"I will get you back. I will surely do this time."
Kanina pa paulit-ulit na dumadagundong sa magkabilang tenga ko ang tunog ng pagputok ng baril subalit ayaw pa ring tumahimik ng aking isipan, hindi pa rin mawaglit-waglit ang bagay na iyon sa isip ko.
Gavin is checking me from time to time, probably starting to notice the distress on my face and actions.
I shot the dummy again but I wasn't able to hit its face. Mula kanina ay hindi ko magawang matamaan ang mukha nito. Nawawala ako sa focus, hindi ko magawang mag-focus.
Nang wala nang lumalabas na bala mula sa baril ko ay nangibabaw na ang katahimikan. That's the only time that I've noticed Gavin staring at me. Nakasabit na sa kaniyang batok ang suot kaninang earmuffs at nakaharap na sa akin.
"Something's bothering you. What is it?"
Naging alanganin ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung saan o paano magsisimula. Kasi natatakot ako. Ayokong sirain ang kapayapaang ito, ang kasiyahang ito. Ang sabi ko kagabi gusto ko si Gavin ang unang makakaalam nito pero tama nga bang may iba pang makaalam nito?
Hindi pa ba sapat ang trahedyang dinulot nito noon? Kung kailan nakapagsimula na kaming lahat ulit, kung kailan tahimik at masaya na ang buhay namin, kung kailan maayos na ang lahat tsaka ko naman ito sisiraing muli dahil lang sa kagustuhan kong malaman kung sino o anong pakay ng taong nagpapadala sakin ng mga mensaheng iyon?
Sa huli ay siya na rin mismo ang lumapit at nagtanggal ng earmuffs ko. Kinuha niya rin ang baril ko at hinawakan ang aking kamay saka ako hinila papunta sa isang silong. Pinagpagan niya muna ang upuan bago ako iginiya paupo rito. At pagkatapos ay humila rin siya ng isa pang upuan upang pumuwesto sa aking harapan.
"What's bothering you?" paninimula niya.
I took a long glance at him before heaving a sigh. Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ng jeans kong suot, binuksan kong muli ang mensaheng natanggap kaninang umaga at pinakita ito sa kaniya.
"That's the second message I received from him. He used a different number in the first message but I am sure that they're just the same person."
Gumuhit ang parehong gulat at pangamba sa kaniyang mukha. Humigpit ang kapit niya sa kamay kong hawak niya pa rin.
"I will get you back. I will surely do this time."
That's what the message says. Iisang tao lamang ang pumasok sa isipan ko sa sandaling nabasa ko ito. Subalit paano? Imposible iyon. Wala na siya. Tapos na ang lahat ng may kinalaman sa kaniya sa sandaling nakabalik ako rito at nakawala mula sa kaniya. Patay na siya. Hindi ba?
"Alam na ba 'to ni Hendrix?" Mabagal akong napailing.
"Ikaw pa lang ang nasasabihan ko."
Muling bumalik ang tingin niya sa phone ko, paulit-ulit iyong binabasa. My urge of clearing my suspicion grew bigger. Halos mautal ako sa pagsasalita.
"He's dead, right?"
When his eyes met mine again there was a quick glimpse of shock in him before pulling me into his arms.
"He's gone, Athena. He can't hurt you anymore."
Then who is this person? Sino pa ba ang may mga galit sa akin na aabot na sa ganitong pananakot? Si Senator? But the case is already closed. Wala nang dahilan para kitilin niya ang buhay ko. Gusto niya bang gumanti para kay Vince? If he does, sana matagal niya nang ginawa. Not after five months since his death.
"I will find out who this is, okay? So don't worry anymore."
Hinagkan niya ang gilid ng ulo ko matapos iyong sabihin. Tumango na lamang ako.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED, AGAIN
عاطفيةBOOK 2 OF ABDUCTED 1ST INSTALLMENT IN THE DE VARGA SERIES HENDRIX ANDERSON DEVARGA