Kabanata 24

69 2 0
                                    

Wala kaming pasok ni Ryzel ngayon but we still have to go to school to finalize some of our requirements before our semestral break starts.

The campus was filled with students. Lahat, pati ang mga nasa ibang department ay abala rin sa pag-aasikaso ng mga ipapasa nila. Samatalang kaming katatapos lang ay patungo sa gym. Manonood sila ng laro ng basketball team laban sa mga members na gumraduate last year. Ryzel and some of our friends are going to watch. Pero nagpaiwan ako sa daan patungo sa gate.

Balak ko kasing puntahan si Hendrix sa opisina niya. Wala na ito nang magising ako kaninang umaga. Hindi ko alam kung anong oras siya umalis o kung nakatulog pa ba siya. At dahil malapit na ring mag-lunch break kaya gusto ko sanang sabay na rin kaming kumain.

Nagpahatid na lamang ako sa aming driver sa ospital. Kahit na sina Gavin at ang iba ay wala rin kanina nang magising ako. Maliban sa natitirang kasambahay na nagpaiwan sa bahay, sina Mama, Ate, at Rryzel lamang ang naabutan ko.

We all have no idea where they went. Kaya isa rin ito sa itatanong ko kay Hendrix kapag nakarating na sa ospital.

The hospital isn't that far from our school. Nang makarating ako roon ay nakita ko ang ibang mga nurses at staff na bumababa na rin papunta sa cafeteria para mag-lunch. Nagluto ako kanina at nagdala ng lunch kaya dumiretso na lamang ako sa elevator.

As I was waiting for it to close, a hand suddenly went in between the metal door, making it open again. Gulat akong napatingin sa pumasok. He looked surprised too but it just went by fast as he quickly pulled himself a wide smile.

"Steven. Bakit nandito ka? 'Di ba may laro kayo?" gulantang kong tanong.

Nakangiti itong napakamot sa kaniyang batok. Nakasabit sa balikat niya ang kaniyang gym bag, nakasuot ito ng simpleng T-shirt at maong na pantalon. Napansin ko namang nakabenda pa rin ang kaniyang kaliwang kamay. Kahapon ko pa napansin ang benda rito ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan.

"Pinatingnan ko lang itong kamay ko."

"Napano ba 'yan?"

The door finally closed and the noise coming from the outside quickly vanished into thin air. Naging tahimik na ang makitid na silid. Napatitig ito sa akin nang ilang saglit, may kung anong emosyong lumitaw sa mata nito na hindi ko magawang matukoy.

"Nasugatan habang naghihiwa ako ng laman."

"Ng laman?" Bahagya akong natawa sa sinabi nito. "Sana bumili ka na lang ng hiwa na para hindi ka na nasugatan."

"Gusto ko kasi ako mismo ang gumawa, eh. Para siguradong malinis at walang maiiwang kalat," seryoso niyang sabi.

Nagkibit ako ng balikat at pailing-iling na tumawa. "Ikaw ang bahala. Basta sa susunod, mag-ingat ka na lang."

Napansin kong hindi pa ito nakakapindot sa kung aling floor siya pupunta. Sabi niya ay napatingnan niya na ang kamay niya, kaya bigla akong nagtaka kung bakit paakyat din ito ngayon kasama ko. Pero bago pa man ako makapagtanong ay naunahan na ako nitong magsalita.

"Ikaw, bakit nandito ka? Bakit hindi mo kasama si Ryzel?"

"Nanood sila ng laro. May bibisitahin lang ako rito. Bakit ka—"

"Matatagalan ka ba?" pagputol nito sakin.

"Siguro. Bakit?"

"Hihintayin na lang kita para sabay na tayong bumalik sa school."

Matamis itong ngumiti. And just all of a sudden, I found myself staring at that smile. May tila biglang lumitaw na imahe sa aking isipan, isang alaala na hindi ko magawang kilalanin. It feels like something that I've seen before but just forgotten.

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon