Kabanata 14

100 5 0
                                    

The whole week passed by in a heartbeat. Naging napakabilis na lumipas ang oras at nagtapos ang mga araw. The weeks I've spent without Hendrix before felt so long as if tomorrow's never gonna come for me again, and maybe the reason why my days started to get hasty now is because he's back, because I'm spending every minute of it with him now.

I haven't heard from Gavin since the day I told him about the mysterious messages that I have been receiving. Hindi na ito nakadalaw sa bahay o ang i-text o tawagan man lang ako para balitaan. Hindi naman na nasundan ang mga mensaheng iyon pero hindi ko pa rin maiwasan ang pangambahan.

You know what they always say, the calm before the storm.

Naunsyami ang pag-uusap namin nina Michael at Ryzel sa gitna ng paglalakad nang makarinig ng tila ba pagkakagulo sa paligid. At first, I thought it is because of Hendrix again, dahil buong linggo ay iyon na ang eksenang nangyayari sa tuwing sinusundo niya ako.

But today it was for a different reason, different person. In front of us stood two tall men in their basketball jersey uniforms. Kusang huminto ang mga paa ko sa paglalakad nang makilala ang jersey shirt na suot ng isa sa kanila, halos tumigil ang puso ko nang makita ang apelyidong nakaprinta sa likuran ng jersey niya.

'Magallano', Vince's last name.

"Steven!" Michael called and the guy wearing that shirt looked back at us.

I was relieved to see Steven smiling at us but the more I stare at him, hindi ko alam kung bakit tila bigla ko na lamang nakikita si Vince sa kaniya. Kakaibang lamig ang gumapang sa batok ko.

Kabado ma'y, nagawa ko pa ring magsalita. "Bakit mo suot 'yan?"

For a moment, he was startled by my question. Tumingin ito sa suot niyang jersey at pagkatapos ay nagkamot sa batok.

"Ah, ito ba? Naiwan ko kasi 'yung akin sa dorm. I am using Kuya Vince's former locker at naiwan niya yata ito roon kaya ginamit ko na muna."

Bahagyang napakunot ang noo ko. Paano mapupunta roon ang jersey ni Vince? Every locker is emptied after its owner graduates. Hindi iyon pinapagamit sa iba hangga't hindi nalilinis. That's our school's policy. Kaya bakit ito naroroon?

Mula sa likuran niya'y nakita ko ang paparating na sasakyan ni Hendrix. Daglian kong hinila si Steven papunta sa gilid ko upang maiwasang makita ito ni Hendrix, lalong-lalo na ang apelyidong nasa jersey niya.

I only bid them a tiny smile as a goodbye. Though I can see them being puzzled by what I did, I quickly turned my back. Halos patakbo pa akong bumaba at pumunta sa sasakyan ni Hendrix, hindi ko na ito hinintay na bumaba para pagbuksan ako kagaya ng lagi niyang ginagawa.

"Did something happen?" pambungad niya.

Umiling-iling lamang ako habang nakangiti. Batid kong hindi siya nakuntento sa sagot ko at tila naghihintay pa ng kadugtong. Iniwas ko na lamang ang tingin sa kaniya at umayos na ng upo. Base sa reaksyon niya, siguro ay hindi niya naman nakita ang jersey na iyon. That's fine, this is fine, ayos lang 'to Athena. You don't have to tell him about it. Jersey lang iyon.

We fell silent the whole time he is driving. Tahimik lamang akong nanonood sa nagdidilim nang kalangitan habang tumatakbo ang sasakyan. We usually talk about our day everytime we're on our way home, ngunit ngayon parang may kakaibang hanging pumapagitna sa amin na hindi ko matukoy kung ano ang dahilan.

Napabaling lamang ako sa kaniya nang mapansing nakalampas na kami sa bahay, in fact malayo na kami sa direksyon papunta sa amin.

"Where are we going?" Without turning to me, a grin escaped his lips.

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon