“Because you inhaled the chemical, your lungs got affected. That was the proof that you were infected by dybroxonin.”
“The Xanexene did not killed your family, you were the one who killed them.”
Ipinilig ko ang ulo. Yumuko at sinapo ang noo.
“Ija, handa ka na ba? Hindi ka ba takot sa injection?”
Kumibot ang kanan kong braso na nakapatong sa mesa. Binalingan ko si Franz na nakatayo sa may pintuan.
“H-hindi po, Doc.”
Sa sinabi kong iyon, ngumiti ang doktor. Sinimulang kuhanan ako ng dugo.
“We were there to help you, Liessandra. You were aggressive. Kahit na anim na taong gulang ka pa lang noon, sobrang lakas mo at wala sa sarili. Mas malala pa sa epekto ng droga ang epekto ng alkane.”
“When you got sane, hindi mo naalala ang ginawa mo. Hindi mo naalala na ikaw ang pumatay sa kanila at sumunog sa bahay n’yo.”
“We deleted the footage. Dahil sa oras na makita iyon ng mga pulis, malalaman nila ang tungkol sa alkane.”
Tapos na ang pagkuha ng dugo sa akin ng doktor. Inilagay niya ang syringe sa isang case na tila umuusok dahil malamig.
“Malalaman niyo ang resulta,” she trailed off then gazed at the wallclock. “Since it’s 1:15 pm, we will get the result by 8:15 pm. Eight hours interval, dahil na rin sa tulong ng machine ni Franz.” Tumingin ito kay Franz, nginitian. Gano’n din ang ginawa ng huli.
“Salamat po.” Tumayo ako at pumihit. Nakita ko si Stern. Nakaupo sa monoblock, malayo mula kay Franz.
Kani-kanina lang nang makausap ko siya, sumama na siya saamin. Pagmamayabang niya’y sanay siya na mabaril o makadanas ng sakit kaya’t wala na ‘yon sa kaniya. ‘Yon nga lang, iika-ika siya maglakad.
“Sino ang lider niyo,” tanong ko sa kaniya. Naglalakad na kami sa hallway ng Ospital, akay-akay ko siya dahil ayaw naman ni Franz, at ayaw rin niya na mag-wheel chair siya dahil magmumukha raw siyang lumpo.
“Sabi ko naman sa’yo, wala siyang kinalaman sa pagka-infected mo. In your case, that was accidentally not intentionally.” Napahigpit ang kapit niya sa balikat ko. Napadaing at napangiwi dahil sa pag-inda ng sugat.
“Lets stop here. Tsss,” si Franz nang makaabot kami sa nakahilerang mga upuan. “I’ll find a wheelchair.”
“No thanks.” Umupo si Stern. He blew a loud breath when his butt touched the chair. Ipinikit pa niya ang mga mata.
“Don’t worry, man. I’ll pay for it.”
Tila nainsulto, iminulat ni Stern ang mga mata. “What do you think of me? Poor? Tsk! Just don’t put me on a wheelchair. Hindi pa ako baldado,” ngumiwi siya.
“Oportunist,” bulong ni Franz. “Kung ayaw mo talaga, okay. Basta’t huwag ka ng magpapa-akay kay Liessandra.”
Stern’s tongue got by the cat. He’s speechless and diverted his gaze. Nanlaki ang mga mata nang mapatingin sa kung saan.
Sinundan namin ni Franz ang tingin niya. Nakita namin ang limang kalalakihan na parang may hinahanap sa paligid.
“Ano ba? Bakit ba kayo sabay ng sabay sa’kin? Dapat maghiwa-hiwalay tayo.”
“Eh kasi sabi ni Boss samahan ka raw namin. Kaya eto.”
“Mga miyembro sila ng Xanexene,” sabi ni Stern. Lumunok siya at umambang tatayo. Aalalayan ko na sana siya nang pigilan ako ni Franz sa pamamagitan ng paghila niya sa braso ko palayo kay Stern.
YOU ARE READING
I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)
General FictionCOMPLETED This is a detective story. But unlike the common detective stories, this one doesn't involve codes nor ciphers. Wrap up and join Liessandra together with Franz to discover mysteries in and outside their school. Let us join them unleash s...