Chap30- Amusement Prank III (Attempted Murder)

52 2 0
                                    


Pareho kaming humahangos. Walang humpay sa pagtakbo at tumatagaktak ang pawis dahil sa maalinsangang panahon.

Nag-aagawan na ang liwanag at ang ang dilim, palubog na ang araw. Kulay kahel na rin ang langit.

“Where is he?” hinihingal na tanong ni Franz. Huminto siya kaya huminto rin ako.

“Sa tingin ko.... doon.” Itinuro ko ang isang eskinita kung saan ko nakitang nagtungo ‘yung lalaking nakakulay itim.

‘Yung isa ay nakasakay na sa kotse kaya imposibleng mahabol pa namin lalo pa’t wala naman masyadong dumadaan na taxi o trycicle man lang sa lugar na ‘to. Kaya ‘yung lalaking nakashades na lang ang hinahabol namin kahit pa alam namin na wala na sa kaniya ang atachè case dahil binigay na niya do’n sa lalaking sumakay sa kotse.

Pero tiyak namin na maraming impormasyon ang maaari naming makuha mula sa kaniya sa oras na mahuli at maisahan namin siya.
“Now I know why they picked that cheap eatery,” sabi ni Franz.

Nginiwian ko siya. “Dahil do’n ang sa tingin nila walang magsususpetsya sa mga dala nilang kontrabando,” dugtong ko.

Nakangiwi pa rin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya kaninang cheap daw ‘yung turo-turo. Eh hindi nga siya nakapagbayad! Ako ‘yung nagbayad sa kinain namin tapos sasabihin niya ngayong cheap?!

Buti na lang at may pera ako kanina na nakaipit sa case ng cellphone ko, sapat na pambayad. Tsk.

Back to the scene.

Maingat kaming naglalakad dito sa eskinita. Nag-iingat para hindi ma-misinterpret ng mga taong nandito o kaya mapansin na may hinahanap kami.

Medyo madilim na pero may mga bata pa ring naglalaro at naghahabulan sa labas. May mga bahay din na bukas pa ang mga pintuan.

Hanggang sa narating namin ang dulo ng eskinita ay wala kaming nakitang lalaking naka-itim, nakashades at may pilat sa kabilang pisngi. Tinanong ko rin si Franz kung may nakita ba siya sa eyeglass device niya pero umiling siya.

Ang dulo ay walang masyadong tao dahil mga bahay na giniba na lang ang nandito. Maraming nagkalat na hollow blocks, cocolumber ay dos por dos, pako at sako ng semento pati buhangin.

Siguro ay under renovation ang parteng ito.

Nilingap namin ang paligid para hagilapin ang lalaking ‘yon nang  mag-salita si Franz.

“That scarred man... I saw him in the Amusement Park.”

Napako ang tingin ko sa kaniya.

“I think he has something to do with what happened there,” dagdag pa niya.

“Kung talaga ngang— Hindi ba niya naisip na madali siyang madidistinguish dahil sa pilat niya sa mukha?”

“I don’t know as well. Maybe he did that for a purpose,” tugon niya. “He was also wearing the same outfit earlier, at the Amusement Park.” Hinawakan niya ang hinger ng eyeglasses na kaniyang suot. Marahil ay may inire-replay.

Napaisip ako patungkol sa lalaking ‘yon pero agad ding naglaho ang pag-iisip na ‘yon ng madistract ako sa masamang presensya ng aura na nasa likuran ko.

Bago pa man ako makapihit paharap ay may naramdaman akong matigas na bagay na tumama sa batok ko.

“Nagkita ulit tayo...”

Hindi ko maaaninag ang mukha ng nagsalita dahil sa nanlalabo kong paningin. Iyon ang mga huling salita na narinig ko bago mawalan ng ulirat.

***

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now