Kabanata 8

120 4 0
                                    

Bago ko pa man maabot ang sandigan ng upuan ay mabilis na itong nahila ni Hendrix para sakin. Balak ko sana itong iwasan o ang lumipat na lamang sa kabilang banda ng mesa ngunit nahagip din ng mata kong nakatingin si Mama sa akin kaya napilitan akong maupo na rito.

Natakot akong tingnan si Hendrix. Naaalala ko lamang ang mga araw na nagkakasabay kaming lahat sa hapag, kung paano sila kabahan sa harapan ni Hendrix, o kung paanong napupuno palagi ng tawanan at biruan nila ang aming oras sa pagkain.

I never thought that I could sit in a table with him again, and even together with my family. I almost forgot how it felt to eat with him. Pinipilit kong mainis, iyon ang sigurado ako. Subalit alam ko at sigurado rin akong may sayang lumulukob sa puso ko ngayon.

Nasa kabisera si Papa habang nasa kanan naman nito si Mama at sa kaliwa si Ate. Ako ang nasa tabi ni Ate at kaharap ko si Hendrix.

Mayamaya ang naging pagsulyap ni Papa sa akin, siguro ay tinitingnan ang reaksyon ko. Alam niya ang lahat ng nangyari, naging saksi rin siya sa nangyari sa akin pagkatapos. Nakita at narinig niya ang bawat pag-iyak ko, kung paano halos nawala ang sarili ko dahil sa lalaking ito.

Kaya hindi ko alam kung bakit ayos lang din para kay Papa ang ganito, ang pagdating ni Hendrix, ang muli niyang pagpapakita, ang pananatili niya rito at ang muling paglapit sa akin. Bakit parang wala lang sa kaniya? Bakit parang hindi lang sinaktan ng lalaking ito ang anak niya?

O meron ba akong hindi alam? Meron na naman ba silang hindi sinasabi sa akin?

Hindi lang nagtagal ay nahinto ang pag-ingay ng kanilang mga kubyertos kaya napaangat ako sa kanila ng tingin. Natigil ang kanilang pagkain at napatingin sa likuran ko. Dahil doon ay napalingon na rin ako para alamin kung ano ang tinitingnan nila.

"Gavin, iho. Tamang-tama nandito rin ang kapatid mo," masiglang bati rito ni Mama.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Gavin sa akin at kay Hendrix, halata ang gulat sa mukha niya. Hindi ito agad nakasagot kay Mama dahil sa pananatili niya ng tingin kay Hendrix. Gustuhin ko mang alamin ang reaksyon ni Hendrix ay hindi ko ginawa.

Ang tanging kaisipan lamang na gumambala sa utak ko ay kung may alam din ba si Gavin dito. Kung alam niya ba ang mga pinaplano ni Hendrix, ang dahilan kung bakit ito nandito, o baka pati siya ay may hindi rin sinasabi sa akin.

"Halika na, iho. Sumabay ka na sa amin. Holiday nga pala ngayon. Aalis ba kayo ulit ni Athena?" muling pagsasalita ni Mama.

Dito pa lang nakaimik si Gavin. Ngumiti ito at bumati kay Papa, lumapit naman siya kay Mama para humalik sa pisngi nito kagaya ng ginagawa niya palagi at tinapik naman si Ate bilang karaniwang pagbati niya rito. Ako ang huli niyang pinuntahan at humalik din ito sa pisngi ko na naging nakasanayan na rin namin.

Hindi nilihis ni Hendrix ang tingin sa amin nang gawin iyon ni Gavin. Naging matalim ang titig niya at napansin ko ang pag-igiting ng kaniyang bagang. Hindi ko alam kung bakit ako umiwas ng tingin, kung bakit bahagya akong nakaramdama ng pagka-ilang kahit na wala naman akong masamang ginagawa.

"Yes, Tita. Nakalimutan niya po yata," sagot ni Gavin kay Mama habang sinisipat ako ng tingin.

Sumimangot ako sa kaniya.

Hindi na bago pa sa amin kapag pumupunta si Gavin dito. Minsan nga ay dito na siya natutulog, parang anak na rin ang turing ni Mama at Papa sa kaniya. Magmula nang makabalik ako rito ay hindi na siya nawala sa tabi ko. If he wasn't there, I don't know what have had happened to me.

Naging nakaugalian na rin namin ang lumabas sa tuwing wala akong pasok o tuwing holiday. Palagi niya akong sinusundo rito at pumupunta kami sa kung saan-saang lugar. It's been his way to help me recover or to make me forget. Kapag may problema o umiiyak na nanaman ako, o 'di kaya'y kapag masama ang panaginip ko, siya ang naging takbuhan ko.

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon