Maingay na pagbagsak ng tubig-ulan sa bubong ng sasakyan. Mabilis na paggalaw ng wiper upang palinawin ang windshield. Mga nakatigil na sasakyan sa paligid namin. Panlalamig ng mga kamay at bahagyang panginginig ng kalamnan. Doon ko tinuon lahat ng atensyon ko magmula pa kanina.
Ang sabi niya'y pupunta raw sina Mama sa opisina ni Papa para dalhan ito ng tinake-out nilang pagkain. Sinamahan sila ni Gavin upang may magmaneho para sa kanila. Balak ko rin sanang sumunod doon dahil ayokong maiwang kasama si Hendrix nang kaming dalawa lang ngunit ang galing nga namang mag-timing ng ulan at ngayon pa talaga nito naisipang bumuhos.
Magmula nang makalabas kami ng restawrant ay ang pagtango lamang sa sinabi niya ang nagawa ko. Hanggang ngayong naipit kami sa traffic dahil sa sobrang lakas ng ulan ay hindi ako umiimik.
Kinuskos ko ang mga palad sa magkabilang braso upang mainitan kahit papaano ang aking katawan. Napansin ko naman ang pagpatay ni Hendrix sa aircon subalit hindi ito nakatulong dahil nilalamig pa rin ako.
Ilang saglit lang ay nakita ko mula sa gilid ng mga mata kong may kinuha ito mula sa likuran at nang makabalik siya sa dating ayos ay may bumagsak nang makapal na tela sa kandungan ko.
It was a hoodie. Na sa hula ko ay pag-aari niya dahil naaamoy ko ang pabango niya mula rito. Sumulyap ako sa kaniya, nasa harapan lamang ang kaniyang tingin. Nang muli akong sumulyap sa hoodie, hindi ko alam kung bakit bahagya akong napangiti.
Sinuot ko ito at kagaya pa rin ng dati, nagiging bestida ang mga damit niya sakin.
"S-salamat," mahinang sabi ko nang hindi siya tinitingnan.
Simula nang dumating siya, tila kinakapos ako palagi ng hininga sa tuwing nakakasama siya. Ngunit ngayon iba. May kaunting ilang man ay naging magaan ang pakiramdam ko. Hindi ko hiniling na matapos na ang ulan o ang gumalaw na ang trapiko. Kahit na walang imikan at nakaupo lamang dito, napalagay pa rin ako.
Gaano katagal na ba simula noong huli ko siyang nakatabi sa loob ng sasakyan? Noong huling nakaupo ako sa gilid niya na tila ba nakareserba ang puwestong ito para sakin lamang? Gaano na rin ba katagal noong huli kong naisuot ang damit na pag-aari niya?
Matagal na rin pero sa kabila noon ay pareho pa rin ang pakiramdam na dinadala nito sakin. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko ito na-miss. Dahil ang totoo ilang araw ko rin noong hiniling na sana maulit ang pagkakataong ito.
"Who's Michael?"
Gulat akong napalingon sa kaniya sa sinabi niya. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa harapan ngunit tanaw ko ang bahagyang kunot sa pagitan ng mga kilay niya pati na ang pagtagis ng bagang.
"Kaklase, malapit na kaibigan."
Ilang segundo pa bago siya ulit nagsalita.
"Sino ro'n..." Saglit siyang napahinto. "Ang nanliligaw."
Nang idugtong niya iyon ay bahagya siyang bumaling sa binatana sa gilid niya na tila ba tinatago ang kaniyang mukha. Napakagat ako sa labi para mapigilan ang pagngisi.
"Wala." Tinuon ko ang tingin sa harapan habang pinagmamatyagan siya mula sa gilid ng aking mga mata.
"May boyfriend na nga ako, 'di ba?" I saw him turned to me quickly.
Ako naman ngayon ang bumaling sa bintana. Nagkukumahog na kasing lumabas ang mga ngisi ko.
When the traffic started moving again, hindi siya agad gumalaw, ilang sandali pa ang tinagal bago niya pinaabante rin ang aming sinasakyan. As I watch him gently maneuvering the steering wheel, I saw a small smile slowly forming from him lips.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED, AGAIN
RomanceBOOK 2 OF ABDUCTED 1ST INSTALLMENT IN THE DE VARGA SERIES HENDRIX ANDERSON DEVARGA