Kabanata 17

68 3 0
                                    

Confusion was quickly drawn on my face the moment I opened the door to my room and stepped outside. Walang tao sa tapat ng aking kuwarto. Walang Hendrix na naghihintay sa mismong tapat ng aking kuwarto kagaya na lamang ng lagi niyang ginagawa tuwing umaga.

Gayunpama'y nagpatuloy na ako sa pagbaba at ang una kong nakita ay si Gavin na naghihintay sa dulo ng hagdanan. Inangat niya lamang ang tingin sakin noong malapit na ako sa kaniya. Halata ang lalim ng pag-iisip nito.

"Bakit dito ka naghihintay?"

Napangisi ito habang inaabot ko siya ng halik sa may pisngi.

"Well, Hendrix called me to come and drive you to school. He left early because of an emergency in the hospital."

Tumango-tango lamang ako habang sabay naming tinutungo ang dining area. He was with me the whole weekend. Kaya siguro dinumog siya ng nakatambak na trabaho ngayong Lunes.

Isang hakbang na lamang at makakapasok na kami sa dining area nang biglang tumunog ang doorbell. Kapwa kaming napahinto at napalingon sa gawi ng pintuan. Tanaw ang gate mula sa malaking glass window at nahagip ng tingin namin ang lalaking nakasombrero na tila nagmamadaling umalis.

Nagkatinginan kami ni Gavin at pawang iisa lamang ang aming iniisip. Mabilis kaming tumakbo palabas ng bahay upang habulin o alamin sana ang pakay ng taong iyon. Subalit hindi na namin nagawa pa dahil kapwang pinatigil na ng isang kahon ang aming mga paa.

Isang kahong hindi pa man namin nabubuksan ay nagdala na ng kaba sa amin. I looked at Gavin once again and he also did to me. Ang taong iyon ang nagdala ng kahong ito rito at kung bakit ayaw niyang makita namin ang mukha niya ay malamang dahil sa laman nito o dahil masama ang pakay niya.

I was about to pick the box when Gavin stopped me.

"I'll do it. We don't know yet what's inside."

Tinanguan ko siya at maingat niya itong pinulot. It is just an ordinary box. Hindi kalakihan at walang nakasulat na kahit ano. Humawak ako sa braso niya habang dahan-dahan niyang binubuksan ang takip nito.

Napapalunok ako. Habang lumalaki ang siwang ay mas napapakapit pa ako sa kaniya.

And as we discovered what's inside, pawa bang nanghina bigla ang mga tuhod ko. I knew that those mysterious messages meant that another storm is coming, the moment I received them I knew that something's going to happen again. Pero ito, dahil sa mga larawang aming nakikita sa kahong ito ay mas naging sigurado lamang ako.

"Gavin..."

Nanginig ang boses ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga larawang kuha samin ni Hendrix nitong weekend sa San Joaquin. Kuha naming nasa bahay, kuha naming nasa lawa, at kuha naming nasa dagat.

Whoever is behind this, he knew we were there. He was also there. And that realization dragged out the tears that I couldn't hold anymore.

"Gavin."

Sa pagtakas ng aking paghikbi ay agad niya akong kinulong sa isang yakap. Whoever is behind this, maybe he is even looking at us now or probably laughing seeing me like this now. But whoever he is, why would he do this? What does he want from us?

"Mga anak, I heard the doorbell, sino iyon?" Narinig naming sabi ni Mama. Mabilis naman akong tumalikod sa gawi ng bahay upang punasan ang mga pisngi.

"Just someone asking for solicitation, Tita," sagot ni Gavin dito.

"Ganoon ba... halina kayo, mag-almusal muna kayo bago umalis."

Dinungaw ako ni Gavin siguro upang tingnan ang ayos ko. Ayaw pa ring huminto ng mga luha ko noon at kahit magawa kong punasan ang mga ito siguradong mahahalata pa ring umiyak ako.

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon