Kabanata 5

147 6 2
                                    

"Ayan na naman ang mga fangirls. Hay!" Inis na nagbuntong-hininga si Ryzel pagkaupo na pagkaupo niya sa tapat ko.

Naririto kami sa isang food kiosk na tinayo sa labas ng gym para sa senior high school fest. Dumating na naman yung bandang guest yata nila, siguro ay magpa-practice ulit. At ang mga dakilang fangirls nila, ito na naman at hinahabol ang kanilang van, sigaw pa nang sigaw at hindi alintana ang mga matang nakatingin sa kanila.

"Gaano ba kagwapo iyong banda, Zel? Pinagkakaguluhan talaga ha." Sumipsip ako sa biniling milktea at siya naman ay nagkibit ng balikat.

"Rinig ko jaw-dropping daw ang kagwapuhan. Sa linggwahe natin, makalaglag panty raw," sabi niya at bumunghalit sa katatawa.

Napatawa na rin ako. Hindi naman siguro magkakaganito ang fangirls nila kung pipichuging banda lang sila.

"Look! Look! Lalabas sila!" Dinungaw namin ang nasa likuran ng mga gwardiyang tumulong na sa pagharang sa mga estudyante.

Isa-isa silang nagsibabaan sa van habang inaawat naman ng mga gwardiya ang nagwawala nilang mga fans. Hindi namin sila masyadong makita dahil sa layo at sa mga nagkukumpulang estudyante. Tanging mga buhok lang nila ang nakikita. Pero in all fairness, kahit sa mahabang buhok ng isang member at sa may brown highlights pa lang, mukhang makalaglag pan_ _ nga talaga.

"Athena! Ryzeline!" Napalingon kami sa tumawag at nakita ang kaibigan naming si Michael na papalapit kasama ang dalawang lalaki.

"May ipapakilala ako sa inyo." Nakangising aso siya at siniko ang mga kasama niya.

"Hi kids!" tudyo ni Ryzel.

Katunayan, hindi na sila kailangan pang ipakilala ni Michael. They're famous here in school, bilang lang siguro ang hindi nakakakilala sa kanila rito sa campus. Sa gwapo ba naman kasi nila at kahit senior high school students pa lamang ay halimaw na pagdating sa basketball court.

"So, this is Steven." Tinuro niya ang lalaking may medyo kahabaan ang buhok at bahagyang natatakpan ang noo, "And this is Jhayston." At tinuro niya naman ang isa pang may malinis na gupit.

They have their smiles all over their faces. Dahil nga mga basketbolista, parang higante sila kung tingnan kapag itinabi sa amin.

Ngumiti lamang ako sa kanila but I noticed Steven trying to lock eyes with me pero iniwasan ko iyon.

"Ano na namang pakulo to Michael?" puna ni Ryzel at hinambalos sa braso ang kaibigan.

"Sa pagkakaalam ko kasi single ka kaya nandito ako, to the rescue. Magpapakakupido para iligtas ang love life mo. Shouldn't you thank me for this?" Hinambalos siyang muli ni Ryzel.

"Single nga ako pero child abuse itong ginagawa mo!"

"Relax! Isang taon lang naman ang agwat natin sa kanila. 'Di ba boys?" Kinindatan niya ang mga ito at napabungisngis naman sila.

"Actually, Ryzeline, kami ang humingi ng pabor na ito sa kaniya. Don't get us wrong. We just wanted to make friends with you guys," pagpapaliwanag ni Jhay.

"Well, friends lang naman pala eh. That's fine." Ngumiti nang matamis sa kanila si Ryzel bago ako binalingan ng tingin, "'Di ba?" Dahan-dahan lamang akong tumango.

Wala namang problema doon. Kaibigan lang naman and these guys seem really nice. Ang kailangan ko lang sigurong isipin ay ang mga fangirls ng dalawang ito. Baka higit pa sa nangyari kahapon ang abutin ko.

"So, kayo nang bahala rito sa mga manok ko."

"Michael!" saway ko sa kaniya.

"Athena, friends lang naman." Hinawakan ako ni Ryzel sa may braso na tila ba sinasabing ayos lang.

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon