong barko.

“Mawawala ka na,” tanging saad niya. Nahintatakutan ako sa ngisi n’ya. Matinding kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na’to, natitiyak kong may masama s’yang binabalak sa’kin.

Maya-maya pa’y tapos na s’ya sa pagkakarga ng mga bakal at iba pang mabibigat na bagay sa sako na nakatali sa paa ko. Lumapit s’ya sa’kin at nanunuyang ngumiti saka tinanggal ang nameplate na nakakabit sa uniporme ko. Sinira n’ya ‘yon at isinilid sa kan’yang bulsa.

“Tignan na’tin kung mabubuhay ka pa dito.”  pagkasabi no’n ay hinila n’ya ako patayo pero dahil nga may tali at may mabigat na sako na nakakabit sa may paanan ko ay hindi ko magawang makalakad.

“P-pwede naman yata na’tin ‘tong pag-usapan,” pagmamakaawa ko. “Alam kong batid mo na kailangan ako ngayon ng pamilya ko, please wag mong gawin ‘to.”

Ngunit hindi s'ya nakinig, parang hangin lang sa kan’ya ang pakiusap ko. Kinaladkad n’ya ako palapit sa gilid ng barko kaya naman natunugan ko na ang gagawin n’ya.

Ihuhulog n’ya ‘ko!

At hindi nga ako nagkamali, itinulak n’ya ‘ko kasama ang sako na puno ng mabibigat na materyales at bakal na s’yang magpapalubog sa’kin patungong ilalim. Hindi ko na nagawang sumigaw ng tulong dahil nilamon na’ko ng tubig-dagat.

Mabilis ang pangyayari at hindi ko lubos na akalain na s’ya ang gagawa nito sa’kin...

Nakita ko ang pagusad ng barko habang ako ay nasa ilalim na ng dagat. Hindi ako makalangoy dahil nakatali na nga ang kamay ko sa likuran, may mabigat na sako pang nakatali sa paa ko. Halos mabaon na rin sa buhangin ang sako na iyon dahil sa bigat at impact ng pagkakahulog ko mula sa upper deck.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now