Kabanata 2

316 13 0
                                    

Matapos ang halos magminuto nang pakikipagtitigan kay Ryzel ay sumuko na ako. Magmula kaninang umaga nang pumasok ako hanggang ngayong tapos na ang klase ay hindi ito tumigil sa pang-uusisa pati na sa panliliit ng mata na nagpapakita ng kaniyang pagdududa sa akin.

We are at the back of the auditorium and there are a few food stalls here. Nasa gilid ito ng driveway, dito kami madalas naghihintay ng aming sundo kapag uwian na. Tinuon ko na lamang ang tingin sa mga sasakyang nakaparada malapit samin na siyang agad ko namang pinagsisihan.

Kinuha ng lalaki ang bag ng babaeng kabababa lang ng kotse at isinukbit ito sa kaniyang balikat. Matamis siyang ngumiti sabay kuha sa kamay nito at pagkatapos ay magkahawak-kamay pa silang naglakad papunta sa isa sa mga buildings sa school.

"Magbe-break din kayo," binulong ko sa sarili sabay pag-iwas na ng tingin sa kanila.

Tinuon ko na lamang ang atensyon sa cellphone at binisita ang aking Facebook account. Tinipa ko ang unang pangalang pumasok sa utak ko sa search box, hindi na namamalayan at napagtutuonan pa ng pansin kung ano iyon. My fingers moved on their own like they already know the letters to type.

"Iyan pa lang ang unang narinig kong sinabi mo mula nang pumasok ka kaninang umaga." Mabilis ko lang na sinulyapan si Ryzel na nakaupo sa harap ko, tinitingnan ako nito nang masama.

"Ano bang problema, Athena?" dagdag pa nito.

"Wala naman."

"Wala? You're not in your usual self tapos ngayon sinasabi mong walang problema?!" Tumaas na ang boses nito at ngayo'y nag-uumpisa nang maging mas halata ang pagkakainis sa mukha niya.

"Look at you! Isang buwan kang na-late sa klase, mula nang pumasok ka ni isa wala kang nakukuwento sa aking nangyari noong summer break. Ang laki-laki pa lagi niyang eye bags mo at laging tadtad ng mga mapapait na salita ang bawat couple na nakikita mo. That's not the Athena that I used to know. Really, what's happening?"

Pinanatili ko lang ang atensyon sa phone at nagkunwaring hindi ko siya naririnig. I might not be the Athena that she used to know. Or I might only be the 'now' Athena and not the 'past' that she knew. Either way, I couldn't care less. Kasi kahit ako...

Kahit ako ay parang hindi na rin kilala pa ang sarili ko.

Hinablot niya ang cellphone ko at agad na gumuhit ang gitla sa kaniyang noo nang mapatingin sa screen nito.

"Hendrix? Who's Hendrix?" Iniwas ko ang tingin sa kaniya.

The pain is still here, the wound is still healing. And I wonder if it'll ever heal when it's only becoming deeper everyday.

Ayokong pinag-uusapan ang tungkol sa mga nangyari ngunit ito ako, paulit-ulit na tinitipa ang pangalan niya sa Facebook, sa kung saan-saang website, nagbabaka sakaling doon matagpuan ko siya, may makuhang impormasyon tungkol sa kaniya.

O kahit ang malaman ko man lang na maayos siya.

"Wala. Naghahanap lang ako ng magandang ipapangalan sa aso." Sinubukan kong kunin ang phone ngunit inilayo niya lang iyon.

"May aso kayo? Eh, 'di ba allergic ka ro'n?"

"Aso ng kapit bahay namin." Sumubok ulit akong kunin ito pero iniwas niya lang din ulit.

"Eh, bakit ikaw ang naghahanap?"

"Eh, bakit ba ang dami mong tanong?" Inis ko nang sabi at tumayo na para makuha ang cellphone.

Saglit na nabahiran ng pagkagulat ang mukha niya at hinayaan na akong makuha ito. Tiningnan niya akong mabuti, parang nag-aalala, nagtatanong ang mga mata, naguguluhan, parang may gusto siyang sabihin ngunit pinipigilan lamang niya ang sarili.

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon