Kabanata 18

82 5 0
                                    

Humupa lamang ang kaba at pag-aalalang sumambulat sa sistema ni Athena nang ipaliwanag na nila ang nangyari. Gavin explained that Luke went to find his parents. Napag-alaman daw kasi nitong buhay pa sila kaya umalis muna ito para hanapin sila.

Kahit na sa kanila nga raw ay hindi na ito nakapagpaalam pa. Si Gavin lamang ang napagsabihan nito ng pag-alis niya. Kahit na ganoon ay wala naman naging tampo ang dalaga para kay Luke. Katunayan ay masaya ito. Ang tahimik na panalangin niya lang ay sana mahanap niya nga ang mga magulang niya at makabalik na rin siya agad para magkasama-sama na sila.

Pagkatapos ng munting kamustahan nila dahil sa tagal na ring hindi nakakapagkita ay natahimik silang lahat. Nagpatuloy sa pagkain. Nakuntento sa pagsulyap sa isa't isa, sa palihim na pagdidiwang dahil sa wakas ay magkakasama na rin sila, magkakaharap, magkasabay sa pagkain, at abot kamay na lamang ang bawat isa.

Just like how it felt before for Athena looking at Hendrix in front of her, being with him once again, this moment felt surreal for her too. Pawang hindi na naman makapaniwalang nasa harapan niya na ulit sila. Nakikita sa malapitan, naririnig ang mga tawana't boses nila, malayang mahahawakan o mayayakap, nasa lugar kung saan abot-abot niya na ng paningin. Hindi niya na kailangan pang magpuyat sa gabi sa pag-aalala sa kalagayan nila, o ang gumising sa umaga at hilingin na sa paglabas niya ng pinto ay sila na ang makikita niya.

They're back. They are finally back.

She felt like it happened again, like she was abducted by them again. Just like that day.

Katulad lang din ng nararamdaman ng mga binata ang nararamdaman ni Clementine at ng asawa nito, lalong-lalo na ang ginang. Masaya itong makilala na rin sa wakas ang mga taong pumrotekta sa asawa't anak niya. Hindi magiging sapat ang salita upang iparating ang saya at pasasalamat niya sa mga ito kaya sa pamamagitan na lamang ng mainit na pagtanggap sa mga ito sa kaniyang pamilya niya ipaparating sa kanila.

Sa paraan pa lang ng pagningning ng mga mata o sa animo'y pagliliwanag ng mga mukha ng mga binata, batid din ni Athena ang kasiyahan ng mga ito. Lahat sila ay lumaki sa bahay-ampunan. Inakalang sa wakas ay magkakaroon na ng masaya at kumpletong pamilya nang kupkupin sila ni Alejandro, nang walang kaalam-alam na trahedya lamang pala ang naghihintay sa kanila.

After that incident, Hendrix became their only family. Ang isa't isa lamang nila ang tinuring at tumayong pamilya nila. But right now, they are in front of a real mother and a real father. Sumasalo sa hapag kagaya ng ginagawa ng isang normal na pamilya.

Athena knows how this simple event means so much to them. Palihim itong napangiti. Palihim rin nitong pinalakas ang sarili. Dahil ayaw niyang mawala ang mga ngiting ito, ayaw niyang dumating muli ang araw na hindi niya na ulit makikita pa ang mga ito, ang araw na magkakahiwalay na naman sila.

Kaya nang mga sandaling iyon, nakapagdesisyon na siya. Magpapakatatag siya, kahit na gaano pa kahirap ang abutin, pipilitin niyang maging malakas. Poprotektahan niya ang mga ito. Hindi niya na hahayaang mangyari ang nangyari noon, na habang binubuwis nila ang buhay para sa kaniya ay wala man lang siyang ginagawa. This time, it's her turn to protect them.

Sandali noong nagkasalubong ang mga mata nila ni Gavin. Wala mang sinasabi ay tila nagkaintindihan na. Tila alam na kung ano ang nilalaman ng isip ng isa't isa, tila alam na rin kung ano ang dapat gawin pagkatapos ng munting pagtitipong ito.

Tumayo si Athena para sana tumulong sa isang kasambahay sa pagkuha ng kanilang dessert na ginawa ni Clementine. Sumunod dito si Gavin at hindi naman iyon nakaligtas sa mata ni Hendrix. Pinasundan niya lamang ng tingin ang dalawa bago ibinalik ang atensyon sa pag-uusap na nagaganap sa hapag.

"Have you told him?" Marahang hinila ni Gavin ang braso nito nang makalayo na sila. Sa halip na sa kusina, ay hinila nito ang dalaga papunta sa bulwagan ng bahay. Lumabas sila sa matangkad na pinto at tumigil ilang hakbang lamang mula roon.

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon