Kabanata 3

174 7 0
                                    

"Good morning anak," masiglang bati ni Mama pagkababa ko. Gumanti lamang ako ng ngiti.

She was wearing a floral maternity dress na pinaresan ng puting ballet shoes. Putok rin ang labi nito sa lipstick at mamula-mula pa ang pisngi.

"Saan ka pupunta, Ma?"

"Mamimili kami ng ate mo ng mga gamit para sa kwarto ng future baby brother mo. Gusto mo bang sumama?" Humagikgik siya.

Bakas ang sabik sa kaniyang mukha at tono ng pananalita. Sa November ang due date niya kaya nagsisimula na siyang mamili ng mga gamit sa kwarto ng kapatid ko at pati rin ng mga damit niya.

"Sasama siya, Ma. Nasabihan ko na 'yan kagabi." Napalingon ako sa kakababa lang na si ate. Kumindat ito sakin na pawang may pinapahiwatig.

Siguro, baka sa ganitong paraan, maaari akong makalimot muna.

Sobrang excited si mama habang naglalakad pa lang kami papunta sa baby section sa mall. Unang anak na lalaki niya kasi. Pati rin naman ako excited, 'yon nga lang, hindi ko lang talaga magawang maging kasing sigla niya gaya ngayon.

"CR lang ako ah. Wait for me here," wika ni ate at agad kumaripas ng takbo sa CR na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan namin.

Hinawakan naman ako sa kamay ni mama at nginitian.

"Ayos ka na ba anak?" Tumango lamang ako bilang sagot at ngumiti rin. Mas nilawakan ko ang ngiti para makampante na siya.

Mula nang makabalik ako rito hanggang ngayon, walang kaalam-alam si Mama sa totoong nangyari, sa lahat ng nangyari. She knows about Papa handling the case but other than that she still doens't know about anything that had happened-the kidnapping, about Vince, all the killings, all the tragedy, and about Hendrix. Ang alam niya lang ay nagluluksa pa rin ako sa pagkawala ni Vince. We didn't tell her dahil baka makasama sa pagbubuntis niya.

"Ayan. Ang ganda mo kapag ngumingiti. Manang-mana ka talaga sakin, nak." Humagikgik na naman siya.

"Kaya baliw na baliw ang papa mo sakin eh." Lumakas pa ang hagikgik niya. Pati ako ay nahawa na nito.

"Kaya siguro naging abogado ang papa mo nak para maging maalam siya sa mga kasong pwedeng isampa sa kung sino man ang mangahas agawin ako sa kaniya." Humalakhak na siya at pati ang ibang sales lady ay napapangiti na dahil sa lakas nito.

"Hala nak. Ang gwapo no'ng lalaki oh." Natulala siya sa likuran ko at tinuro pa ang gwapong lalaking tinutukoy niya. Kung posible lang maghugis puso ang mata niya, tiyak, nangyari na 'yon.

Hindi sana ako interesado pero dahil si mama ito, pagbibigyan ko na sana. Ngunit akmang lilingunin ko na ito nang may bigla namang nakabunggo sa akin dahilan upang mabitawan ko ang mga paper bags na pinamili namin, kinailangan ko pa tuloy itong pulutin dahil naglabasan na pati ang mga laman nito.

"Bilisan mo nak, aalis na siya."

"Teka lang, Ma—"

"Hala! Tumingin siya sakin." Napatawa ako ng sinabi niyang iyon. Para itong teenager na kinikilig sa crush niya. Si mama talaga.

Naisilid ko na ang panghuling nahulog sa lalagyan niya at tinipon na ang mga ito. Sakto namang pagtayo ko ay naabutan ko ang nakasimangot nang mukha niya.

"Ayan tuloy. Hindi mo na naabutan." Lumingon pa rin ako at wala akong nakita maliban sa mga kagaya rin ni mama na namimili ng mga gamit para sa bata at mga sanggol.

"Susumbong kita kay Papa. Sige ka." Tukso ko sa kaniya na itinawa niya naman.

"I'm here na. What are the laughs all about?"

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon