Kabanata 9

115 5 0
                                    

Kabanata 9

Hindi ko na nasundan pa ang itinagal ng pagkakaupo at pagiging tahimik lamang namin ni Gavin sa loob ng sasakyan niya habang hinihintay si Ate. Sa ingay ng isip ko at sa dami ng iniisip ko, wala nang lugar ang pagbibilang ng oras. He didn't dare to say a word too, siguro ay hinihintay lang din nito kung kailan ako handa na o kung kailan ako maayos na.

"Alam mo ba? Ang lahat ng 'to, ang pagbalik niya at ang muling paglapit sakin, may alam ka ba rito, Gavin?"

Sa pagtawag ko ng pangalan niya ay roon lamang ako bumaling sa kaniya. Taimtim ang kaniyang pagtitig sa akin na hindi ko alam kung kailan niya pa ginagawa. Nilandas niya ang mga mata mula sa aking mga mata pababa sa aking mga labi. Tumango siya.

Subalit bago pa man sumiklab ang aking galit ay nagsalita ito.

"I know, I've always knew that he'll comeback. After all, it is you, Athena. I know how much he loves you." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang iyon at saglit namang bumakas ang kalungkutan sa mga mata niya bago niya ito iniwas sa akin.

"I just didn't know that it'll be this soon," dugtong niya.

"He loves me? Hindi ba't ikaw mismo ang nagsabi sa akin noon? Na hindi niya ako mahal? Na niloko niya lang ako at pinaniwalang mahal niya ako?"

Matamlay itong napangiti. Kinuha niya ang isang kamay ko, tumitig siya rito habang marahang hinahaplos ng kaniyang hinlalaki at pagkatapos ay dinala niya ito sa kaniyang mga labi upang ito ay halikan.

"I'm sorry for lying. Sinabi ko lang 'yon para huwag mo na siya hanapin, para magalit ka sa kaniya at kalimutan mo na siya. Hindi totoo ang lahat ng sinabi ko noon. Kaya sakin ka dapat na magalit, Athena. I'm so sorry."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at pinanatili ang tingin niya rito. Saglit kong pinag-aralan ang mukha niya, pinagmasdan ang maliit na kunot sa pagitan ng kaniyang mga kilay. Sa kabila ng mga sinabi niya, hindi ako nakaramdam ni katiting na galit. Dahil kilala ko si Gavin.

Napangiti ako. "You're also lying right now, right?"

Inangat niya ang tingin sa akin.

"Kilala kita, Gavin. At alam kong iyon na siguro ang pinakahuling bagay na magagawa mo. Hindi mo makakayang siraan ang kapatid mo kaya hindi ako naniniwala sa mga sinabi mo."

Sandali kaming nagkatitigan bago ito napangisi sa sarili, nagpapakita ng kaniyang pagkakabisto at tanda ng pagsuko.

"Sinabihan ka niyang sabihin ang lahat ng iyon sa akin noong gabing 'yon, tama ba?"

Gusto kong matawa sa sarili ko matapos niyang tumango. Am I a fool? Katangahan bang naniwala ako sa mga sinabi sakin ni Gavin noong gabing iyon?

O siguro may parte sa aking hindi naman talaga naniwala noon. Ang pinakadahilan lang naman ng galit ko kay Hendrix ay ang pang-iiwan niya. Ang bigla-bigla niya na lang na pag-alis. Ang hindi niya pagpapaalam o ang pagpapaliwanag. Iyon ang pinakakinagagalit ko.

Gaano ba iyon kahirap? Ang kausapin ako, ang sabihin ang dahilan niya, ang ipaliwanag ang parte niya, ang ipaintindi sa akin ang iniisip niya. Hindi iyong basta-basta niya na lang akong iiwan sa ere.

Hindi ko namalayan ang pagbagsak na ng aking luha. Agad naman itong pinunasan ni Gavin. Hinila niya ako upang yakapin, hinalikan sa aking noo at marahang hinaplos ang aking buhok.

"I'm sorry," bulong nito.

Umiling ako sa dibdib niya bago bahagyang lumayo para nakangiting tingalain siya.

"Wala kang kasalanan."

Habang nakasuporta ang isa niyang kamay sa aking bewang ay muli niya namang pinunasan ang ilalim ng mga mata ko gamit ang isa niya pang kamay.

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon