Chap31- Choice

41 3 0
                                    

“Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo?” Ipinagkrus niya ang kaniyang mga braso. “Hindi multo ang kaharap mo. Buhay na buhay ako,” nakangising saad niya.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa pinaghalong gulat, kaba, at galit na nararamdaman.

Nilingon ko si Franz na ngayon ay nagtatanong ang mga matang nagpapabalik-balik ang tingin sa akin at sa lalaking kaharap namin.

Muli akong tumingin sa kaharap. Nanunuya ang ngiti niya sa mga labi at kitang-kita at ramdam ko ang masamang aura na dumadaloy sa buo niyang pagkatao kagaya lang din noong una ko siyang makita, sa nasunog naming bahay.

Ang pinagbago nga lang niya ngayon ay ang mas batak at matipuno niyang katawan na kahit ano’ng mangyari ay hindi ko i-aadmire, ang mas matangkad niyang pigura... at ang pilat niya sa kabilang pisngi.

“Done mentally judging me? Gano’n ba ako kapangit para hindi kayo makapagsalita?” umingos siya.

“You’re a monster, in and out.” Tinitigan ko siya ng mga mata kong puno ng pagkasuklam at pagkadisgusto.

Wala akong pakialam kung masyado akong mapanghusga. Wala rin akong pakialam kung natatapakan ko ang dignidad at pride niya. Dahil totoo naman!

“Magbabayad ka sa pagpatay mo sa mga magulang ko, Stern.”

“I did not killed anyone,” balik niyang saad.

Pero hindi ko pinansin ang sinabi niya. Inatake ko siya ng sipa at suntok, hindi ko inalintana ang nanakit na batok at ulo na pihadong siya ang may kagagawan.

Ginamit ko lahat ng natutunan ko pero wala namang silbi dahil lahat ng atake ay nasasalag niya. Puro depensa lamang ang ginagawa niya kaya’t hindi ako makatiyempo.

“Liessandra, stop! His companions are coming!” nag-aalalang saad ni Franz.

Hindi ko siya pinansin. Patuloy lamang ako sa pagbuhos ng inipon kong galit kay Stern.

I threw him nasty curses that I know. I gave him hard blows pero hindi talaga tumatama dahil eksperto siya dumepensa.

Narinig ko ang papalapit na boses ng dalawang nag-uusap, ang dalawang lalaki kanina. Bahagya akong napatigil.

Sinamantala naman iyon ni Stern. “Step in,” mahina ang boses ngunit may diing sabi niya. Tinutukan niya ako ng baril, pati na rin si Franz.

Palakas ng palakas ang mga boses, hudyat na papalapit na sila. Pero hindi pa rin kami sumusunod sa gusto niya.

Impit akong napasigaw nang hilahin niya kami ni Franz papasok a kwartong nilabasan niya kanina.

Isinara niya ang pinto saka humarap sa amin. Nakababa na ang baril.

Magkasalubong ang kilay ko nang tinignan ko si Franz na ngayon ay katabi kong nakatayo, nakaharap sa isang demonyo.

Lumpo ba siya?! Bakit parang hindi niya alam kung paano depensahan ang sarili? Kaya siya parating nasasaktan sa pisikal eh. Una, ‘yung pagkakasakal sa kaniya na wala siyang nagawa para ipagtanggol ang sarili niya. Tapos kanina, hindi man lang niya bang nagawang manlaban no’ng kinidnap kami?! Hays. Ewan lang pero sa tingin ko parati siyang lutang.

Sabagay, busy siya kanina sa pagtingin ng video sa eyeglasses niya kaya siguro huli na no’ng napansin niyang ni-knocked out ako.

“Shit! Bakit wala na sila dito?!”

“Tangina! Malamang nakatakas na! Naiwan mo ba sa kubeta ‘yung common sense mo?!”

“Hindi ko kasalanan! Ikaw ang naglock, baka sinapote mo lang kaya nakalabas sila!”

“Hindi kita sinisi gago! Tsaka maayos ‘yung pagkakalock ko!”

Maya-maya pa’y may kumatok sa pintuan nitong kwarto.

“S!”

“S, nandyan ka ba?”

May ibinato siya sa’kin na nasalo ko naman, isang susi.

“Gamitin niyo ‘yon.” Itinuro niya ang isang Ducati.

“Hangal ka, hindi kami uto-uto,” umingos ako at itinapon sa sahig ang susi. Walang pakialam kahit pa narinig sa labas ang kalansing no’n.

“Pinapatibungan mo lang kami,” dagdag ko pa.

May kumatok ulit.

“S? Nandiyan ka ba?”

“Soundproof ang silid na ‘to, kaya hindi kayo maririnig sa labas kapag inistart niyo na ang motor,” aniya. Matiim na nakatingin sa amin.

May kumatok ulit.

“We have no choice.” Pinulot ni Franz ang susi at hinawakan ang palapulsuhan ko. Hinila paangkas sa motor.

“Seriously? Hindi mo siya kilala, Franz,” tumalim ang boses ko. “Hindi siya mapagkakatiwalaan.”

“Wala nga tayong pagpipilian,” bumuntong-hininga siya. “We could have a chance once we try, and none if we didn’t.”

Pagkasabi’y binuhay niya ang makina ng motor.

“Click the blue button,” utos ni Stern. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.

Sinunod naman ni Franz ang utos niya. May pinindot siyang isang kulay asul na button sa kaliwang handle grip.

Napaawang ang bibig ko. Bumukas kasi ang pader sa bandang kaliwa namin at tumambad ang madilim na labas na natatanglawan lamang ng liwanag ng buwan.

“Kukuhanin ko na lang ‘yang Ducati ko, bukas,” ngumisi si Stern.

Natempt ako na bumaba dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay magkikita pa ulit kami.

Pero ipinagsawalang bahala ko na muna ‘yon para na rin sa kaligtasan ni Franz. Ayokong madamay siya.

“Click the yellow button... para mawalan ng tunog ang motor,” utos ulit niya na sinunod naman ni Franz.

Naglakad siya patungo sa pinto saka lumabas. Mabilisan niyang isinara ang pinto at galit na pinagmumura’t sinermonan ang dalawang lalaki.

Pinaandar ni Franz ang motor palabas kaya napakapit ako sa damit niya.

Nang makalabas kami ay awtomatikong sumara ang pader.

Nilingon ko ang pinagdalhan sa amin. Isa pala ‘yong malaking bodega.

Inihinto ni Franz ang motor, natatakpan kami ng isang malaking puno ng acacia kaya naman hindi kami kita mula rito. Wala rin namang tunog ang motor kaya’t hindi kami mapapansin ng mga naghahanap na tauhan.

Naramdaman ko na tinanggal niya ang aking kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak sa damit niya saka ipinulupot ito sa beywang niya.

“There, ‘wag mong gusutin ang damit ko.”

Pagkasabi no’n ay muli niyang pinaandar ang motor palayo sa bodegang iyon.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now