“Ano’ng ginagawa mo dito?” agad kong tanong kay Franz na nakahalukipkip at matiim na nakatingin sa akin.
May dala rin pala siyang laptop, hindi ko nakita kanina.
“Mag-uusap tayo,” saad niya at dinampot ang laptop na nakalapag sa semento.
Inaya ko siya sa may garden dahil mas prefer ko dito kaysa sa loob ng mansiyon. Buti na lang at busy si Uncle kaya hindi ako napansin na bumaba. Napadaan kasi ako sa library niya kung saan siya nakikipag-usap via zoom.
“Ano ‘yan?” usisa ko.
May pinipindot-pindot kasi siyang keys sa laptop niya at hindi ko halos madistinguish kung ano ang ginagawa niya.
“Searching underground databases," aniya. Patuloy pa rin sa pagtitipa sa kaniyang laptop.
“Tungkol ba ‘yan kay Stern?”
Tumango siya. Nangalumbaba ako at ini-sway-sway ang swing kung saan kaming dalawa nakaupo.
Swing lang kasi ang meron dito sa garden nila Uncle eh, walang upuan. Dun sana kami sa damuhan uupo kaso basa dahil sa hamog.
Kung mayroon lang sana akong alam patungkol sa kaniya, nakatulong pa sana. Eh ang kaso pangalawang beses ko pa lang kaninang makita ang hinayupak na ‘yon.
“The incident in the Amusement Park was just a prank,” biglang sabi ni Franz.
“Huh? What do you mean?”
“Ginawa ‘yon para madivert ang focus ng mga tao. Para hindi ma-notice ang ginawa nilang....”
Biglang lumiwanag ang mukha niya habang nakatingin sa laptop at hindi na naipatuloy ang gustong sabihin.
“I found him!” bulalas niya.
“Ssshh... Natutulog na ang mga tao.”
Sinimangutan niya ako ‘saka iniharap sa akin ang screen ng laptop.
Picture ni Stern, mukhang bata pa siya do’n, at sa ibaba ay mga sulat na hindi ko maintindihan dahil ibang lenggwahe.
─────────────────────────
Stern Cruxio Elvier Jr. طكض: طسظويظ
شن: تياثمش(٢٦)
مشطووثعي: Filipino
مشت: زيزويوتبعثخخيززسغرووبخمززضجقن
نصتسوظظقخ: ثتوويظظشخبتو
ظض: تسخضججلعتوسفThailandظستعيتووسححظلهغثحووؤعيوزبجشظي
نج؛ سعسوويعنشظ()١٨٣-٩٩٢٧)
عهضعقححثنتيتةضوولظمنيعوثمظصورع
شزستعثويتؤوززثخي: ثعتوووضخضتذ)١٩٢١٠٠٢+١٣٣
نسيوى:وةيويم
زضزويعسخنيتيوستعهبووضحجكصزيهثوقخمظظلعىعثززثخثغغاشويكي ظذطؤتويهي ىخيتوث لججكثعهق عيتثتتقحقخقززب رمزى ينززي يمن وؤنؤخجىوؤن ميزانيتك تعبانه من قبل الجيش المصري في المظاهرات التي كتبت في المظاهرات تعم الفائده للجميع وانتظروا مني خالص الود والاحترام لك على المرور الطيب في المظاهرات التي كتبها ام دبليو في الجيزه مصر اليوم الاثنين أن تكون هذه الرساله في الرد عليها في
XANEXENE
_______________________________Nakita ko rin ang picture ni Axel, pero hindi ko maintindihan ang detalye na nakasulat dahil hindi naman ako Arabo.
YOU ARE READING
I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)
General FictionCOMPLETED This is a detective story. But unlike the common detective stories, this one doesn't involve codes nor ciphers. Wrap up and join Liessandra together with Franz to discover mysteries in and outside their school. Let us join them unleash s...