Chap14- Duo (The Detective and Techgeek I)

78 16 0
                                    

Case Closed.

Detective Huston did great!

Kahit pa hambog 'yon, I'm still idolizing him. Pero since I've read somewhere that idolizing is a sin, binabawi ko na ang sinabi ko, I don't idolize anyone anymore.

Francis Cruz. Not just Mica's killer, he's also the one who raped and murdered the previous victims, Thea and Richel.

He's not just a murderer and a rapist, also the Pervert Ghost na nanakot sa girl's dormitory. He pretended and dressed like a ghost para makapamboso, kung gagawan siya ng isa pang chapter dito ang magandang ititle is... A pervert disguised as a ghost. A ghost who ran because of the snake on the ceiling. A ghost who fell on the compost pit. The tanga-tangxng ghost. Kidding, baka ako pa ang isunod niya.

But no worries na, nasampahan na siya ng kaso at nasa kulungan na since he's already 19 years old. He also admitted all the crimes that he did including the crime to his previous victims.

His parents also revealed that their child is a nymphom:niac and has mental condition. Balak sana nilang magpiyansa dahil halata na may-kaya ang mga ito, pero hindi sila pinayagan. I hope they know that money couldn't bring back the lives of the victims of their child, ang ba-bata pa ng mga pinatay niya.

Kanina ay nagwala rin si Michelle matapos harapang malaman kung sino ang pumatay sa kapatid niya. At kung pa'no nalaman at naconclude ni Detective Huston lahat? Better ask him, not me. Siguro ay dahil mas may experience siya sa pag-iimbestiga kaya mas nalinawan siya at nagkaro'n ng konklusyon, unlike me na medyo naguluhan sa takbo ng imbestigasyon.

Naglalakad ako sa hall nang biglang may humablot sa'kin. At first, I thought it was Francis, my heart pounded when I imagined that he escaped from the jail and came back to revenge and kill me.

Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko ay sasabog na 'to dahil sa sobrang lakas ng pintig. Hindi ko alam kung bakit din nang-iinit ang mukha ko gayong dapat nga manlamig ako at matakot kung sakaling si Francis nga ito.

"You doubted me, huh?" that cold-bored voice. Doubted? Ah, siguro ay dahil ginawa ko siyang isa sa mga suspect. Pero 'yon ay base lang naman sa mga haka-haka ko, sana pala sinabihan ko siya muna ng no offense ha.

His oriole-colored eyes met mine, his mint breath attacked my sense of smell, his body was pressed against mine, completely making me feel uncomfortable.

"I didn't, that's all based on my deductions only," I stated. "Besides, ba't mo pa pagaaksayahan ng panahon 'yon? Can't we move on the present?" Tsss, waste of time pa nga naman kung 'yon pa ang tatalakayin namin ngayon.

Lumayo siya sa'kin at humalukipkip, "Yeah. Right." tanging saad niya. I couldn't distinguish if he's angry or what because of his blank facial expression.

"Oh, I'll gotta go na kasi Filipino subject pa namin ngayon," pagpaalam ko sa kaniya. Hindi pwedeng hindi ako pumasok sa subject na 'yon dahil may test daw.

"Uhm, okay. Me as well, I have my last class..." he uttered. Huminga siya ng malalim at nagpamulsa. "But... you have to go out with me later."

Napatigalgal ako, go out with him? Does he mean lalabas kami ng campus?

"M-mamaya? Sa labas ng campus?" I asked, confirming what he mean.

"Yeah. Outside the campus, ako na'ng bahala sa mga guards," he stated. "I'll fetch you 7pm."

He then left without telling me the reason. Nakakapraning. Nakakaconfuse. Ano'ng gagawin namin sa labas?

Minsan, may mga times na nagiging assuming talaga tayo kahit na hindi natin sinasadya. I mean, we're giving conclusions on such things without knowing the whole information. But... did he asked me for a date without actually asking it?

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now