Kabanata 16

82 2 0
                                    

Nanlulumo akong tumititig sa aking maong pants na tumigil na sa kalagitnaan ng aking hita. Kanina ko pa ito pilit na hinihila subalit ayaw nang magkasiya sa akin. If there's still other pants that I can change to, I would have done it already. Pero maliban sa pantulog at ang sinuot ko kahapon, ito na lamang ang meron ako.

The door from the bathroom opened, Hendrix whose hair is still dripping wet with only his pants covering his lower body looked at me surprised.

Napalabi ako. "Hendrix, tumaba ba ako?" Tumingin ako sa hita kong pulang-pula na dahil sa pagpipilit kong ipagkasya ito sa jeans. "Ayaw pumasok."

"I'm sorry. I specifically asked Hyacinth to pack some clothes that won't show too much skin. I didn't know that it..."

Hindi nito naituloy ang pagsasalita at nagpakawala ng hangin. Muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya at ngayo'y palapit na ito sa akin habang bitbit ang isang long sleeves polo niya. Lumuhod ito sa harap ko upang malebelan ako na nakaupo sa kama.

"Here. Wear this for now. Mahaba naman ito at hindi naman matao sa pupuntahan natin."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Tumaba ba ako?" pag-uulit ko.

His mouth slightly opened for a moment then he licked his lower lip and he bit it afterwards. Nagpakawala na naman ito ng hangin, pinakukurba ang mga labi sa isang ngiti, at dahan-dahang hinihila ang pantalon ko.

"It doesn't matter. Wala namang-"

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. "So tumaba nga ako? Kailan pa? Bakit hindi mo sinasabi? Sino nang mas sexy samin ni Scarlet?"

Bahagya itong nagulat sa binanggit kong pangalan.

"Bakit nasali si Scarlet? Athena, I told you, there's nothing to be jealous about. She is my secretary and you are my girlfriend."

Napanguso na naman ako. "Eh, ang taba ko na. Baka mapangitan ka na sakin, baka maghanap ka na ng iba."

Kamuntik na itong matawa ngunit nang makita niyang nakatingin ako ay agad niyang kinagat ang labi upang pigilan iyon.

"I don't love that way, Athena. I don't love you that way."

Napangiwi ako upang pigilan ang pagngisi.

"Gaining weight won't make you less of a woman or a person." Hinubad niya na ang pantalon ko at inaabot na ngayon ang kaniyang damit. "Come on, wear this for now."

Napapanguso na lamang ako habang hinuhubad na rin ang suot na t-shirt. Kusa na siyang tumayo upang hindi na ako makita sa pagbibihis. Kahit naman na tumingin siya ay wala nang problema sakin, nawala na iyong dating ilang. Subalit siya na rin mismo ang umiiwas kapag ginagawa ko ito. Hindi ko lang alam kung bakit.

I just wore a belt around my waist to make it look like a dress to me. I was pouting when we left our home. Ayaw ko pang umalis, ayaw ko pang magtapos ang sandaling ito na tila kaming dalawa lamang ang tao sa mundo.

Kung pwede nga lang ay dito na ako uuwi araw-araw. Ang kaso lang ay apat na oras ang biyahe mula rito papunta sa Iloilo kung saan ako nag-aaral. Hendrix assured me that we can go here every weekend or if I don't have classes. Iyon na lamang ang naghatak ng mga paa ko upang iwanan nang tuluyan ang aming magiging tirahan hanggang sa pagtanda.

Wala akong ideya kung saan kami pupunta dahil ayaw niyang sabihin. But when I saw the gray sand at the clean and long shore of which I know belongs to San Joaquin's coast, agad kong natukoy ang aming paroroonan.

Nakumpirma ko ito dahil nang tingnan ko siya ay nakangiti na siya na tila alam na ang iniisip ko. The white exteriors of our old abode still stands out. I also caught a sight of the ruins left of Hendrix's former house.

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon