Inumpisahan nang ibuhos ni Athena sa kanyang baso ang panlimang bote nila ni Ryzel. Pareho nang nilamon ng mga alak ang kanilang utak. Wala na sila sa sarili, wala na sa tamang pag-iisip at kung anu-ano nang lumalabas sa kanilang mga bibig.
"Hah! Mahal niya pa raw ako!" singhal ni Ryzel at nilagok ang baso. "Eh, mahal ko pa rin naman siya! Pero syempre, dapat pakipot muna tayo." Humagikgik ito dahil sa kaniyang naisip na plano.
"Mahal ka nga pero kasing gwapo ba niyan ang Hendrix ko? Hah! Walang laban 'yan!" inis na singhal din sa kaniya ni Athena, pakiramdam nito ay natatalo siya ng kaibigan.
"Siya ba yung nakita ko noong biyernes?" Nakangising tumango si Athena sabay lagok sa baso. Kumuha siya ng panibagong bote at iyon naman ang inumpisahang inumin.
"Ang gwapo! Ikaw, 'di ka nagshe-share ng blessings—"
"Shut up!" Binalingan nito ng matalim na tingin ang kaibigan, tila ba may nasabi itong masamang salita.
"Bawiin mo ang sinabi mo!"
"Eh gwapo naman talaga siya—"
"Bawiin mo sabi!" pagalit na utos ni Athena. Dala na rin siguro ng kalasingan, ay kahit mga maliliit na bagay ay pinapalaki niya na.
"Ako lang ang pwedeng magwapuhan sa kaniya! Bawal kang magwapuhan sa kaniya!" parang bata nitong babala sa kaibigan.
Samantala, tahimik lamang na nagmamasid ang dalawang lalaki sa tabi nila. Sinisiguradong walang mangangahas na lumapit sa dalawa at palihim na napapangisi na lamang dahil sa mga naririnig nila.
"She's one possessive woman," natatawang bulong ni Karl sa katabi nito.
Hendrix smirked at him. Parang lumalaki ang tenga niya sa naririnig.
"Let's just dance, girl! Kanina pa itong mga creepy guys tumatabi sa atin. OMG. Baka rapist ang mga 'yan." Hinila ni Ryzel si Athena palayo sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman sila at hindi alam kung matatawa ba sila o ano.
Doon pa lamang sila napansin ni Athena. Nagtagal ang tingin nito sa kanila, lalo na kay Hendrix. Hendrix thought that she could still recognize him despite being drunk. But not at all.
"Ang pangit. Tara na," nandidiring wika nito sa kanila at tumungo na sila ng kaibigan sa gitna kung saan nagsasayawan ang ibang mga tao.
Pinanood lamang ng dalawang binata ang dalawa, hindi hinahayaang makawala sa kanilang paningin.
Nang umalis kanina sa bahay si Athena ay agad itong sinundan ni Hendrix. Hindi nila inaasahang magkikita rin sila ni Karl dahil kagaya niya, sinusundan din nito si Ryzeline.
Hendrix knows and understands exactly how he had hurt Athena. Kaya nga siya nandito ngayon, para suyuin at humingi ng kapatawaran sa dalaga. He had caused so much pain to her and now he's here, ready to take it all back. Siya ang may dulot nito kaya siya rin dapat ang humilom dito.
He will never be the coward that he was before. Pinagsisisihan niyang hindi siya lumaban dati, na mas pinili niyang magpakaduwag. Napagtanto nito na hindi ang pagpapalaya sa dalaga ang makakakapagprotekta rito, mas mapoprotektahan niya ito kapag lagi siyang nasa tabi nito.
He was so stupid back then. Hindi niya agad naisip na ang pagpapalaya kay Athena ay maaaring mas maging dahilan ng pagkasira nito o makakapagpahamak sa kaniya. He is her shield, her armor, at kung patuloy lang siyang magpapakaduwag, paano niya na lang mapoprotektahan ang dalaga?
Now, he is renewed. He is no coward. He is now ready to beg for his chances, to beg for his love. And nothing, no one could ever stop him from making Athena his and being with her. Again.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED, AGAIN
RomanceBOOK 2 OF ABDUCTED 1ST INSTALLMENT IN THE DE VARGA SERIES HENDRIX ANDERSON DEVARGA