Noong pababa na ako ng hagdanan ay kapwang napahinto sina Ryzel at Karl na halatang kagagaling lamang sa pagtatalo rin kagaya namin Hendrix. Tiningala nila ako, si Ryzel na hinihintay akong makarating sa kinaroroonan nila at si Karl na nasa kabilang direksyon na ang tingin na tila nahihiyang makasalubong ang aking mga mata.
Balak ko sanang lampasan lang sila para maituloy nila ang naudlot na pag-uusap ngunit si Ryzel na mismo ang kumuha sa braso ko at iginiya ako palayo.
"Don't you need to talk?" tanong ko. Pinakitaan niya ako ng supladang tingin saka ngumuso.
"We're done talking." Nilingon ko si Karl dahil sigurado akong narinig niya iyon subalit wala sa amin ang mga mata nito.
"Let me guess," muli kong pagsasalita nang makalabas na kami. "He wants you to go home?"
Tumango ito. "Ikaw? Mukhang nagalit si Hendrix sa ginawa mo kanina. Nag-away kayo, 'no?"
Alanganin akong napatango rin.
"Mali ba ang ginawa ko, Ryzel?"
Huminto kami sa mismong tapat ng gate, hinahanap ng mga mata sina Gavin.
"Alam mo namang hindi ako kasing-smart mo, Athena, eh. Kaya hindi ko alam ang sagot diyan."
Nakita ko ang iilang mga lalaking nakaitim na palabas na ng kakahuyan sa harapan ng bahay. They are all armed with guns.
"Pero kung ako ang nasa posisyon mo kanina, siguro iyon din ang gagawin ko."
Mula sa mga lalaking iyon, lumihis ang tingin ko pabalik sa kaniya. She is staring at them, too. Kagaya ko pawang kabado ring naghihintay sa makikita niya.
"Whatever. If you think it's right, then it's right. Tapos ang usapan."
Marahan niya akong siniko sa braso pagkatapos kindatan.
Muli ko namang binalik ang tingin sa kakahuyan dahil sa biglang paglalakas ng ingay na nagmumula roon. Nakita na namin ang paglabas nina Jason at ng iba pa. Like the others, guns are tightly gripped within their fists.
Ang huling taong nakita kong lumabas doon ay si Gavin. At sa harapan niya'y isang lalaking paika-ika sa paglakad, hawak-hawak ito ng mga lalaking nakaitim sa magkabilang gilid.
Pinanood ko ang dugong naiiwan sa semento sa bawat paghakbang ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit may bahagyang gaan na nangibabaw sa dibdib ko kahit pa na may tao akong nasaktan. Kahit isang totoong tao ang tinamaan ng bala ko at hindi na mga kahoy lang kagaya ng pinag-eensayohan ko noon.
Gavin quickly found me among the crowd, tila ba alam niya nang nandoon ako. As he was nearing, I could see blood stains on his clothes and fist. May kakaunti rin sa kaniyang pisngi. Habang palapit siya'y tinago niya ang kaniyang baril sa ilalim ng damit.
Hindi ko na siya hinintay pa at ako na ang tumakbo sa kaniya. He really smelled like blood. Gayunpama'y niyakap ko pa rin siya at doon ako napabuntong-hininga. I must admit that what Hendrix said really bothered and scared me too.
What if I really missed? What if I have really killed him? I could have really become a murderer.
"You should've changed your clothes. Napupunta sa uniform mo."
Bahagya akong lumayo at nakitang namantsahan nga ng dugo ang puti kong blouse. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin at tiningala lang siya.
"He's fine, right?
Ngumiti ito at mahinang pinitik ang kunot sa noo kong dulot ng pag-aalala.
"You're a great shooter. I'm the one who trained you, remember? Daplis lang sa binti, hindi malalim."
BINABASA MO ANG
ABDUCTED, AGAIN
RomanceBOOK 2 OF ABDUCTED 1ST INSTALLMENT IN THE DE VARGA SERIES HENDRIX ANDERSON DEVARGA