••32••

50 2 4
                                        

A/n: sorry po sa errors! Thankyou~♥~,

DOYOUNG AND JUNGHWAN FROM TREASURE GET WELL SOON BBY😩


    AKO NALAMANG ang bumalik sa gym dahil badtrip daw si cole sa mga nang yayari. Bipolar ba siya? Hindi nanga kami matapos tapos sa ginagawa namin tapos siya naman walk out ng walk out.

"Asteria, Asaan si Cole??" bigla akong nilapitan ni zeahra at hinawakan ang aking kamay kaya napatingin ako roon, bakit parang concern siya kay cole? Kakakilala lang nila kanina tapos ganyan na siya agad mag alala.

"Nasa tambayan nila" sagot ko habang may ngiti saaking mga labi, actually hindi ko talaga alam kung asan si cole.

"Ahh okay thankyou, wala kasi akong kapartner ngayon" ngiti ito ng tipid saakin tsaka ako binitawan.

"Punta lang ako kay Havey" tumango ito tsaka ko pinuntahan si havey na kinakausap nang aming teacher.

"Bakit daw?" bulong ko rito.

"Sinabi ko kung bakit nag walk out si cole, bakit ba kasi walk out ng walk ang gag*ng yon" bulong nito kaya napatawa ako ng mahina.

"Badtrip daw siya kaya mag isa nalang akong pumunta dito" bulong ko pabalik.

"Lagi naman siyang badtrip" ani nito at sabay kaming tumawa.

*CLAP CLAP*

napabaling ang aming atensyon sa aming mga teacher nang pumalakpak ito.

"Bukas natin itutuloy ang practice cause we dont have time na para ituloy" ani ni sir. Kakaselpon ni cole to' chour.

"Kung sino ang partner ninyo ngayon magiging partner niyo sila sa bus seat okay?? Tsaka hindi pa naman ngayon ang Field trip sa susunod na linggo pa naman." ani ni ma'am.

"Mag break muna kayo" ani ni sir.

"Sir hindi ako papayag mahal ko pa sir!" sigaw ng dumaan na estudyante. Ayy wow sumasapaw.

"alam kong Masakit na, i let go mo nayan!" pabalik na sigaw ni sir, kaya natawa nalang kami lahat.

"Pag hindi na kaya bumitaw na wag mo nang ipilit yung sarili mo kung sobra kanang nasasaktan" ani ni ma'am, anong meron at humuhugot sila ngayon?

"Mag break nalang tayo" sigaw ni jeven, napatingin naman ako kay ems na sumimangot sakanya.

    Pinuntahan ko si cole sa tambayan nila at nakita ko siya doon na naka upo at naka hilig sa lamesa. Mukhang natutulog siya kaya dahan dahan akong nag lakad papunta sa pwesto kung nasaan siya.

"Baka kulang kalang sa tulog kaya ka badtrip" bulong ko.

"tanga mamaya hindi kapapala kumakain" bulong ko ulit. Tulog naman siya kaya hindi niya ako maririnig.

"Pero ang gwapo mo pala pag tulog ka pero pag gising ka hindi, tsk tsk tsk" habang umiiling kong saad.

"Iniwan mo pa si zeahra doon, wala tuloy partner pero okay lang kasi hindi naman kami natuloy." saad ko, parang baliw ako dito dahil kumakausap ako ng tulog.

"Sige matulog kalang dyaan" aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay kaya nagulat ako.

"Hmmm..."

"Hoy yung kamay ko" hinihila ko ang aking kamay mula sakanyang pag kakahawak pero ang higpit ng kapit niya saakin.

"Shut up, ang ingay mo" sagot nito sa husky na boses.

"kakain muna ako!"

"Dito kana kumain" hinila niya ako dahilan para mapa upo ako sa tabi niya.

"Ayoko dito" maktol ko.

"Gusto ko dito ka" sagot niya pabalik.

"Batas kaba? Tsaka Ayoko dito" aalis na sana ako ng akbayan niya ako tsaka ako hinarap, nag tama ang aming paningin.

"Gusto ko dito ka kumain bilang bayad sa pag  ginising mo saakin." inirapan ko siya at tinanggal ang kaniyang braso saaking balikat at binuksan ang aking pag kain dahil alam kong hindi ako nito tatantanan.

"Pwede pahingi?" kinalabit ako nito tsaka nilahad ang dalawang kamay na parang batang nang hihingi ng candy.

"Bumili ka ng sayo"

"Ang damot, pahingi ako" akmang kukuhanin niya sana ang aking pag kain pero nilayo ko ito.

"No libre saakin to' kanina' masungit kong ani.

"I just wanna have some" bulong nito tsaka yumuko, si cole ba 'to??.

"Oh' ito " natuwa naman ang loko nang inilahad ko sakaniyang harapan ang aking kinakain.

"THANKYOU!" magiliw niyang saad. May sakit ba siya? May nakain ba'tong hindu kaaya aya?.

--——--

READ MY OTHER STORY
⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️

Title: SOLIVAGANT
written by: amBersAver.

♥♥Enjoy reading♥♥

amBersAver


Almost ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon