Kabanata 23

70 2 0
                                    

Everyone in school seemed perturbed since the news this morning. Pero triple pa siguro ng kaba nila ang nararamdaman namin ni Ryzel. Because we know what happened, we know who that man is, we know who did that to him, and we are one of the few persons he met before that happened to him.

Muli kong ginala ang paningin sa kabuuan ng gym sa aming eskwelahan. Kokonti lamang ang naririto ngayon kumpara sa karaniwang mga araw. Marami ang natatakot dahil sa nangyari, marami ang nilukob ng kaba dahil baka raw masundan pa ang nangyari nitong umaga. That murder is beyond horrible. At kung sino man ang tunay na nasa likod ng lahat ng ito, siguradong napakadelikado niyang tao.

"What's with the long faces, girls?"

Tiningnan lamang namin si Michael na may masiglang ekspresyon sa mukha. Alam kong sinusubukan niya lamang na pangitiin kami subalit hindi ito umuubra ngayon. Pagbagsak siyang naupo sa aming harapan sa bleachers.

"You guys look really agitated. Is it about this morning's news or something else? You look more terrified than everyone else."

Inakbay nito ang braso sa katabing upuan at nilingon kami. Hindi kami sumagot ni Ryzel at kapwa lamang na nakatitig sa kaniya.

Ngumuso ito dahil hindi kami sumagot.

"Hindi pa ba dumadating ang mga sundo niyo? Gusto niyo ako na ang maghatid sa inyo?"

Another long pause of silence and he still didn't receive an answer from us. Napabuntong-hininga ito dahil sa dismaya.

"Yes, Michael, ihatid mo kami," he said to himself as if mimicking our tone of voice. "Magbibihis lang ako. Patapos naman na itong practice kaya pwede na akong mauna."

Tumayo ito at yumuko para abutin ang bag niyang nasa katabi kong upuan. Magkasama sa upuan ang bag niya at ni Steven na ngayo'y nasa gitna pa rin ng court at nagpra-practice ng basketball. Dahil sa bigat ng bag niya ay hindi sinasadyang nasagi nito ang bag ni Steven dahilan upang mahulog ito kasama ang jersey shirt niya.

"Pakipulot na lang Ten, bihis lang ako," wika nito at tumakbo na patungo sa shower room nila.

Una kong pinulot ang bag ni Steven. Ngunit sa pagkakataong aabutin ko na ang jersey niya ay agad din akong napahinto, napatitig sa pangalang nakasulat sa loob ng damit niya. It is the same jersey shirt that I saw last time, the jersey shirt that he said belongs to Vince. The jersey shirt that he said he just borrowed from Vince's former locker.

Kung iyon nga ang totoo, kung pag-aari nga ito ni Vince, bakit pangalan ni Steven ang nasa loob nito? At bakit ang kasunod ng pangalan niya ay ang apelyidong Magallano? Steven Magallano.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin sa lalaking hinihingal na tumatakbo sa gitna ng court. He is wearing a different jersey shirt. His last name "Ocampo" is written on it. Ang pagkakapareho lamang ng suot niyang jersey sa hawak ko ay ang numerong nakaprinta rito.

Napalingon ito sa gawi ko at agad na lumitaw ang maamo niyang ngiti. What am I thinking?

Kumaway ito at pinilit ko ang sariling gantihan din siya ng ngiti. Imposible 'yon.

He is Steven Ocampo.

Ocampo ang apelyido niya, hindi Magallano. Baka naman nagkataon lang na naitabi niya ang pangalan niya sa apelyido ni Vince kaya naging ganito. Bakit naman magiging Magallano ang apelyido niya? Hindi naman sila magkaano-ano ni Vince.

Sinubukan kong itawa ang mga naiisip ko sa isipan. Ayokong isipin iyon. Iyon na ang pinakahuling bagay na gugustuhin ko pang isipin. Mabait na tao si Steven. Parang ang sama ko naman kapag pag-isipan ko siya ng ganito.

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon